Chapter 6

330 37 47
                                    

[Chapter 6]

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman

Nasa library ako ngayon para magreview dahil may quiz kami mamaya sa Accounting. Umupo ako sa may bandang dulo at nilabas ang nagkakapalan kong libro sa Financial Accounting maging ang papel, lapis, at calculator ko.

Habang abala ako sa pagsosolve ng mga accounting problems at pagdutdot sa calculator, napatigil ako ng may umupo sa harapan ko. Nagulat ako ng pagtingin ko si Justine pala ito. May benda pa rin ang dalawa niyang kamay dahil sa pagsuntok niya kagabi sa puno.

Napalingon ako sa paligid para tingnan kung may nakatingin sa amin, mabuti na lang at kaunti lang ang mga tao dito at abala ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa.

"Anong ginagawa mo dito?" halos pabulong kong tanong sa kanya.

"Magbabasa?" pabalik niyang tanong sa akin agad ko naman siya sinenyasan na hinaan niya ang boses niya. Napastrikto pa naman ng bantay dito

"Hinaan mo nga yang boses mo" saway ko sa kanya pero sadyang matigas talaga ang ulo ng lalaking ito. "Mahina naman ah" pinandilatan ko siya ng mata dahil hindi talaga siya nakikinig sa akin.

"Sssshhhhhhhh" saway ng librarian at ang sama na ng tingin nito sa aming dalawa. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh

"Wag mo akong guluhin kailangan kong mag-aral, may quiz ako mamaya" sabi ko sa kanya, bigla siyang tumayo at hindi ko na inabala pang tingnan kung saan siya pupunta. Bumalik ako sa binabasa at sinubukan sagutan ang mga problems dito sa libro. Argghhh ang sakit na ng ulo ko bat ba kasi ang hirap-hirap nito. Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasagutan ko, nasa ganon sitwasyon ako ng biglang umupo ulit si Justine sa harap ko na may bitbit na makapal na libro. Napatikhim na lang ako at umayos ng upo. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng bakanteng upuan dito niya pa talaga naisipang magbasa sa harap ko.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko pero hindi ako makapagconcentrate dahil pakiramdam ko may nakatitig sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nahuli kong magkukunwari ulit magbasa ng libro si Justine, pinagtaasan ko siya ng kilay at bumalik ulit sa pagbabasa. Iilang beses ko pa siyang nahuling nakatingin sa akin at sa tuwing titingin ako sa kanya bigla niya na lang babawiin ang tingin niya at magkukunwaring nagbabasa. Napailing na lang ako ang weird ng lalaking to ha.

Matapos ang isang oras umalis din si Justine at hindi man lang nagpaalam. Psshhh ano namang pake ko kung hindi siya magpaalam ha. Mabuti nga yon umalis siya ng makapagreview ako ng mabuti kanina pa ako hindi makapagconcentrate dahil sa ginagawa niya.

Babalik na sana ulit ako sa pagbabasa ng may mapansin ako sa lamesa. Kinuha ko iyon isang goya na dark chocolate na may kasamang maliit na note.

Kanina ka pa nakabusangot. Smile. Ang pangit mong tingnan. Thank you nga pala ulit kagabi. Good luck sa quiz.-J

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong mapangiti. Agad naman akong nagpalinga-linga sa paligid para tingnan kung nandito pa ba siya sa loob pero nakalabas na siguro siya. Napahawak ako sa dibdib ko ang bilis na naman ng tibok na puso ko.

* * *

Maaga akong umuwi ngayon dahil wala naman kaming pasok sa last subject dahil nagtext ang proof namin sa class president namin na hindi siya makakapasok sapagkat may importante siyang kailangang puntahan. Nagchat ako kay Sheia kung nasaan siya pero ang sabi niya may pasok pa siya kaya hindi niya ako masasamahan. Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep biglang may humarang sa daanan ko. Pagtingin ko ang sama ng tingin nito sa akin.

"May problema ba miss?" tanong ko sa kanya, nakasuot din siya ng uniform na katulad ng sa akin so it means the same University kami ng pinapasukan.

"Layuan mo si Justine!" may diin niyang sabi sa akin, I look at her mas matangkad siya sa akin dahil may takong ang sapatos na suot niya, halatang naparebond na nito ang itim niyang buhok na abot hanggang balikat, at halatang mataray ang dating niya.

"Sinong Justine ba ang pinagsasabi mo Miss? Sa pagkakaalam ko maraming Justine dito? At sino ka ba?" mahinahong tanong ko sa kanya kahit may ideya naman na ako kung sino ang tinutukoy niya.

"Oh, I forgot to introduce myself my name is Jewel Rivera. Ang girlfriend ng lalaking hinaharot mo kanina sa library. Im Justine Villanueva's girlfirend. So fuck off bitch!" nabigla ako sa nalaman ko, may girlfriend na pala siya, pero kung makatitig siya sa akin kanina at may pabigay-bigay pa ng chocolate with notes akala mo walang girlfriend. Napailing na lang ako sa sarili ko, masyado ko atang binibigyan ng meaning yong mga ginagawa niya sa akin, hindi talaga dapat ako nagtitiwala sa mga lalaki.

"Don't worry miss hindi ko ugaling manira ng relasyon. Wala rin akong balak agawin sayo yong boyfriend mo. Pagsabihan mo rin siya ha dahil sa pagkakaalam ko siya ang lumapit sa akin kanina." nginitian ko siya at saka pinara ang jeep na nakita ko at nagmamadaling sumakay.

Tulala ako habang naglalakad pauwi sa bahay malapit na ako sa amin dahil kakababa ko lang ng jeep. Bakit ganon bakit nalulungkot ako sa idea na may girlfriend na pala siya? Masyado ba akong naging denial kahit alam ko naman sa sarili kong unti-unti ko na pala siyang nagugustuhan? Pero masyado pa kasing maaga, kakakilala lang namin nung isang linggo tapos gusto ko na agad? Pwede ba yon?

Mabuti na lang at nalaman ko ng mas maaga na may girlfriend pala siya para hindi na tuluyan pang lumalim ang pagkakagusto ko sa kanya. I've been in a one sided relationship when I was in high school at hindi ko ulit uulitin yon.

Imbis na dumiritso sa bahay nakita ko ang sarili kong naglalakad papunta sa burol. Maaga pa naman at ang alam ni tita gabi ang uwi ko sa araw na to. Nang makarating ako roon bigla akong nagsisi dahil ang lalaking kanina ko pa iniisip ay payapang natutulog sa damuhan habang ang isa nitong kamay ay ginawa niyang unan gaya nang kung paano ko siya nakita noong unang beses kaming magkita sa loob ng tree house.

Klwkn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon