Filipino (Tagalog) Version

396 4 0
                                    

Alasonse na ng umaga ng mastuck si Seulgi sa kalagitnaan ng traffic. Hindi kasi siya hinayaan ng boss niyang makaalis hangga't hindi niya natatapos ang draft ng episode ng kanyang webtoon para sa susunod na linggo. It's been a hectic week and her deadline isn't helping her to relax. Hindi lang ulo niya ang sumasakit pati na rin ang ngawit niyang kamay na nakahawak sa manibela.

Kung hindi lang siya ganon kacommitted sa kanyang trabaho ay maaaring matagal na siyang tumigil rito. Ngunit anong magagawa niya? Making an art and extraordinary stories is her hobby and long time dream.

Napatingin siya sa kanyang relo, hindi naman rush hour pero maraming sasakyan ang nakatigil dahil sa aksidente sa unahan.

"Patay ako nito." Aniya, pagkatapos isandal ang ulo niya sa kanyang upuan at humikab. Kahit na sarado ang bintana ng kanyang sasakyan, kita pa rin ang kanyang pag-hinga dahil sa malamig na temperatura ng paligid sa labas ng kanyang kotse. Tanghali na kasi siyang nagising kaninang umaga dahil magdamag niyang inasikaso ang draft. Mabuti na lang dahil hindi pumapalya ang asawa niyang ipagluto siya ng almusal bago siya umalis para pumasok sa trabaho.

Nagsimula tuloy siyang alalahanin ang mga alaala nila simula noon. How she was blessed to have him, marrying her. How he understand her in the times that the world can't understand her. The way he kisses her forehead, to tell her that everything is going to be fine.

Oo, maayos ang lahat.

Halos mapatalon si Seulgi sa kanyang kinauupuan ng mag-ring ang kanyang phone at nakita ang pangalan ng taong mahal niya sa caller id. Mabilis niyang pinindot ang bluetoooth earphone niya bago pa ito mag-ring ng pangalwang beses.

"Baby, are you on your way there?" tanong sa matamis na tono ng malalim na boses sa kabilang linya. Hindi tuloy mapigilan ni Seulgi na mapangiti nang marinig ito. Ito kasi ang kailangan niyang marinig pagkatapos ng nakakapagod na araw na ito.

"Yes I am. Nastuck lang ako sa traffic pero I think I can make it." Aniya ng hindi tinatanggal ang malaki niyang ngiti na akala mo'y nakikita ng asawa niya.

"Okay. It's cold, sinuot mo ba yung iniwan kong sweater sa sofa?"

"Yeah I did. Pero ang lamig pa din." Sabi niya habang nakanguso. Natawa naman ang lalaki sa kabilang linya dahil nakikita niyang nagpapacute ang kanyang asawa na kailanman ay hindi niya pagsasawaang makita.

"Gusto mo bang yakapin kita?" Tanong nito at inangat ang isa niyang kamay, akmang yayakapin ang asawa niya kahit na hindi niya ito nakikita. Napangiti naman si Seulgi dito. Dahil kilala niya na ito ng ilang taon, hindi niya lang kayang basahin ang isip nito, ngunit saulo niya na rin pati ang kanyang mga kilos.

"Come here, I already miss you." Tila naaamoy niya na ang pabango ng asawa kung yayakapin siya nito. Ang malalapad niyang balikat na paborito niyang hawakan. Kahit na magta-tatlong oras pa lang silang naghi-hiwalay ay nananabik na sila sa isa't- isa.

"I missed you too baby." Sabi ng nasa kabilang linya na lalong nagpasabik at hindi nabigo sa pagpapakilig sa kanya.

Baby, I never thought that this word would be that special. Naaalala ko kung paano ako nandidiri sa tuwing naririnig ko itong tawagan ng ibang tao. Pero ngayong siya ang tumatawag sa akin nito, it is special.

Napangiti si Seulgi at tumingin sa bintana nang may alaalang nagbalik bigla sa kanyang isipan.

"Kung magiging tayo, ano sa tingin mo ang tawagan natin?" Tanong ni Taeyong sa kanya ng maupo sila sa bench. Vacant nila at napagdesisyunan nilang hintayin na matapos ang klase ni Joohyun para sabay-sabay na silang uuwi.

"Bakit naman ako mag-aaksaya ng oras isipin iyon?" Tanong ni Seulgi pabalik at iniwasan ang tingin ni Taeyong dahil pakiramdam niya ay maaaring sumabog ang puso niya sa pagiisip lamang ng posible nilang tawagan. "Siguro tatawagin na lang kita ng Yong?" Sagot niya ng wala rin siyang magawa kundi isipin.

Everything Has Changed | seulyong (one shot)Where stories live. Discover now