Prologue

8 1 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng isang musika, bumangon ako para hanapin kung saan iyon nag mula. Lumakas lalo ang ang ulan na may kasamang pag kulog at kidlat.

Tumama sa mukha ko ang tubig ulan na dala ng malakas na hangin. Lumapit ako sa nakabukas na bintana at akmang isasara ulit iyon ng marinig kong muli ang musikang gumising sa akin. Hindi ako nagkakamali galing sa labas ang musikang iyon.

Bumaba ako para tignan kung sino ang taong nasa likod ng musikang iyon. Pag baba ko'y napatingin ako sa orasan malapit sa pintuan, alas dos palang ng madaling araw, ngunit bakit may nagpapatugtog na. Mas lalong lumakas ang musika, hindi na ako nakapag pigil mabilis kong binuksan ang pintuan at isang lalaking sumasayaw sa gitna ng ulan ang bumungad sa akin.

"Sino ka?." malakas kong tanong sa lalaking iyon,tumigil siya sa pagsayaw at humarap sa akin ngunit hindi ko parin maaninag ang mukha niya dahil sa lakas ng ulan.

Yumakap ako sa sarili ko dahil sa malakas na pag ihip ng hangin. Biglang tumigil ang musika kaya tumingin ako sa lalaking nasa harap ko, yumuko siya at naglahad ng kamay sa akin hindi ko alam kung bakit kusang lumakad ang mga paa ko palapit sa lalaking iyon.Tinanggap ko ang kamay niya, nagulat ako ng halikan niya iyon at biglang tumugtog muli ang musikang pumukaw sa akin.

"Teka!. Ano bang pangalan mo?." muli kong tanong sa misteryosong lalaki. Humarap siya sa akin at doon ko naaninag ang napaka gwapo niyang mukha, mapupula ang kaniyang labi,ang tangos ng kaniyang ilong, ang mga mata niyang mapupungay at ang kulay tsokolate nitong buhok.

"Haro!." nakangiti niyang sagot at nagsimula na naman siyang sumayaw. Magkahawak kamay parin kaming dalawa, hindi ko alam kung bakit ayokong bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"Okay Haro! Anong trip mo at sa ganitong oras mo pa napiling sumayaw at magpatugtog habang umuulan?" ani ko.

Ngumiti lamang ito sa akin at nag patuloy lang sa pagsayaw.

Hindi nag tagal ay sumabay na din ako sa pag sayaw ni Haro sa gitna ng ulan, nakakaindak ang musikang nangagaling kung saan kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan at ang malakas na pag ihip ng hangin. Pumikit ako upang damhin ang ulan na dumadapi sa akin.

"Au Revoir Diem, à bientôt!." bulong sa akin ni Haro at binitawan ang kamay ko, kasabay niyon ay ang pagtigil ng ulan at ng musika. Minulat ko ang mga mata ko wala na ang musika,wala na ang ulan at wala na rin ang lalaking si Haro.

Inalala ko ang huli niyang sinabi 'Au Revoir Diem, à bientôt!.' salitang French na ang ibig sabihin ay Goodbye Diem, see you again.

Kilala niya ako?.

A MAN IN THE RAINWhere stories live. Discover now