Chapter 1
Ayehn's Point of View
Ako si Ayehn Alcantara, 2nd year college sa St. Celistina de Montel University, Isa akong nerdy at nobody, isa din akong loner. Lagi akong nasa library, yun lang yung lagi kong pinupuntahan kapag wala akong magawa, kesa sa ibang lugar na maingay at maraming makakapansin sa akin.
Sino nga ba ang maglalakas loob na lumapit at makipag-kaibigan sa akin? Isa akong panget na may malaking salamin, may buhaghag na makapal na buhaghag na buhok, may brace, at patong patong na damit. Di ko na ata ito mababago, anong magagawa ko? Ito na yung nakasanayan ko mula pa noong bata ako. Hindi lang kasi sa panlabas na anyo makikita ang lahat ng kabutihan ng mga tao. Hindi ko pa alam sa iba, kung bakit hindi nila tinitignan muna ang kalooban bago ang panlabas. Yun narin siguro ang nakasanayan nila kung papaano mangilala ng mga tao.
*At the library...*
"Ayehn is here nanaman! Ewww! Let's go girls! Wag na pala tayo dito, may virus kasi!"
Siya si Beatricia Lopez ang pinaka famous, maganda, matalino, mayaman, maputi, sexy, masasabi na natin na siya ay perfect girl at Ideal girl sa buong campus, pero maldita yan. Boyfriend niya yung isa sa mga Astig, gwapo, famous, matalino, mayaman dito sa campus ng St. Celistina de Montel. Kung hindi lang talaga taken yung boyfriend nya na si Nathan Iverson Fabian o mas kilalang Iver ay crush na crush ko na yun. Actually, crush ko talaga si Iver, pero hindi nya alam. <3 Anyway, balik tayo kay Bea, di ko alam kung ano ang nagugustuhan nila sa kanya eh ang sama naman ng ugali ng babae na yun! :3
"Yeah that's right Bea!" -Anya and Julie.
Sila naman yung mga bestfriend ni Bea, as usual bully din sila katulad nya, pero maganda, maputi, famous, at sexy din yan kagaya ni Bea, sila yung nambubulabog sa buhay kong nanahimik! Kasi pag nagsama-sama yang tatlong yan walang araw na hindi nila ako inaasar at inaapi. Pilit ko silang nilalayuan para makaiwas sa gulo, pero sila pa din yung patuloy na lumalapit para guluhin ako.
"Okay, Let's go!" sagot nya sabay talikod sa akin.
"Mabuti pa nga!" Sigaw ko.
"What?!" bigla nanaman syang humarap sa akin.
"W-wala." sabay umupo nalang ako at patuloy na nagbasa.
"Good!" Tapos patuloy na syang umalis palayo sa akin.
(After 30 minutes)
"Time na pala babalik na ako sa room."
Binalik ko na yung libro na hiniram ko sa Library, tapos naglakad na ako palabas.
"OMG si Iver!"
"Hi Iver!"
"Let's go out Iver! Please?"
Hay! Pinagkakaguluhan nanaman nila si Iver kaya lang si Iver snobber at walang pakielam sa kanila, bakit? kasi nakahead phone sya at nakikinig ng music kaya siguro hindi nya marinig yung mga sinasabi nila. Lalagpasan ko na sana sila ng bigla akong tinawag ni Iver, at bigla nya akong nilapitan.
ESTÁS LEYENDO
Moments I've Feel,Chances I've Lost.
Novela JuvenilSabi nga nila... Nasa huli lagi ang pagsisisi, ngunit bakit nga ba nagkakaroon ng pagaalinlangan sa mga nararamdaman ng bawat tao sa mundo? Dahil ba iyon dahil ayaw nilang malaman ng tao na yun na may kahinaan ka? O sadyang hindi mo lang kayang amin...