minjoon: wanna hang out?
Naka-ilang ulit pa ako sa pagbasa ng message para masigurado kong tama nga ang nakikita ko.
Bakit niya ako kailangan yayain ng ganitong oras? Hindi ba siya natutulog?
Nawala ako sa pag-iisip ng marinig ko ulit na tumunog ang cellphone. Hudyat na may panibagong dating na mensahe.
minjoon: c’mon i know u are awake. ur active status says it all.
Shit. Hindi ko nga pala napindot ang turn off sa active status ko. Stupid me.
areum: sir, its 3:00 in the morning. in case u don’t know.
Hindi pa nakaka isang minuto sa pag-send ang message ko ay agad na siyang nag-reply.
minjoon: of course, i know. hindi lang kayo ang may orasan. c’mon, bumaba ka na.
Ngayong araw lang yata ang first 3AM namin nang magkasama. Through online lang kasi palagi yung interactions naming dalawa dahil nahihiya akong kausapin siya sa personal. Napakarami pa namang chismosa sa school, pati mga teachers nakiki-chismis. Ayoko lang ma-issue.
I hurriedly go downstairs without changing my clothes to check if he’s really here. Bakit pa ako magpapalit, baka nga niloloko lang ako nito eh.
As the elevator door opened, I immediately saw him standing beside his car wearing a simple black printed shirt partnered with a black shorts together with his another black flipflops. All black, huh. May pupuntahan ba siyang patay?
Bago pa man ako makalapit sa kaniya ay tumakbo na agad siya palapit sa akin. Nakita niya siguro sa peripheral vision niya na may tao.
“Sa susunod naman na magpapakita ka sakin, magsuot ka ng shorts.” Pang-aasar niya habang tinitingnan ang suot ko. “Ganiyan ka na ba talaga ka-hirap?” Dagdag niya pa.
“Bobo ka ba? I am wearing my cyclings kaya!” Inis kong sagot habang tinaas nang kaunti ang oversized shirt kong suot para makita niya nang maayos ang salawal ko.
“Sige, okay na yan. Tara na.” Pag-aaya sa akin ni Minjoon.
“Huh? Saan tayo pupunta ng alas tres nang madaling araw?” Naguguluhan kong tanong.
“Basta. Tara na.” Paghihila niya sa kamay ko at binuksan na ang pinto ng shotgun seat para makapasok ako.
Pagkaupo sa kotse ay wala na akong paalam na sinaksak ang phone sa kotse ni Minjoon. Bahala siya dyan, siya naman ang nagyaya sa akin kaya huwag siyang mag reklamo.
I turned on my phone and decided to play some music. Pinindot ko ang DAY6 Playlist na nakahiwalay na sa lahat ng mga kanta ko. Sa ganitong roadtrip kasi maganda patugtugin ang mga kanta nila. Sobrang satisfying sa puso.
“Paano ka pala nakapuntang condo mag-isa?” Gulat kong tanong sa kanya habang nagmamaneho. Ngayon ko lang kasi napansin na wala siyang kasama.
“Nag-drive, malamang.” Walang kwenta niyang sagot.
Ibang iba talaga ang ugali ni Minjoon sa loob at labas ng school. Kung anong ikinabait niya kapag nasa loob kami ay siya rin namang ikinabaliktad niya kapag nasa labas. Hindi ko alam kung alam ni Jaewon yung side ni Minjoon na ganito dahil wala naman silang dalawang nababanggit sa akin.
“Alam ko. Bobo ka. Ang tanong ko, bakit kako mag-isa kang nag-drive?” Tanong ko matapos ko siyang hampasin sa braso.
“Hindi naman ako mag-isa ah? Andito ka kaya.” Pamimilosopo niya pa.