Natapos ang class ng wala masyadong pumapasok sa utak ko.
Umuwi ako at nagkulong sa kwarto. Sobrang nasaktan ako dahil nagmukha akong tanga at pinaniwala sa mga matatamis na salita.
Siguro sa ngayon sarili ko na dapat ang iniisip ko. Hindi na ako dapat magkulong dito kailangan kong aliwin ang sarili ko at kalimutan ang nangyari. Hindi lang sya ang tao sa mundo, marami pa akong makikilala at dapat maging kaibigan.
"Anak okay kalang ba?" kitang kita ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
Pagkasabi ni mommy ng ganun di ko na napigilan ang sarili ko, kusang tumulo ang luha sa aking mga mata kasabay ng biglang pagyakap ko kay mommy. I need a hug to reduce the sadness in my heart.
I was too stupid to trust immediately.
"May mga tao na dumadating sa buhay natin para matuto tayo. Sa lahat ng sakit na ibinigay nila may mga aral tayong makukuha na magpapalakas lalo sa atin."
Umakyat na ako sa kwarto. Hindi ako makatulog sa dami ng pumapasok sa isip ko. Makakalimutan ko rin yung lalaki na yon, hindi ko sya kailangan.
Mag iisip nalang ako ng magagandang bagay, yan ang sabi ko sa aking sarili para makalimutan ang problema. Si Clau agad ang unang pumasok sa isip ko.
Yung maikli nyang buhok.. mapungay na mata.. matangos na ilong.. at mapulang labi..
Hindi ko namalayan nakahawak na pala ako sa aking labi habang nakatingin sa kisame at iniisip sya. Bakit ba ganto yung pakiramdam ko sayo? Anong meron sayo at binabaliw mo ako ng ganito...
"Ikaw babae ka malandi ka pala!!!" naglalakad palang ako sa hagdanan papunta sa room ngunit biglang sinabunutan ako ng babae.
"Anong sinasabe mo? Aray! Nasasaktan ako tigilan mo ako." sabi ko habang hawak nya ang buhok ko.
"Bakit mo inaagaw si Diether sa akin? Marami nakakakita na nagdadate kayo."
"Wala na kami at hindi ko sya inagaw sayo kaya tigilan mo na ako."
"So ganon binara mo lang ako, eto sayo--"
Akmang sasampalin nya ako pero hindi natuloy. Kitang kita kong may pumigil sa kamay nya. "Patay na patay ka talaga sa lalaking yon kaya lahat nalang ba ng babae nya aawayin mo?"
Yung boses na yon, alam ko kung sino sya.
"Oh common Clau, bakit ba galit na galit ka? isa ka rin naman sa naging babae nya diba?"
"I'm a victim of his love, but you? you are chasing him even though you know he is a play boy, don't you even see how stupid you are?"
Hinila ni Clau ang kamay ko paakyat papunta sa room. "After school sabay tayo, wait mo ako jan."
"O-oh okay, ingat ka baka nanjan sila."
"Sila ang ingat saken." sabay kindat nya. Yabang nito pag ikaw pinagtulungan.
Hindi ko inaasahan bigla syang humalik sa pisngi ko sabay takbo. Hala may nakakita ba non? Friendly kiss ba yun? Bakit kakaiba yung pakiramdam ko...
Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid at baka may nakakita non pero parang wala lang, hindi nila pinansin yung biglang pag halik nya sa pisngi ko.
Baka naman kasi ako lang ang nagbibigay ng meaning doon, bakit ba sobrang bigdeal non para saken..
YOU ARE READING
Unexpected [On-Going]
Teen FictionRafaela is a soft girl that could easily break a heart by someone. Because of the pain that she experienced, it makes her stronger. All she promise to herself is to fulfill her dreams. But is it possible to love a fellow woman? Unexpectedly I loved...