Shan Green's POV
"Sure ka bang sasali ka Shan?"
Ano ba 'tong mga kaklase ko. Paulit-ulit ang tanong.
"Duh." Walang gana kong sagot.
If they would just question me all the time about me joining them, then it would just sucks right? Kayo kaya, laging tatanungin kong sasali ka ba o hindi, hindi ba kayo ma a-annoyed?
"Huwag mo kaming pagalitan ah? Ikaw ang nag-volunteer na sasali ka." Banta niya.
"Yeah, yeah whatever."
Curious ba kayo kung ano ang ginagawa namin? Ito kasi 'yon...
Rewind
"Oy, alam niyo ba na may haunted house sa momo street?" Sabi ng babae kong kaklase.
"No? Puntahan natin ngayong uwian." Nag-agree naman ang mga kasama niya. Pero itong si girl, hindi pa kontento, pinasama niya lahat ang mga kaklase namin.
"Guys, sama ba kayo?" Tumingin lahat sa kanya at umagree naman.
End rewind
Kaya nandito ako ngayon. Dahil dakilang curious ako na pagkatao, sumama ako sa kalokohan nila. Medyo nandito na ang half ng aming klase. Puro lalaki ang nandito, medyo kaunti lang ang mga babae.
"Bro, sure ka ba na sasama si Lexa dito?"
"Oo naman. Siya pa kaya nag-invite."
Si Lexa ay ang campus idol. Siya 'yong nag-invite sa lahat. Attention-seeker kasi.
"Sorry guys, I'm late." Speaking of the devil.
"Wit-woo!!"
Nag-short short siya, 'yong sobrang eksi na halos wala kanang short. Sleeveless na medyo makikita na ang underwear mo. 'Yan ang suot niya.
"Let's go?"
Sumunod naman ang lahat sa kanya. Nagtataka talaga ako, may pupunta ba sa isang haunted house na ganyan ang suot? Diba wala? Bitter na kung bitter. Walang magawa sa buhay eh.
Pagkapasok namin sa loob ay sobrang sama ng pakiramdam ko. May nakain ba akong mali ngayon? Mukhang wala naman.
Tumingin ako sa paligid at nagulat dahil ako na lang isa ang nandito. Patay. Wala pa naman akong sense of direction. Dahil ma pride akong tao, hindi ako humingi ng tulong kaya dumiretso lang ako sa feel kong daan.
Liko, liko, straight, liko, straight tapos straight
Wait lang. Parang nakita ko na 'to ah? It seems familiar kasi eh. Ignoring that thought, tinuloy ko ang paghanap ng exit.
5 minutes later..
Ano ba 'tong klaseng bahay? Mukhang maze! At anong klaseng tao ang mga kasama ko?! Mang-iiwan man lang, wala pang 'goodbye'?! Aish.
Halos maiiyak na ako dito dahil feeling ko may sumusunod sa akin. Sumisilip ako habang naglakad. Bakit ba ako sumali dito eh? Huhuhu tumutulo na talaga ang luha ko.
Yumuko ako at nagpatuloy na umiyak. Kasalanan 'to nila. Pero half sa utak ko, iniisip na kasalanan ko 'to dahil bakit ba ako sumali? Haays, mamamatay na ba ako dito?
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko naramdaman na may kumapit sa akin. Bigla niya akong hinatak at tumakbo. Hala, sino ba 'to? Kidnapper?! Omo!!! Bata pa ako!!
Sinusubukan kong mapakawala pero dahil ang lakas niya, hindi ko kaya. Huhuhu mamy!! Halos mapalundag ako nang nakita ko ang kalangitan. Binitawan naman niya ako at tumingin sa akin.
Shems, ang gwapo!
"I know I'm handsome but don't stare miss." Natatawa niyang sabi.
Ano bayan. Ang talim pala ng dila nito. Nag-pokerface na lang ako at hinintay siyang magpaliwanag. Hindi niya na gets dahil patuloy siyang tumingin sa akin. Nakakaconcious naman nito.
"Were you helping me?" Tanong ko.
Nabigla naman siya at tumawa. Ano naman ang nakakatuwa 'don? Baliw ba 'to?
"I wasn't really helping you. May nag-utos kasi sa akin."
Utos? "Sino naman?" May pagkabitin itong lalaki ah.
"That isn't for you to know." May kasabay pang kindat. Kadiri naman nitong lalaki pero gwapo niya.
Wala na akong matatanong pa kaya't umalis na ako. Akala ko pipigilan niya ako pero hindi pala. Assuming ko naman. Medyo na dissapoint ako. Konti lang ha?
Biglang lumundag ang diwa ko ng tinawag niya ako. "Takot ka pala sa multo, bakit ka naman sumali? It's better to lower your pride down a little, Miss Green."
Nagulat naman ako dahil alam niya ang pangalan ko. Stalker ko ba siya? Pero ang gwapo naman ng stalker ko. Na-proud tuloy ako sa sarili ko hehehe. Magsasalita sana ako kaso wala na ang lilalang.
***
Sa wakas nandito na ako sa entrance ng bahay. Narinig ko ang mga sigaw at tawanan ng mga "kasama" ko sa loob. Biglang nakaramdam ako ng galit pero higit sa lahat, lungkot.
Umuwi na lang ako kesa makita ko ang mga bruhang mukha ng mga kasama ko.
Sana may mangyaring masama sa kanila. Joke lang. Mabait ako, promise.
• -• -••
![](https://img.wattpad.com/cover/28419204-288-k790531.jpg)
BINABASA MO ANG
My Name Is Death
HumorI tried opening my shutly closed eyes. Pagkabukas ko, may nakita akong, tao? Naka itim siya at lumulutaw? It started walking towards me. "Nice to meet you. I'm your worst nightmare." Patay na ba ako? "I go by the name Death." Patay na talaga ako. ***