Ricky (9)

3 3 0
                                    

Palaging sa lupa ang tama ng tingin.
Panay ang yukod at hawak sa dibdib.
Malumanay ang boses lalo na kung nangungutang, animo'y isinasanla ang kaluluwa bilang kabayaran.

"Nong, may sakit si Nila." Mga katangang araw-araw ko na yatang
naririnig na lumalabas sa labi niya, kasabay ng butong hininga at palagiang pagkamot sa batok, maglalahad ng dahilan na nakasusugat sa puso't kikitil sa mga rason mo.

Kapag siya'y paparating ikaw na ang kusang magbibigay ng handog. Magmimistulang alipin ka sa sarili mong tahanan.

Kapag ika'y nagdahilan na walang maipahiram, bubulong 'yan sa iba't ibang tainga na akala mo'y hindi niya magagawa sa taong pinagkakautangan.

Traydor ika nga ng iba. Hindi aakalaing siya ang magiging pakpak ng balitang masama ang ugali ng kapuwa niya.

Ilan pa kaya ang mukhang  ikinukubli mo sa pagyuko, kuya? Tila yata ay marami kang maskara, anong tabing kaya ang inihaharap mo sa amin tuwing dadalaw ka?

PagsasalarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon