Note: Medyo corny to. Hehe. Trip ko lang kasing i-share ang story na 'to. Anyways, sana maenjoy niyo pa rin. Thank You! ^_^
Edited version na po ito.
***
I Love My Textmate
written by PollyNomial
***
Halos apat na buwan nang nakakatext ni Chin si Niko. Pero kahit ganun na sila katagal magka textmate ay hindi pa rin siya nagsasawa. Ewan ba niya. Meron talagang something kay Niko kaya hindi niya matigilan ito.
Naalala pa nga niya nung unang beses niya itong makatext. It was a very boring day at sobrang wala siyang magawa. Tapos yung mga classmate niya halos lahat ay nakaub-ob lang sa mga upuan nila. Mga tulog siguro sila.
“Haay…” nasabi niya sa sarili niya. Wala na talaga siyang magawa.
“Jessie!” kinalabit niya yung katabi niya na bestfriend din niya.
Inangat naman nito ang ulo. “Oh?”
“Peram cp.” Sabi niya dito. Mangangalikot nalang siya ng cellphone ng bestfriend niya.
“Eto oh. Wag kang magbabasa ng messages ha!” utos nito sa kanya.
At dahil masunurin naman siyang bestfriend ay hindi na niya pinakealaman ang inbox ng cellphone nito. Sa halip ay nagpunta siya sa contacts nito.
Habang inii-scroll niya ang mga names na nasa contacts ay napatigil siya sa isang familiar name. Kumunot ang noo niya nang makita niya ang pangalang Niko. She remembered that guy. Eto yung sinasabi ni Jessie na bigla bigla nalang nagtext dito at grabe naman daw sa boring ang lalaking ‘to. Wala daw kwentang katext.
Inaamin niya na interesado siya kada ito ikkwento ng kaibigan niya. Ewan ba niya kung bakit pero she really finds this guy interesting. Kaya naman kinuha niya ang number nito and saved it in her phonebook.
At first, hindi pa alam ni Chin kung itetext na ba niya ang Niko na yun. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Nag-isip siya kung ano ang pwedeng itext dito at humantong siya sa desisyong, ‘Hi’ nalang ang sasabihin niya.
Tinext niya ang number ni Niko.
To: +6309068******
Hi. :)
Nilagyan pa niya ng smiley para cute. Wala pang isang minutong nakakalipas ay nagreply na agad ito.
From : +6309068******
Hello. Who’s this?
As soon as mabasa niya ang message na yun ay hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. She felt something unsual inside her. Parang kinakabahan siya dito. Siguro dahil sa way ng pagkakatext nito sa kanya na parang ang sungit at hindi interesado sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Love My Textmate [OneShot]
RomanceEDITED. Ano nga ba ang epekto ng text sa oppisite sex? Tunay bang may namumuong pag-ibig sa dalawang taong nag-uusap lang gamit ang kanilang mga cellphone? Paano ito nagsisimula at natatapos? Alamin ang istorya ni Chin at kung paano niya minahal an...