Joses (3)

14 8 0
                                    

"Good morning!" pagbating may mahika, pagpasok sa silid dala ang ngiting magpapagaan sa bawat isa-isang ngiting hindi naman naiiba pero kaya kang kumbinsihin tumugon sa pagbati niya.

"Ganito kasi 'yan..." mga litanyang alam mong eme lang pero mapapatango ka, pilit mo mang pigilang ang pandamdam hindi mo na ito mapipigilan.

Lalaking aktibo sa simbahan at sa klase, taas noong tatayo at mangangaral ng libre-libreng kaalaman sa lahat ng may nais, mukha man yang elementaryang naligaw sa klase, sigurado namang walang oras na masasayang kapag siya ang iyong kaklase.

Tunay ngang huwaran huwag lamang isama ang oras ng pasok niyan.

Maihahalintulad sa payapang puno sa gitna ng parang, ibon sa lumilihis na ulap sa kalawakan, at buwan sa lumalalim na pagyakap ng kadiliman. Hindi mo man maarok ang sinasabi kong kahulugan, hiling kong marami ka pang mapagwikaan.

Lodi sa kahinahunan sa pagsasalita sa harapan at sa pagiging taga-akay. Magpatuloy ka, kaibigan...huwag sanang panghinan at magpatuloy lang sa laban.

#TalentadongNilalang
#Cutthelines

Sa kanya ko kinuha yung pangalan ng main character ko sa kuwentong CHANCES (Multiverse Theory). Hindi nga lang sa kanya yung katangian. Masyadong malayo.

PagsasalarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon