Thank you, next
thank you, next
I'm so fucking grateful for my ex
Sabay ko sa kanta ni Ariana Grande, wala akong ex ha? Just vibin' eyy HAHAHA. Dapat tulog pa talag ako ngayon. Dapat talaga nanunuod ako ng anime ngayon huhu Tomoe~ misyuubabe :(( Dapat nakahilata ako ngayon. Dapat dapat dapat! Sabay piga ko ng huling labahin ko para isampay. Hanep nakakapagod talaga maglaba amp.
"Light! Ayusin mo yang mga labahan mo! Papaulit ko sayo yan, 'ta mo!"
"Opo, eto na nga po eh, inaayos ko na po." sagot ko sa tita ko.
"Light may tao sa labas ng apartment mo." biglang sulpot ni ate May sa tabi ko.
"Hanep ka ate May, nakakagulat pagsulpot mo." sabi ko na ikinatawa ni ate.
"Tita, asikasuhin ko muna yun, minsan lang biyaya HAHAHA." sabi ko at tumango lang si tita Jesse.
Yes! May magrerent na ulit sa apartment ko na pinamana sa akin ni mommy and daddy! Dumaan ako sa shortcut na meron ako sa may lugar namin ni tita. Yep, nung pinamana raw sa akin nila mommy 'to, may passageway na raw talaga sabi ni tita. Medyo malayo kasi yung apartment dito sa amin kaya parang may passageway na nagcoconnect dun sa amin.
Pagbukas ko ng gate, may bumungad na anim na lalaki sa harapan ko. Balot na balot sila, salungat sa klima na meron ngayon, its summer guys! Umayos ako at formal na nakipag usap sa kanila.
"Come on in. Let's talk inside." and they followed me.
Suho's POV
"eto ba yung tinutukoy ni Manager na pagsstayan natin? Mukang naiwan na ng panahon eh!" sabi ni Baek sa akin.
"Yep, this is the exact address." sagot ko.
"Mga iho..." bigla kami naalarma sa nagsalita at mas lalo nagtakip ng muka namin.
"Magrerent ba kayo dito?" dagdag niya.
"Ah opo eh." awkward kong sagot.
"Ah sige sige, tawagin ko yung may ari."
"Sige maraming salamat po." sagot ko at umalis na yung kumausap sa amin.
"Suho, bakit ganito dito?" reklamo ni Baek
"Dami mo namang sinabi, mabuti nga may titirahan tayo." sagot sa kanya ni Kai.
"Kung sa iba na lang kaya? Safe kaya dito?" sabi ni Chanyeol