Chapter One

11 3 0
                                    

"Hoy, bakla ka!"

Pagkapasok ko pa lang ng classroom ay sinigawan na ako nito ni Shantta. Tinapik niya ang upuan ko sa tabi niya at pinapaupo ako doon.

"Faster, baby!" Binilisan ko ng maupo doon at agad na ipinatong sa chair ang bag ko, "Uy, kanina hinahanap ka ng manliligaw mo!!" Niyuyugyog niya ang balikat ko at kilig na kilig ang bruha. "May dala pa syang gitara tapos kasama niya yung isa niyang kaibigan," mukhang may iniisip at saglit syang natahimik, "Si Kylo, yung crush natin! Tsaka may kasama pa sya e, si Wein! Iyong nagkaka-crush daw sa'kin!"

Mabibingi na ako dito kay Shantta e. Tili ng tili. Tapos manghahampas pa pag kinikilig. Hindi lang 'yon. Nambubugbog pa. Kakasuhan ko 'to ng child abuse e. Mapanaket.

She immediately stop when we saw Kylo. His both hands are in his pocket while walking inside our classroom. Agad siyang dumeretso sa pinaka likod, kung saan naroon ang kanyang upuan.

Matagal ko ng crush si Kylo. Simula pa nung grade 7, nakaramdam na ako ng paghanga sa kanya. Hinangaan ko sya hindi lang dahil gwapo sya, mas hinangaan ko ang pagkatao niya dahil napaka gentleman, matalino at mabait. Snobber nga lang. 3 years ko na syang crush and still counting HAHA!

Hindi nakakasawang pagmasdan yung mukha niya lalo na yung mga mata nya. Kulay kayumanggi ang kanyang mga mata at mapupungay pa. Kaya ganun nalang talaga karami ang nagkaka-crush sa kanya. Sikat din sya dito sa school dahil ang kanyang ama ay principal dito.

"Hoy, kung yelo lang yang si Kylo matagal na syang natunaw." Inalis ko agad ang tingin ko kay Kylo dahil kay Shantta. Ngayon ko lang din na-realize na ang tagal ko na palang nakatitig dito. Buti nalang at abala si Kylo sa pagsusulat. "Dapat gayahin mo ako. Tignan mo ko, crush lang pero hindi naf-fall!" Tinakpan ko agad yung bunganga nya dahil ang lakas.

Sinamaan ko sya ng tingin at napagpasyahang kunin nalang sa bag ko ang sketch pad at ballpen ko. Pero napako ang tingin ko kay Kylo. Now, he's looking at me.

Napalunok ako at agad na iniwas ang paningin sa kanya. Kinuha ko na agad ang ballpen at ang sketch pad sa bag ko. Kumuha lang ako ng isang page. Bago ako humarap, tinignan ko ulit sya. Nakatitig parin sya sa'kin! Nagulat ako at dahan-dahan na akong umayos ng upo. Thank God! Shantta is busy with her phone.

"Good morning, grade nine students!" Natigil ako sa pag-sketch at natigil din si Shantta nang may magsalita sa harap. Akala ko tuloy 'yan na yung first subject namin. "All our grade nine teachers are not going to teach all of their students because they have a meeting in AVR. So kaming mga SSG (Supreme Student Government) officers ay babantayan kayo para mapanatilihin ang katahimikan." Announcement nung SSG President ata yon? Basta 'yon.

Naiwan sa room namin ang dalawang SSG officers. Yung isa nakatayo sa likod at yung isa nakatayo sa harap. Pansin ko na panay ang sulyap ng dalawang bading na ito kay Kylo. Habang ang tinititigan naman nila ay walang pake sa kanila.

"Sino rito ang muse at escort nyo?" tanong nung bading na nasa harap.

"Ang muse namin si Ella at ang escort syempre si Kylo!" sagot nung bida-bida naming kaklase na si Rich.

Napakurap nalang ako sa kawalan at hindi na makapag-focus sa gown na ginuguhit ko. Soon to be a fashion designer kaya ako no! Kahit ang gusto sa akin ng parents ko ay mag-BA raw ang kunin kong course pero ang tinitibok ng puso ko ay ang Fashion Designing.

The Beautiful Flower ( Aurora Series #1 )Where stories live. Discover now