Chapter 8

303 39 19
                                    

[Chapter 8]

Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik

Gabi na ngayon at napagpasyahan kong magpunta sa burol. Nagbabakasakali ako na nandito si Justine, nagpunta ako kanina sa rooftop matapos kong makausap si Kayden pero hindi ko siya nakita.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang nakaupo kung saan ko siya madalas maabutan noon. Umupo ako sa tabi niya, nabigla naman siya ng makita ako, hindi niya inaasahan na matapos ang tatlong linggo muli akong magtutungo rito.

"Sorry" nakatingin ako sa kanya habang sinasabi ang mga katagan iyon, napalingon naman siya sa akin "Im sorry, kasi hindi ako naniwala sayo nang sabihin mo sa aking hindi mo girlfirend si Jewel" napaduko na lang ako habang sinasabi yon dahil ko kayang makipagtitigan sa kanya.

"Nakausap ko kanina si Kayden, sinabi niya sa akin yong tungkol sayo" muli akong nag-angat ng tingin para tingnan siya, ramdam ko na kanina niya pa hindi inaalis ang mga titig niya sa akin.

"Oo totoo lahat ng yon, simula pagkabata ko palaging wala si Mom at Dad, lagi silang busy sa trabaho na halos makalimutan na nilang may anak sila, uuwi sila sa bahay pero business pa rin ang pinag-uusapan nila. Ni minsan hindi nila tinanong sa akin kung kumusta na ba ako" tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya pareho kaming nakatingin sa kalangitan habang mahinang umiihip ang sariwang hangin.

"Ginawa ko lahat ng mga bagay na kahit alam kong masama, magdamag na uminom, papasok na lasing, mambubugbog ng kung sino-sino para lang makuha ang atensiyon nila pero kahit na maexpelled ako ni anino nila hindi nagpakita laging ang sekretarya nila ang pumupunta para ayusin ang lahat"

"P-pero lahat ng yon nagbago ng makilala kita, ng sabihin mo sa aking kung anong klaseng buhay meron ka, sinabi ko sa sarili ko maswerte pa rin kahit paano hindi ko naranasan ang mga yon. Ma swerte pa rin ako kahit paano dahil kahit wala ang mga magulang ko nabibigay nila lahat ng gusto ko. Isa ka sa mga pinakamatapang na taong nakilala ko Jas, kung ang mga katulad ko nagrebelde pero ikaw you choose to look at it the other way around, gusto kong maging katulad mo gustong kong unawain lahat ng sakripisyo ng mga magulang ko para mabigyan ako ng magandang buhay" nakangiti niyang sambit sa akin, hindi ko akalain na sa gabing iyon isang taong may malalim na sugat din sa puso ang mababago ko

"Kahit nasasaktan ka na, hindi mo sila sinumbatan, hindi ka nagalit sa kanila" patuloy niya pa, ngumiti naman ako pabalik sa kanya "Lagi ko kasing inaalala yong sinabi sa akin ni papa noon, wag na wag daw akong magtatanim ng galit, kasi kahit bali-baliktarin man nating ang mundo magulang pa rin natin sila at kung wala ang tita ko hindi ko alam kung mararating ko ba ang mga pangarap ko"

"Maswerte pa rin tayo kasi nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, may bahay tayong masisilungan mainit man o malamig ang panahon, hindi lahat ng tao nararanasan kung anong meron tayo" dagdag ko pa sa kanya "Naniniwala akong may dahilan ang lahat ng bagay kung bakit ito nangyayari, naniniwala din ako na lahat ng ito lilipas pa rin"

"Yong tungkol nga apala kay Jewel kaklase ko siya sa dating University na pinapasukan ko, alam kong matagal na siyang may gusto sa akin at walang namamagitan sa amin, hindi ko alam na hanggang dito susundan niya ako" wow ha, ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yon, hindi naman pala sila ni Justine pero kung makapagbanta siya sa akin

"Hayaan mo na siya naniniwala na ako sayo, ang gwapo mo kasi kaya ka hinahabol" huli na ng marealize ko kung ano yong sinabi ko, napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya, pero bago ko yon gawin alam kong napangiti siya sa sinabi ko

"Ay siya nga pala gabi-gabing na uuwi na ako, maaga pa ako bukas" sabi ko sa kanya at nagmamadaling tumalikod pero gaya ng nakagawian lagi siyang may pahabol na salitang nagpapatigil sa akin

"Liligawan kita Jas" ha ano daw???!!!! tanong ba yon o statement?

"Hindi ko kailangan ng permiso mo kung papayag ka ba o hindi, alam kung masyadong mabilis ang lahat pero sana hayaan mo akong ligawan ka at patunayan sayo ang sarili ko, hindi naman kita minamadali, hindi mo ako kailangang sagutin agad"

Nilingon ko siya at tumango at nagmamadaling bumaba sa burol pagdating ko sa kwarto ko hindi ko mapigilang magpagulong-gulong sa kilig, ang bilis rin ng tibok ng puso ko.

O M G! seryoso na to manliligaw na si Justine sa akin!

Klwkn (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon