Kabanata 1

1 0 0
                                    

6 years ago

Bilang isang iskolar sa isang prestihiyosong paaralan, madalas ako ang nagiging biktima ng pang bubully. Hindi lamang ang kahirapan ang napapansin nila sa akin, kung hindi pati ang panlabas kong hitsura. Kahirapan, kaanyuan, at pananamit ko ang madalas nilang kinukutya sa akin, at dahil sa madaming taon na nila itong ginagawa ay nasanay na ako. Hindi na ako nagugulat kapag may biglang nagtapon ng inumin sa taas ng aking ulo. O kaya naman kapag may nagbato sa likod ng ulo ko ng mga lukot na papel, at kapag binuksan ay may nakaguhit na pangit na larawan.

Iyon ang naging buhay ng isang Ellory Davis, ang naging buhay ko. Malungkot at mag isa sa isang sulok ng paaralan. Pero nagbago iyon lahat ng dumating ang isang transfer student, anak ng napakayaman na nagmamay ari ng napakaraming business.

Si Camden Hayes.

Simula nang maging seatmate ko siya, natigil na ang pang aasar ng ilan. Lahat ng atensiyon nila ay nabaling sa kaniya. Naging mag kaibigan rin kami. At ang ikinagulat ko pa ay nang ipagtanggol niya ako sa isang matabang lalaki na kung umasta ay kala mo kay pogi. Sinuntok siya ni Camden sa tiyan at sinipa paulit ulit. Galit na galit siya noon. Pero ang ipinakita niyang asal ang nag lagay sa kaniya sa kapahamakan. Ipinatawag ang kaniyang magulang at kitang kita ko noon sa labas ng salamin ang pagsigaw ng kaniyang ama sa kaniya.

Kinabukas, hindi pumasok si Camden. Nag alala ako na baka ang nag iisang tao na lumaban para sa akin ay wala na. Na baka pinalipat na siya ng paaralan. Pero sa sumunod na araw ay pumasok na siya, nakangiti siya sa akin pag upo niya sa kaniyang upuan.

"Hi Ell." Sambit ni Cam. Hindi ako makapagsalita noon. Natatakot na baka nagsisisi na siya sa kaniyang ginawang pagtanggol sa akin. "Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan?" Tanong niya.

"Sorry." Bulong ko habang nakayuko ang aking ulo. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas ito.

"Bakit ka nag sosorry?"

"Nakita ko kasi pinagalitan ka ng papa mo."

"Hindi mo naman kasalanan." Paliwanag niya. Ang mga labi niya ay nakangiti pa din.

Iyon ang pinakanagustuhan ko kay Cam. Palagi siyang nakangiti kahit ang nangyayari ay hindi maganda.

Lumipas pa ang mga araw at ang pagsasama namin ni Cam ay mas tumibay. Mas naging matalik kaming magkaibigan. Hindi na ako inaasar ng ibang mag-aaral. Naging mabait na sila sa akin, laging ngumingiti kapag nadadaanan ko. Alam ko na dahil lamang iyon sa pagiging malapit ko kay Cam. Hindi naman talaga ako ang gusto ng mga tao.

Halos araw-araw ay magkasabay kaming pumasok sa paaralan, kahit man matirik ang araw o umuulan. Kahit na may taga hatid sundo siyang kotse, palagi siyang nagpapababa sa binababaan ng sinasakyang kong bus para doon kami magsasabay maglakad.

Si Cam ang nagturo sa akin na magkaroon ng tiwala sa sarili. Siya din ang palaging nag papaalala sa akin na huwag kong kalilimutang ngumiti.

"Cam wala na si papa." Sinabi ko sa kaniya isang araw habang tumutulo ang aking mga luha. Umaga noon at nakaupo kami sa ilalim ng puno.

Wala siyang sinabing kahit anong salita noon, ang ginawa niya ay niyakap niya ako ng mahigpit. Pagkatapos ng ilang minutong pagyakap sa akin, tumingin siya sa akin at tumayo.

"Hintayin mo ako dito, huwag kang aalis diyan." Utos niya bago siya tumakbo palayo.

Pagbalik niya ay kasama na niya ang mga kaibigan niyang lalaki na kasama niya sa paglalaro ng soccer. Lahat sila ay nakasuot ng headband at nakalipstick.

"A 1, a 2, a 1 2 3 Go!" Sigaw ni Cam bago sila humataw ng sayaw. Sumayaw sila kahit hindi sila ganoon karunong dito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na humalakhak sa tuwa.

I Will Make You Remember (IWMYR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon