Chapter 1

21 1 1
                                    

Chapter 1

Ampalaya. Bitter-gourd

Ako yung babaeng hindi naniniwala sa

Love
Forever
Infinity
And
Beyond
Or
Chuvachuchu sabi nga ni Jolina Magdangal
Halos lahat kasi na nakilala kong lalaki ay manloloko. Sinungaling. Paasa.

Pero sabi nga ng mga barkada ko,
Paano na lang kung may dumating na lalaki na makapag bago ng pananaw ko? Susubukan ko bang mag mahal? Or magmamatigas pa din ako sa kabila ng pananiwala ko?

Alam niyo kung ano sagot ko?

"Walang ganong lalaki. Si Mommy nga ilang beses ng niloko nung sinabi niyang maniniwala at magtitiwala siya sa taong mahal niya. Si Daddy lang talaga nakapag patunay ng pag mamahal kay Mommy, tapos sumama agad siya kay Lord."
Malungkot na sabi ko

"May exemption naman pala. Si tito.
Pero what if bru makahanap ka ng tulad ni tito?"
Tanong ni Addy

"Alam mo bru, tama na. Ayoko na ng topic natin nangangati na ko. Allergy ako sa Love diba? Tara na, pumasok na tayo, baka ma-late pa tayo."
Aya ko sakaniya.

Ako nga pala si Ayeen Ramirez, 17 at Senior High na. Yes naabutan kami ng k12. Ganon talaga ang buhay.

Stress kami kasi ang daming assignments and requirements. Pano na ba ang nangyari?

"Bru!!!!"
Ayan na siya isa sa pinaka maingay naming barkada. At isa sa napaka harot na nilalang na kilala ko.

"BRUUUUUUUUUUUH"

"Ano? Napakaingay mo beks! Ano ba yun?"
Nag aaral kasi kami dito tapos siya akala mo kung napano na kakasigaw. Nakakahiya sa ibang mga may ginagawa.

"Sorry naman bru, excited kasi kong ibalita saiyo ito."
Sabi niya montik na kaming maligo sa laway niya kakasalita hahaha

"Kasi magkakaroon tayo ng tour sa December. Tapos may transferee tayo sobrang gwapo. Mayaman, macho. Na sakaniya na lahat sabi nga ni Daniel Padilla sa kanta kay Kathryn Bernardo na kamukha ko mula ulo-

"Mukhang paa."
Sabat ni Aina.
Natawa naman kaming lahat. HAHAHAHA.

"Napakasama mong babae Aina."
Sabi ni Allen. Bakla po siya oo. At ang saya namin simula nung naging barkada namin siya. Yun lang sobrang ingay.

"Napaka ingay mo namang bakla Allen." Iling ni Aina.

"Grabe ka talaga! Babae ko Aina! Babae akoooooo!" With action pa na parang si Nora Aunor nung nagsabing walang himala hahah.

Lima kaming mag kakaibigan, Ako, Si Addy, Si Allen, Si Aina, at Si Atheena.

Nagkatabi tabi lang kami nung grade seven ni Addy at Aina. Si Atheena naman lumpit siya dito nung grade nine siya since wala siyang kakilala kinaibigan na din namin kasi mahirap yung walang kaibigan.
Si Allen naman grade ten kami nung naging classmate namin siya. Kailangan kasi ng limang members sa activity namin sa isang subject, siya na lang walang ka group kaya sinama na namin siya. Kaya hanggang mag senior high na kaming lima magkakabarkada na kami.
Parang magkakapatid na din kami.
Madalas kaming tumambay sa bahay namin. May rooftop kasi kami, pinagawan kami ni mommy ng room dun, kaya pag nag sleepover sila samin, dun kami sa taas.
Parang anak na din kasi turing ni Mommy sa mga barkada ko. Dahil na din tatlo na lang kaming naiwan sa bahay simula nung namatay si Daddy. Yung kapatid kong si Ayeem.

Uwian na pala namin. At si beks kwento pa din ng kwento tungkol dun sa bagong transferee, kesyo gwapo daw saka mayaman. Pero di pa niya nakikita hahah. Loko din talaga tong kaibigan namin.

"Akala naman namin nakita mo na, hindi pa pa pala."
Natatawang sabi ni Atheena

"Kung makapagsabi kang gwapo saka mayaman. Pano kung chararat pala?"
Dagda ko

"Wala namang gwapo sa panangin mo eh. Haha
Saka sabi ayon sa source ko bukas pa daw papasok. Inaabangan na nga siya ng campus girl crush dito satin eh hahah. Todo pabango bukas pa naman papasok. Nakakahilo na amoy niya ! Yuck ewwww! Talaga. Maarteng sabi niya.

"Wag tayong masyadong nagpapapaniwala kay Allen. Hindi pa pala nakikita eh."

"Kontrabida ka talaga kahit kailan, Aina! Hmmmmp!"

"Ang haba ng nguso mo Beks! Hahahaah" panloloko ni Addy.

Wala talaga kong pake sa itsura niya. Kahit ba gwapo siya. Pareh-parehas naman silang mag lalake. Mga manloloko. Paasa. Babaero. Nanggigil na naman ako.

Pag dating naman sa labas ng campus naghiwa-hiwalay na kami. May mga kaniya kaniyang sundo na din kasi kami. Maaga uwian namin kasi wala yung teache namin sa last subject kaya pinauwi na kami. Salamat naman hahahah.

"Bye bru! Ingat kayo!" Paalam namin sa isa't-isa.

Biglang nag ring yung phone ko. For sure sundo ko na.

Tatay Carding..

Hello po?

Hello Ayeen. Nasan ka na? Dito na ko sa parking.

Sige po tay! Palabas na po ako.

Osige hintayin nalang kita dito

Habang papunta kong parking, may nakita kong naglalandian. Haysss! Ewww! Kadiri!
Pero pamilyar yung pabango yung campus crush namin pala. Hindi din pamilyar yung lalaki. Baka sinundo lang siya. Sumakay na din sila sa kotse nila. Bat ko ba sila tinitignan. Naglolokohan lang din naman sila hahaha. Napaka bitter ko talaga.
Natawa na lang ako sa iniisip ko hahahahaah.

Maya-maya.....

"What the....." inis na sabi ko

Nabasa lang naman ako ng lubak na dinaanan nila. Nakakainis naman oh!!!

Huminto sila

Bumaba yung driver.
Yung kalindian ni Campus crush

"Halaaaaa! I'm sorry miss, di ko napansin na may lubak pala dun. Pasensya na talaga!" Mahangin na pagkakasabi niya. Halatang di sincere.

"May magagawa pa ba ko? Nangyari na eh!"

"Nakakainis talaga!!! Napka malas naman! Oo!!!"

Bumaba na din yung kasama niya. Hindi ko talaga siya kilala kahit sikat siya.

"Baby! Let's go na? Nag sorry ka naman na" malanding pagkakasabi niya

Nakakairita sila! Iniwan ko nalang sila. Kasi baka kung ano pa magawa ko.

"Miss!!!" Narinig kong sabi niya
Pero hindi ko na siya nilingon hanggang makarating na ko kay tatay Carding na takang taka sa itsura ko.

"Ayeen! Anong nangyari sayo? Bakit puro putik ka?" Nag aalalang tanong niya

"May careless driver po kasi ayun nabasa ako. Buti pauwi na po tayo!"

Nanggigil talaga ko! Wag ko na sanang makita yung lalaking yun! Ito na sana yung una at huli!!!
Haynakoooooo! Malas siya sa buhay ko yun yung pakiramdam ko

Love MagicWhere stories live. Discover now