18 (Greg)

297 23 2
                                    




I was tortured for years!

Paulit-ulit sa utak niya ang mga narinig niya kay Iris. Hindi niya alam. Hindi niya naisip na gano'n ang pinagdaanan ni Iris to redeem herself.

I was beaten up!

Akala niya tinulungan lang nito ang NBI. Akala niya 'yon na ang kapalit. Akala niya inayos lang nito ang mga problema noon. Akala niya tinatrabaho lang nito ang kalayaan na gustong makuha nito. Pero mali pala siya ng akala.

They used Greg for a bait!

Gusto niyang magalit lalo sa sarili niya. Palagi na lang ba siya ang iniisip ni Iris? Palagi na lang bang masasaktan si Iris dahil sa kaniya?

I was electrified! I was drowned! They starved me!

Ano pa ang hindi niya alam? May mga pinagdaanan pa ba 'to na hindi man lang niya alam? Na hindi man lang niya nagawang i-comfort si Iris. Her nightmares, was it because of the physical and mental torture?

Tahimik lang siya habang paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang mga nalaman niya.

Napangiwi siya nang sapilitan siyang dinala ng tauhan ni Steven Uy sa kabilang dulo ng kwarto. Kasama niya si Grace. Si Dennis at Iris ay nasa kabila na rin. Tinanggal na rin ng isang tauhan ni Steven Uy ang tali ni Dennis.

Napatingin siya kay Iris at sa tiyan nito. Nag-aalala na siya. This is too much emotional distress to her. Baka hindi na kayanin ng pagbubuntis nito. At natatakot siya sa puwedeng mangyari.

Sabay-sabay silang napatingin kay Steven Uy nang magpunta ito sa harapan. Sumandal ito sa isang lamesa at pinakatitigan silang apat.

"I'm so fucking lucky. The three cops who arrested me. And the violent girl who hospitalized me for a week. All in one room!" tumatawang sabi nito. "Fucking amazing!"

Walang umimik sa kanila. Pero napapansin niya ang maya't-mayang pagtingin ni Iris sa direksyon niya.

"Who the fuck is Gregory Constantino?" narinig niyang tanong ni Steven Uy.

Napalunok siya. Hindi alam kung magsasalita. At hindi niya rin alam kung bakit interesado ito sa kaniya. Nanatili lang silang tahimik. Sa pagkakataong 'yon, hindi na tumitingin si Iris sa direksyon niya.

Kinuha ni Steven Uy ang baril sa likuran at ikinasa 'yon.

"Don't make me repeat myself," nagbabanta na sabi nito.

At nang wala pa ring umiimik ay nagulat siya nang magpaputok ng baril si Steven Uy sa direksyon nila ni Grace. Nanlaki ang mga mata niya nang bumagsak si Grace. He shot her right leg!

Halos sumisigaw na si Grace sa sakit. Mabilis na dinaluhan niya 'to.

"Last question, who's Gregory Constantino? Or I'll blow her head off," sabi pa nito at itinutok na ang baril sa direksyon ni Greg.

"A-Ako!" galit na sabi niya rito.

Nagtagis ang bagang niya nang nakangiting lumapit si Steven Uy sa puwesto nila ni Grace. Nakita niya ang paghakbang ni Iris pero tumutok ang mga baril ng tauhan ni Steven Uy sa kanilang apat.

Nang tuluyan itong makalapit sa kaniya ay nakita niya ang patuyang pagtingin nito kay Iris bago biglaang sinuntok ang mukha niya. Nagdilim ng ilang segundo ang paningin niya. Pagod na siya.

"Stop it! Don't touch him!" angil ni Iris dito.

Umalingawngaw ang malakas na tawa nj Steven Uy.

Dangerous Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon