“Henebeyen girl, wala namang gulong yang sapatos mo pero bakit lagi ka na lang nadadapa?” – Elise
“Ewan ko din nga eh. Isinumpa ata ako >.<” – ako
“Isimumpa? hahahaha. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, LAMPA ka lang talaga! bwahahahaha.”
Psh, oo na, sige na. Ako na talagang lampa. Pero kailangan pa talagang ipagsigawan? =__=
Ako nga pala si Jade, 19 y/o BSBA student. At oo, kahit ganito na ang edad ko eh napakalapitan ko sa disgrasya. Di kumpleto ang isang araw ng hindi ako nadadapa o gumugulong.
At yung kausap ko kanina? Si Elise yun, bestfriend ko. Tsk, ewan ko nga kung panu kami naging magbestfriend nun. Alam nyo ba, pag nadadapa ako, imbis na tulungan ako nyan, pinagtatawanan pa ako. Ang bait noh? Sarap ipatapon sa Bermuda Triangle xD
Isang araw habang naglalakad kame ni Elise papuntang cafeteria, eh nakita ko si Jeoff Lalalabs na nakatambay sa labas ng room nila.
Si Jeoff ang ultimate crush ko since freshman year ko. Ang baet nya kasi tapos ang talino pa. At ang lakas ng sex appeal nung mokong na yun kahit di kagwapuhan.
At ayun nga, dahil sa kanya ako nakatingin, di ko namalayang nasa hagdan na pala kame. Kaya ayun, gumulong ako pababa ng hagdan.
Whoooooooooooo… Agaw eksena na naman ang lola nyu +___+
Guhrabeh, ang daming nakakita!
Oh mahabaging lupa, kainin mo na ako !
“Bwahahahahahaha.. Ang galing mong umaba ng hagdan girl! Naunahan mo pa ako bumaba oh. Bwahahahahahaha.” – namamatay na katatawa ang “BESTFRIEND” ko ..
Ambait talaga oh! Ipalapa ko kaya ‘to sa leon?
My gosh! Nakita ni Jeoff mah labs ang katangahan ko >.< Ayun oh! Sumasakit na ata ang tyan katatawa, hawak na nya tyan nya eh.
Ayst, henebeh? Pwede bang magka-amnesia lahat ng nakakita ng nangyari saken?
U W I A N T I M E
Naglalakad na kami sa hallway ni Elise.
At guess what?
Di pa din ako tinatantanan netong mga schoolmate kooooo!!!!
“Jade, magdidive ka ba ulet dito sa hallway?”
“Jade, paturo naman ako nung moves mo pagbaba ng hagdan”
Sikat nga ko pero di naman gantong klaseng exposure ang gusto ku eh >.<
Pero… ohmeygash ! Papalapit sakin si Lalalabs!!!!
“Ang lampa mo talaga Jade! Ahahaha” – Jeoff
“Oo. Alam---“
Teka? Alam nya pangalang ko? Kyaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!
Na-stunned na ako. Di na ako nakapagsalita =__=
“Sa sobrang kalampahan mo..
Mula sa isip ko..
Dire-diretso kang nahulog dito ..
(sabay turo sa left chest nya)
sa PUSO ko (; “
© The END (: ©
©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©©
A/N : so how’s my story?
dahil sa katangahan ko, naisipan ko ‘tong story na ‘to xD
sana nagustuhan nyo (:
COMMENT/VOTE po ©