10 (Greg)

331 32 2
                                    




Ilang araw na rin ang lumipas simula nang dumalaw si Grace. Sa totoo lang sobrang bored na siya sa ospital. Kaya lang ay gusto ni Iris na magaling na talaga ang sugat niya sa tagiliran bago siya lumabas.

Nakahiga siya sa hospital bed at kasalukuyang nanunuod ng movie si Iris at ang mga kapatid niya. Base sa sound na naririnig niya, action ang pinapanuod ng mga ito. Halos araw-araw bumibisita ang pamilya niya simula nang magising siya.

Napalingon sila nang bumukas ang pinto. Nakangiting pumasok ang Mama niya na may dala nang meryenda. Dumiretso ito sa maliit na table at inilapag do'n ang pagkaing dala. Nagmamadaling lumapit ang mga kapatid niya sa table.

"Wow! Banana cue at kamote cue!" nakangiting sabi pa ni Gemmalyn na kumuha ng tig-isang stick.

Kumuha rin si Georgina at humarap pa sa kaniya bago kinagat ang kamote cue. "Ang sarap, kuya. Sayang bawal ka," biro nito.

Napasimangot siya. Sobrang strict ni Iris sa kinakain niya. Maya't-maya rin nitong chine-check ang sugat at benda niya. Sinisigurado rin nito na malinis ang paligid niya.

Lumapit si Iris sa kaniya at inabutan siya ng isang platito ng hiniwang mansanas. "I promise, kapag magaling ka na, hindi kita pipigilang kumain ng gusto mo," sabi nito.

Kinuha niya ang platito bago inilapag 'yon sa table malapit sa kaniya at hinila si Iris palapit. Hindi naman ito lumaban kaya ngayon ay nakaupo na ito sa bed na hinihigaan niya. Hinaplos-haplos ni Iris ang buhok niya. Bigla tuloy siyang inantok. Sumandal siya kay Iris habang pinapanuod kumain ang mga kapatid niya.

"Iris, ito oh. Kunin mo na at baka maubos na nila Gemmalyn at Georgina ang meryenda," sabi ng Mama niya rito. Napangiti pa siya nang abutan nito ng banana cue at kamote cue si Iris na inilagay rin nito sa platito.

"Thank you po," nakangiting sagot ni Iris. Kinuha ni Iris 'yon at agad na kumagat. Nakita niya ang pagngiwi ni Iris.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya rito.

Pinilit nitong ngumiti at tumango sa kaniya. Pero inilapag na nito ang kinakain sa table. Maya-maya pa ay napatakip na sa bibig si Iris bago nagmamadaling tumakbo sa CR. Sabay-sabay pa silang nagkatinginan ng pamilya niya.

Napa-upo siya habang hinihintay lumabas si Iris. Naririnig niya ang pagduwal nito. Nang hindi makatiis ay pinilit niyang tumayo at hinila ang sabitan ng dextrose niya.

"Greg!"

"Kuya!"

Sabay-sabay na sita sa kaniya ng mga ito at pinilit siyang pinahiga sa kama. Maayos naman na ang pakiramdam niya. Sure, sumasakit pa rin ang loob ng sugat niya, pero hindi naman na gano'n kalala.

"Si Iris..." banggit niya. Tiningnan niya ang Mama niya.

Pupuntahan na dapat ito ng Mama niya pero lumabas na si Iris sa CR. Pawis na pawis ito at mas lalong namutla. Naaawa siya sa itsura nito, at wala man lang siyang magawa. Tinapik niya ang space sa tabi niya at diretsong lumapit doon si Iris. Agad na yumakap ito sa kaniya.

"Hindi ka pa rin ba makakain nang maayos?" masuyong tanong niya rito. Kinuha niya ang tissue sa tabi niya at pinunasan ang pawis ni Iris.

Umiling-iling si Iris. "Gusto ko ng barbecue, baby. At ng mangga at bagoong alamang," sagot nito.

"May gusto ba kayong sabihin?" Sabay silang napalingon ni Iris sa Mama niya nang magsalita ito.

"Buntis ka ba, Ate?" nag-aalangang tanong ni Gemmalyn.

Dangerous Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon