Chapter 2

5 0 0
                                    

Chapter 2

Kahit na binabato mo ako

Ng kung anu-ano

Ikaw parin ang gusto ko

Kahit na sinasaktan mo ako’t 

Sinisipi nasusugatan mo

Ikaw parin walang iba…

Ang gusto kong Makasama…

WALANG IBA…

Natigilan ako ng marinig ko yung kanta, na curious ako kaya sinundan ko yun. Nung masundan ko na yung kumakanta, nakita ko si Iver na nag gigitara. Marunong pala sya, akala ko hindi nya hilig yung music and instruments.

“Marunong ka palang kumanta at mag gitara?”

“Anong ginagawa mo dito?” Mahina nyang sinabi.

“Narinig ko kasi yung kanta mo kaya sinundan ko.”

Inaayos na nya yung gitara nya at mukang aalis na.

“Aalis na ako.”

“Teka bakit hindi mo na itinuloy yung kanta mo?”

“Di ko na gugustuhin pang ituloy yung kanta, kung malalate na ako sa next subject.”

“Wahhhhhhhhhhhhh~!” Sigaw ko, Oo nga pala malalate na ako!

“Oh ano itutuloy ko pa yung kanta? O tatakbo kana bago ka pa malate ng tuluyan sa next subject natin?!”

“T-takbo na po!” Pautal-utal kong sinabi habang natataranta.

Tumakbo ako ng mabilis na mabilis na parang isang kabayo! HAHAHA. Si Mrs. Fin ang pinaka terror at masungit sa lahat, patay ako nito kapag nalate ako!

Sa sobrang bilis kong tumakbo, buti hindi ako inabutan ni Mrs. Fin, hindi ako nalate! Yeheyyyyyyy! :) (*_*)

Kaya lang may problema, at dahil sa sobrang bilis ng takbo ko, buhaghag at sobrang luray luray ang buhok ko at ang uniform ko. 

Kaya pagkapasok ko, pinagtatawanan nila ako.

“Wow Ayehn! Ang ganda mo! Muka kang sinabugan ng bomba sa itsura mo!” -Grey

Si Greydon Crashford ang isa sa mga kaibigan ni Iver, bully din sila katulad nila pero si Grey ang parang kapatid na ni Iver dahil lagi nya itong kasama, at sa pagkakaalam ko dito nagsasabi ng sikreto si Iver. Kaya siguro ganun nalang ang tiwala ni Iver kay Grey.

“Ayehn, san ka ba nagpunta bakit ganyan yung itsura mo?”-Steven

Si Steven Walton naman ay isa din sa mga kaibigan ni Iver, iba sya sa lahat, kasi sya mabait, at gentleman. Gwapo din sya at matalino katulad nila. San ka pa diba? Kaya lang taken na sya, Boyfriend siya ni Anya.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Dec 14, 2014 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Moments I've Feel,Chances I've Lost.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ