Two
Sa paglipas ng panahon, natuto akong tanggapin ang kapalaran ko. Na isa akong anak sa labas na binigyan ng titulong Ferrer ngunit hanggang doon lang.
Nagalit ako noong una. Nangulila. Napatanong ako sa isip ko noon kung para saan pa ang ibinigay na apelyido sa akin kung hindi naman ako itinuturing na anak ng aking ama? Hindi ko iyon matanggap noon. Hindi ko maintindihan at hanggang ngayon pa rin naman ngunit kaysa ibuhos ko ang oras ko sa pag-iisip no'n ay tinanggap at inintindi ko na lang.
If heaven placed me in this kind of situation then I will gladly accept it. Because maybe...he has a plan for me. May dahilan kung bakit ganito. Iyon na lang ang tinatatak ko sa isip ko.
Siguro ang magagawa ko sa ngayon ay gawin ang makakaya ko para maging successful sa buhay sa sarili kong paraan. Nagbabakasaling kapag nangyari iyon ay hindi na ako ikahiya ng ama. Nagbabakasakali na hindi na niya ako itago sa mga tao.
That's one of the reasons why I'm working and studying hard.
"What's your order, Sir?" I asked the customer politely. Hindi ako nakipag-eye contact sa kanila habang kinukuha ang kanilang order.
I noticed that it's a group of boys and girls. Some were being intimate with the opposite sex. Some boys were looking at me curiously and the girls didn't dare to look at me at all as if my existence didn't matter to them.
Nang matapos makuha ang order ay binigay ko iyon sa counter.
Iba talaga ang ihip ng hangin. Noong nakaraan lang ay nagdadalawang isip ako sa trabahong ito ngunit ngayon ay nandito na ako.
Noong nagpunta kami rito sa Reverse nila Alena at Cy last week ay ginamit ko na lang din iyong tsansa para mag-obserba. Pinanood ko ang mga waitress/waiter at napansin ko namang disente ang kanilang trabaho hindi tulad ng akala ko noon. Kaya naman naisipan kong mag-apply na at agad naman akong natanggap.
Today is Friday. Huling duty ko para sa unang linggo ko rito. MWF ang schedule ko sa pagwa-wait. Hindi na rin masama.
Habang naghihintay ay inilibot ko ang mata sa buong bar. Some are sitting on the couch while drinking with companions and some are dancing along to the loud music played by the professional DJ the bar has.
Wala sa sariling napagawi ang tingin ko sa sa spiral staircase patungo sa second floor nitong bar. Sa taas, may na-ispatan akong isang babae at isang lalaki na naghahalikan doon. The girl is holding a wine flute in her left hand while her right hand is on the man's nape while they are passionately kissing.
How funny. While these people are having fun through wasting their money, I am here working hard to earn money to live. Doon pa lang, makikita na ang pagkakaiba ng mayayaman at mahihirap. Tila ba may isang linya sa pagitan ng dalawa.
"Kumportable ka na?"
Halos napatalon ako sa biglaang nagsalita. I glanced at my side and saw Athena, the one who introduced me to this job. Athena was also from University of Santa Inez. 2nd year college na ako ngayon habang siya ay nasa 3rd year na.
Bahagya siyang natawa sa bahagyang pagkagulat ko. Tinago ko na lang sa isang ngisi ang bahagyang gulat ko at tumango.
"Medyo nakakapag-adjust na," sagot ko.
Isa rin siyang waitress dito. Ang sabi niya mula pa noong 1st year college siya ay ito na ang raket niya. Maganda ang sweldo kaya 'di na siya naghanap pa ng ibang trabaho.
"Masasanay ka rin. Lapitan mo lang ako o ang manager kung may gusto kang tanungin."
I nodded.
BINABASA MO ANG
Scented Lies (Delgado Series#1)
General FictionCOMPLETED EDITED VERSION + NEW ADDED SCENES AND CHAPTERS ARE POSTED ON DREAME/YUGTO. Warning: Some Mature Content. HIGHEST RANKING: #4 in Wattpad2020 #5 in UndiscoveredGems Si Lila Ferrer ay anak ni Tenor Ferrer sa ibang babae. Kilala ang mga Ferr...