N/A: THIS IS STILL ON-WORK. Expect grammatical mistakes and incorrect spellings. I will edit it soon. Thank you.
****
/Television/
"...Samantala isang babae na si Maryan Frenandez, natagpuang patay sa Welberry St. ayon sa mga naninirahan dito, wala silang narinig na kahit anong sigaw. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang nangyaring insidente..."
***
10:00 A.M
(9 Hours, 39 minutes after the death of Maryan)
---
Detective Collins' POV
Kahit kailan talaga napakaboring ng meetings netong si Paul, our Head of Detectives under DSCU o kilala bilang Detective Services and Control Unit. Matagal ko na siyang crush simula nung na hire ako dito as a Detective at last month lang ako na promote as the Executive Officer dahil sa aking mabilis na pag solve ng mga kaso dito sa States. Hell, I am a good detective.
Nasa meeting room kaming mga Detectives para pag-usapan ang pagpatay sa isang babae sa may Welberry St. Malaki at komportable ang meeting room na ito 'di kagaya ng meeting room namin noon. Kayang ipagkasya dito ang 24 ka-tao, sa gitna ng meeting room ay may malaking hugis parihaba na lamesa at gawa ito sa fiber glass, nakapalibot nito ay 12 swivel chairs, sa harap naman ay may 60 inch smart TV at dalawang aircon na nakapuwesto sa harap at likod. Amoy na amoy ang bago nitong ambience sa room.
Paul Harrison, sa lahat ng detectives dito sa meeting room na eto, siya ang pinakamagaling at hinahangaan na detective sa boung Estados Unidos maging sa boung mundo. Nasa kanya rin ang lahat ng trato na gustong gusto ng mga babae. Mabait, gentleman, caring, guwapo, matangos ang ilong itim ang buhok, macho at higit sa lahat matalino. In short, "full package". I love you po.
Habang pinapantasya ko ang aming imposibleng love story, di ko napapansin na kanina pa pala ako tinatawag ni baby este ni boss Paul
"Collins.....Collins..."
"Collins! Are you here with me?!" Sumigaw ito at nag echo ang boses niya sa boung meeting room na ikinagulat ko.
"Y-yes, detective?" Nauutal akong sumagot gawa ng pagkahiya dahil lahat ng detectives dito sa room eh sa'kin nakatingin.
"I want you to investigate the case of Ms. Maryan Fernandez. I want all possible evidences handed to me first. Understood?" Seryoso siyang tumitig sa'kin.
Ugh, ako nanaman?
Oo, inaamin ko na mataas na posisyon ko dito pero 'di ito mangyayari kung 'di dahil sa kaniyang tulong. I graduated with a degree of psychology but I am not an outstanding student in my college years.
"O-okay, detective" di ko alam kung bakit ako nauutal. 'Di ko naman gustong tanggapin pero no choice ako kapag ang head na ang pumili. Besides, madami pa naman ang deserving dito sa DSCU, eh, bakit ako pa?
"Detective?" Umangal at itinaas ni Therese ang kanyang kaliwang kamay, Ugh! I hate this girl. See, she's the vice-chairman in our group and ever since tinutulungan ako ni Detective Harrison, hindi na niya inalis ang tingin niya sa'kin, saking mga galaw at lalong lalo na kapag naguusap kami ni Detective Harrison.
Kasalanan ko bang maging maganda?
Anyway, sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi siyang umaangal at nag di-disagree.
YOU ARE READING
Falling Into a Death Trap (ON-HOLD)
RomanceThe unexpected love between a detective and a killer leads them into a gamble of love, life and death.