Beginning

1.8K 244 58
                                    

Beginning

"Good morning, Ma'am!"

Nginitian ko si Glena at binati na rin siya pabalik. Bumalik naman ito sa ginagawa kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Tumigil ako sa isang gilid at inilibot ang mata ko sa buong coffee house at naispatan ko kaagad ang ilang mga customer doon na nagkakape. May ilan din na nasa counter para sa kanilang order.

"Hey!"

Nilingon ko ang sumasalubong sa akin na si Shan. Siya ang manager ng coffee house, ang pinagkakatiwalaan ko habang wala ako para asikasuhin ito.

Nginisian niya ako kaya nginisian ko rin siya pabalik. May iminuwestra siya sa akin na isang babae na palagay ko'y bata pa lang o siguro'y nasa disi-otso na ang edad. Nakasuot ito ng uniporme na pang waitress.

"Si Anna, ang bagong salta. Ngayon ang unang araw n'ya rito. Nasabi ko na noong nakaraan na nag-hiring tayo, hindi ba?" pakilala ni Shan sa bagong empleyado at paalala na rin.

Tumango ako at nagtagal ang mata ko sa babaeng ngiting-ngiti sa akin.

"G-Good morning po!" she greeted. "It's nice to meet you, Ma'am. Ang ganda nyo po!" mangha n'ya pang dagdag.

I smirked at what she just said. "Gusto ko siya. Maganda ang lumalabas sa bibig," panunuya ko at inilingon si Shan. Napailing-iling naman siya sa akin.

I smiled even more when I saw his reaction. Binalingan ko muli ang babae.

"It's nice to meet you too, Anna. Ilang taon ka na?" tanong ko sa bagong waitress.

Mabilis itong tumuwid ng tayo bago sumagot. "19 po," magalang nitong sagot. Her voice is more energetic now than earlier. Marahil sa biro ko.

Tumango naman ako ng marahan at ngumiti. "I see. I'm looking forward to your working performance here, Anna."

"No worries po. Makakaasa po kayo," saad niya sa tonong nangangako.

Marahan akong napatango.

"Great! Then...you can go back to work now."

Agaran itong tumango at nagpaalam na sa amin. Sinundan ko ng tingin ang pag-alis at pagbalik niya sa kaniyang trabaho.

After that, I glanced at Shan and tapped his left shoulder. Sumenyas ako sa kanya na magtutungo muna ako ng opisina.

Pagkarating sa opisina ko rito ay umupo ako agad at bahagyang isinandal ang likod sa aking swivel chair at ginalaw-galaw ito.

Ilang minuto akong natulala at tumunganga pa roon bago ko simulan ang pagtatrabaho. I thoroughly checked the sales report and saw that the performance of the coffee shop was in good shape these past months. Wala namang aberya. May ilan lang na reports ng ilang customers pero naayos naman na itong lahat.

Ilang sandali pa ako nagbabad sa loob ng opisina ko bago ko naisipan nang lumabas. Sumasakit na rin kasi ang puwet ko kaka-upo kaya minabuti kong lumabas at tingnan kung maayos ba ang lagay ng coffee house ngayon.

Halimuyak ng kape ang agad kong naamoy pagkalabas ko. Humahalo na rin ang amoy ng matatamis na cake na binebenta rin namin.

Hinanap ng mata ko si Shan at nakita ko ang pagmamando niya sa ibang nagwa-wait. Ngumisi ako sa aking kaibigan nang nahagip niya ako ng tingin. Tumango lang naman ito sa akin at nagpatuloy sa ginagawa. He's really a good manager.

My eyes roamed more around the coffee house to survey the customers.

May ilang lalaki akong nakita na nakaharap sa kani-kanilang mga laptop habang nagkakape. Probably, working. Ang ilan namang babae ay may mga kasamang kaibigan at nag-uusap. May isa akong nakitang babae na mag-isa naman at may binabasang libro. Ang ilan ay habang nagkakape at kumakain ng slice ng cake ay may katawagan sa telepono. This is the usual sight and scenario in every coffee house. I can’t help but to smile.

Scented Lies (Delgado Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon