VICTIM'S POV
"Shott na sissyyy!!" sigaw ng lasing kong kaibigan habang nasa bar kami.
Hayss, napakaboring naman dito, at ang ingay ingay pa dala ng malalakas na tug-tog ng speakers na nakapalibot sa bar. Di bale, last shot ko na to, nasusuka na ako at ayaw ko malasing dahil baka may masamang mangyari sakin.
Simple lang akong babae, kung ako ang tatanungin,
WITNESSES
"Matangos ang ilong"
"Maganda"
"Seksi"
"She was near to perfect"
"Tall, 5'5"
"Maryan? She's perfect"
----
Napatingin ako sa loob ng bar na ito, may kalakihan ito at sa tingin ko may kayang i-accommodate ang mas higit pa sa 100 ka-tao, black ang walls nito kaya lalong dumilim at may mga laser lights at spotlights rin sa dancfloor na kaya kang palasingin kahit isang bote palang nainom mo dahil sa mabilis na galaw nito.
Habang inooberbahan ko ang bar na ito, may napansin akong lalaking panay tingin sakin na para ba akong paborito niyang pagkain. Well, masarap naman talaga ako, tsk. Pero sorry nalang di ako nagpapatikim, LOL.
Hindi ko namukhaan ang lalake pero sa tingin ko nasa 25 na taong gulang na ito at may kataasang nasa 6'5, halatang guwapo at attractive ito dahil sa kaniyang malaking katawan.
"SISSY SAYAW TAYO"
natauhan ako nang sumigaw ang kaibigan kong si Macey.
"A-ah, sige sis"
Ugh, sinabayan ko lang naman siya kasi napilitan akong sumama, madami rin naman kami dito e, pero inaamin ko na nag eenjoy naman ako kaya't sumayaw nako sa dagat ng maraming tao.
Ang di ko napansin ay unti unti na pala akong nalalasing dahil binigyan ako ng dalawang baso ng champagne ng waiter ng bar dito, tanong ako ng tanong kay kuyang waiter kung sino nagbigay neto ngunit sikreto lang daw at gustong maging anonymous ang nagbigay.
Tsk, sabi ko na nga ba masarap ako e, biro ko sa sarili ko.
"I STILL LOVE YOU JOSH!!!!"
"BALIK KANA SA'KIN!"
Shit. anong pinagsasabe ko, lasing na ba ako? Parang ganun na nga. Di ko na alam pinagsasabe ko pero bakit parang matino ako sa utak ko?
Umalis ako sa bar dahil hindi ko na alam kung ano pinagsasabe ko, umalis ako ng walang paalam sa aking mga kaibigan.
Habang naglalakad ako palabas ng bar halos mahihilo na ako at hindi makapaglakad ng maayos, buti nalang at may hand rails ang bar para gumabay sa'kin palabas. Jusko anong meron sa champagne na 'yon at para ba akong nahihilo? Sa pagka-alala ko dalawang baso lang nilaklak ko. Di naman ako malalasing 'non e, siguro yng nag bigay non e may balak akong pagsalamantahan, di kaya ang nagbigay n'on e yung lalaking nakatitig saken?
Well, I should not blame anyone, ang dapat lang makauwi ako ng maayos.
Walang taxi o jeep ang bumabiyahe sa ganitong oras, mag a-alas 12 na ng kalahating gabi kaya't naisipan kong lakarin nalang patungo sa bahay ko, isang kilometro lang ang layo galing dito.
Habang naglalakad ako na parang baliw, napansin ko na may sumusunod sa'kin. Kaya't umayos ako sa aking sarili
"Kaya ko nang umuwi mag-isa Macey."
Di ko man nakita ang mukha ni Macey pero siya lang ang kilala kong kaibigan na palaging nasa likod, harap, gilid at kahit sa itaas ko, andiyan siya palagi.
Pero bakit hindi siya sumagot?
Parang may mali, hindi ito si Macey, ba't napakatahimik niya?
Napaparanoid lang ata ako.
Sinusubukan kong paalisin sa'king isip na may sumusunod sa'kin ngunit malakas ang kutob ko na sinusundan ako.
Napunta ako sa isang madilim na sulok sa may Welberry St. at di ko na kinaya ang pagsusunod nito sa'kin kaya't tumalikod ako at sinigawan ko siya
"BAKIT KA SUNOD NANG SUNOD SA'KIN?!?!"
sumigaw ako ng malakas kahit na ang mga tao dito, well, konti lang naman ang naninirahan sa street na 'to ay natutulog.
"Relax, miss, binabantayan lang kita para makasigurado na nakakauwi ka ng maayos." Sambit nito.
"Who are you, Mr. Someweirdstalker?" Pataray akong sumagot.
"Call me Justin." kalmadong sumagot si Justin sa tanong ko.
"Alright, Mr. J-u-s-t-i-n, get out of my sight."
inis akong sumagot.
"B-but you're drunk"
Kahit kailan talaga napakaweird netong Justin na ito bakit niya alam na lasing ako?
"How do you know that I am drunk?" Tanong ko.
Pataray akong sumasagot sa mga banat niya pero takot na takot ako sa loob, kasi alam niya na lasing ako at kanina pa niya ako sinusundan, in short, he is a stalker.
"Whatever, get lost." dagdag ko.
"I was sent by Mace---"
"Then tell her that I am safe." di pa man siya natapos makapagsalita, inunahan ko na siya at bumalik ako sa paglakad paalis sa kinaroroonan namin.
Kahit kailan talaga hindi ako nakatakas kay Macey, alam ng bruha na 'yon ang galaw at attitude ko, eh.
nakalipas ang ilang hakbang sa paglalakad ko, hindi ako nakarinig ng footsteps o di kaya'y may sumusunod sa'kin, safe na ako, wala na akong iniisip.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may narinig akong footsteps galing sa likod ko patungo sa direksyon ko.
Di ko ito pinansin at patuloy lang akong naglakad patungo sa aking bahay na hindi hihigit sa 700 meters. Ngunit naghihinala naman ako na si Justin nanaman ang sumusunod sakin kasi kanina ko pa napapansin ang tunog ng footsteps, kung saan ako liliko, dun din pupunta ang footsteps na naririnig ko.
Hell, ini istalk talaga ako netong Justin na 'to.
"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO REPEAT WHAT I'VE SAID FOR YOU TO STOP FOLLOWING ME?!"
Napasigaw ako ng malakas nang tumakbo ito patungo sa direksyon ko habang may dalang taser na nakatutok sa akin, naka thermal tops ito ng itim at lahat ng sout niya ay itim except sa sombrero niyang kulay hazel brown.
Nanlamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw dahil nahagip ako ng taser. Malakas ang puwersa nito kaya't lumabo ang paningin ko, I can't even feel my body falling. Nakahandusay na pala ang katawan ko sa daanan.
Bago ako nawalan nang malay, nakita ko ang mukha ng may gawa nito sa'kin dahil itinaas niya ang kanyang sombrero ....
Shit!
Bakit siya pa?
Anong balak niya sa akin?
Akala ko......
-----
12:21 AM
Welberry St.
YOU ARE READING
Falling Into a Death Trap (ON-HOLD)
RomanceThe unexpected love between a detective and a killer leads them into a gamble of love, life and death.