Ako si Balagtas!Kaya kong sumambit.
Kaya kong gumawa.
Kaya kong magsalita.
Kaya kong magmahal.Oo!
Kaya kong magmahal kahit hindi ako mahal.
Kaya kong titigin ka kahit nasa iba ang atensyon mo.
Kaya kong ngumiti kahit ang dulot ng ngiti mo ay hindi ako.
Oo! Ako si Balagtas.
Isa akong martir. Aaaaapooo ako ni
Padre Gomez.
Padre Burgos.
At Padre Zamora .Ang pagka martir ko ay hindi tulad nila na pinatay lang bigla.
Dahil ang araw-araw kong pagkamartir sayo.
Ay unti-unting pumapatay sa damdamin kong nagmamahal lang naman.Ako si Balagtas. Hari ng balagtasan
Ngunit di ko kayang ibalagtas kung gaano kita kamahal.
Takot lang ako sa reaksyon mo.
Na baka ang 0.1 percent ng pagasa ko ay maging dulot pa nang pagkabura nito.
Ako ang balagtas!
Isang martir.
Isang mananambit.
Isang nananahimik.
Isang nagmamahal.Isang araw na sinubukan kong ibalagtas ang pagmamahal ko.
May isang umpok na kaguluhan ang nadatnan .
Ang pagbabalagtas ko ay nauwi sa panlalambot ng aking katawan.
Nakita ko ang karamihan ay luhaan.
Ako si Balagtas.
Isang nanahimik
Isang nagmahalAko si balagtas
Isang martir
Isang nasaktanSiguro'y mali kung ibabalagtas ko.
Ngunit kahit man lang sa huli sana'y nalaman mo.Habang ika'y nakahimlay.
Ibinulong ko sayo.
Ako si Balagtas.
Nagmamahal sayo.
Disclaimer: Work of a fictioner.
No copyright. infringement.
BINABASA MO ANG
Ako si Balagtas
PoetrySpoken Poetry about Love. Babala: 1.Nakakaaddict ang story ng author. 2. Mas nakakaaddict ang author 3. Masasaktan ka lang 4. Maiinlove ka.