- 01

24 2 0
                                    

— again, it contains grammatical errors as english is not my first language.

-

“Hoy Ann, ano’ng oras na oh, asan ka na ba?” singhal ko sa kanya mula sa kabilang linya.

Napag-usapan kasi namin na sabay kaming papasok ngayon dahil medyo maaga ang simula nang first class namin.

“Mamaya na lang pala akong 2:00 papasok. Ayokong pasukan si Cherry.” sagot niya. “Sila Jaime ba pumasok?”

“Tangina mo, malay ko. Nasa paradahan pa lang ako ng tricycle kasi sabi mo sabay tayo nimal ka. Sige na pipila na ko, ma-late pa ko.”

“Ikaw na bahala kay Cherry, Reum ha, thankies.” habol niya pa bago ko pinatay ang aking cellphone.

Kung hindi lang talaga major subject ‘tong first class ko, malamang hindi ko rin ‘to papasukan. Ang lala pa naman ng hangover ko dahil kagabi.

I arrived at school at exactly 10AM which made me feel at ease. Naglalakad na ako papuntang classroom nang makasalubong ko si Jaewon, class president namin. Kung sinuswerte ka nga naman talaga.

“Huy aga mo ah. Hindi ka hinang-over?” tanong niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa na akala mo ay babae na na-iinsecure sa akin.

“Sino bang hindi mananakit ang ulo? Ang lala ng pinainom niyo kagabi. Tabi nga.” tulak ko sa kaniya.

“Sabay na tayo, huy! Ayoko mapagalitan mag-isa ni Nike!” sigaw niya habang hinahabol ang lakad ko paakyat sa classroom.

Pagkarating namin sa classroom, nakahinga agad kami ng maluwag nang makitang wala pang teacher sa harapan.

“Bakit ikaw lang? Nasaan si Ann? Hindi papasok?” sunod-sunod na tanong ni Jaewon.

“Mamaya pa raw siyang second subject. Para namang hindi ka sanay.” sagot ko habang nilalabas ang notebook na para sa subject na iyon.

“Nakaka-ilang absent na 'yun kay Maam. Hindi ba siya takot na bumagsak?” tanong niya pa ulit.

“Bakit ba sakin mo tinatanong? Si Ann ba 'ko? May cellphone ka naman dyan, bakit hindi ikaw ang magtanong. Baklang ‘to.” inis kong sagot. Ginugulo niya kasi ako habang nagbabasa ng i-totopic ni Maam mamaya kaya hindi ako makapag focus ng maayos.

Natapos na naman ang apat na oras namin sa classroom ng walang natutunan. Bukod sa hindi na maayos mag discuss yung teacher namin, sobrang ingay pa ni Jaewon sa tabi ko.

“Bakit ka ba nakabuntot sakin? Nasaan tropa mo?” tanong ko dahil urat na kong kasama siya. Ang ingay masyado parang hindi lalaki.

“Late din sila eh, papunta pa lang ng school.” sagot niya habang nakatingin sa mamahaling relo.

Dahil may 1 hour break pa kami, napag-desisyunan namin ni Jaewon na umakyat sa rooftop para magpahangin muna since wala pa nga sila Ann. Dito ko na lang siguro sila aantayin.

I got out my phone from my pocket and started to scroll my twitter feed if there’s anything interested to see. Nang makita kong dry ang twitter agad ko itong in-exit at tumingin ng instagram stories.

Nakita ko ang story ni Ann na alak at may caption na “Happy birthday, Jaewon!!”  Sunod ko namang ini-slide ang ig story ni Jaewon. Laking gulat ko ng makita ang sarili na nakatayo at may hawak na alak kasama ang dalawa ko pang kaibigan na sina Ann at Jaime. Halata sa picture na kami ay lasing na. Binasa ko ang nakalagay na caption, “u will know when they are wasted, when they started to pull off their clothes.”

3:00 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon