[Chapter 1]
"Alena, yung tatay mo!!!" Narinig kong sigaw ng kapitbahay namin nang madatnan nya ako sa daan galing paaralan.
"Bakit anong meron sa tatay ko?" Tarantang tanong ko at hindi ko na hinihintay yung sagot n'ya at tumakbo na ako papuntang bahay namin.
Nadatnan ko yung ibang kapitbahay namin na tinutulungan si Tatay upang makahinga ito ng maayos. Inaatake s'ya ng hika at matagal na n'ya itong dinaramdam. Wala kasi kaming sapat na salapi upang maipagamot s'ya sa hospital kaya pinipilit n'ya na ayos lang 'yong kalagayan n'ya kahit hindi na.
"Tayyy!" Sigaw ko. Tumingin pa s'ya sa akin na may halong lungkot at may luhang namumuo sa mga mata n'ya.
"Tayyy! Maging matatag ka" Pero bigla nalang itong pumiyok at hindi na humihinga. "Itayyyyy!" Sigaw ko ulit habang umiiyak na.Pero wala ng magawa ang pag-iyak ko at nawalan na ng buhay si Tatay. Siya nalang ang pamilya ko, wala na si nanay dahil patay na din ito. Bata pa lamang ako noon ng wala na si Nanay dahil namatay ito sa panganganak sa kin. Kaya kaming dalawa nalang ni Tatay ang magkasama simula pa. 15 taon gulang pa lang ako ngayon, pero iniwan na din ako ni Tatay.
____
Pagkatapos nung pagburol namin ni Tatay, dinala ako ni Tiya Pasing sa Manila at siya na daw ang bubuhay sa akin.
Pero akala ko maging maayos ang buhay ko dito, pero hindi. Dahil hindi nila ako tinuturing na pamilya nila. Tinuturing nila akong kasambahay na kahit ginawa ko na lahat ang gawaing-bahay minsan papagalitan pa nila ako nang walang dahilan.
Sa isang bodega lang nila ako pinapatulog na walang ilaw at sobrang dilim. Hindi naman sa nag-iinarte ako dahil sanay na ako sa ganitong buhay sa probinsya. Ngunit pamilya nila ako kaya lang tinatrato nila akong ibang tao. Hindi ko na 'yon inisip dahil pinapaaral naman nila ako.
Minsan binuksan ko nalang yung pinto nitong bodega upang makapasok yung konting ilaw na nanggaling sa kusina upang bigyan ako ng liwanag. Nililinis ko din ito upang may marangya akong tinutulogan. Nilagay ko yong picture ni Nanay at Tatay sa tabi dahil sila 'yong nagbibigay sa akin ng lakas upang malagpasan ko itong pagsubok na nangyari sa buhay ko.
Yung buhay ko ay parang si Cinderella. Yung inaapi s'ya ng Tiya'hin n'ya pero buti nga si Cinderella may prince charming ako wala. Kaya hindi ako naniwala sa fairytales.
____
Pinapaaral ako ni Tiya Pasing. Maaga akong gumising para makapagluto ng agahan nila at hintayin silang matapos kumain upang mahugasan ko ito pagkatapos maghanda patungong paaralan. 4th year highschool na pala ako. Ga-graduate na ako this year kaya sobrang saya ko.
Sanay na ako sa ganitong buhay kaya kayang-kaya ko ito. Pagsubok lang ito! Alam kong malalapagsan ko ito.
Walang binabayaran si Tiya Pasing sa paaralan dahil nag-apply ako ng iskolar.
Nandito na ako sa loob ng klase namin. Nasa may bandang bintana lang ako dahil ayokong makipaghalo-bilo sa mga kaklase ko. Masyado silang may kaya at ako walang-wala.Ngunit may isang magandang babae na lumapit sa akin at tinanong ang pangalan ko. Siya si Lucy, maganda, mayaman, maraming kaibigan. Gusto n'ya daw na makipag-kaibigan sa akin, nagdadalawang-isip akong tanggapin ang alok n'ya sa akin dahil masyado s'yang mataas sa isang katulad ko.
One time, kinakausap na n'ya naman ako. Habang nagbabasa ako ng libro. "Alena, punta tayong canteen" Sabi niya.
"Busog pa ako, at wala din akong pera" Sabi ko. "Hindi na problema 'yon. Ililibre kita, kaya tara na." Wala na akong magawa dahil hinatak na n'ya ako papuntang canteen at nilibre nya ako ng sandwich at softdrink.Lumipas, naging close na kami ni Lucy, naging bestfriend ko s'ya. Minsan kapag magkasama kami, naririnig ko pa yung ibang kaklase namin na nagbubulungan na hindi kaaya-aya like "Gusto mo talagang makipag-kaibigan sa kanya, Lucy? Ang pangit kaya nya" or "Lucy, alalay mo ba sya?" Masakit pero pinagtanggol naman ako ni Lucy sa kanila sabi n'ya. "Nasa kalooban ang ganda hindi sa labas. Kaya huwag niyo s'yang pagdiktahan ng ganyan." Masaya ako dahil nanjan si Lucy para ipagtanggol ako.
____
"Alena, baka matunaw 'yan si Shed" Sabi ni Lucy.
"Huh? Sinong nagsabi na tinitignan ko si Shed? Wala ahh."Crush ko si Shed. Kaklase namin s'ya. Gwapo s'ya at mayaman din. Ka-level n'ya si Lucy. Hindi ko sinabi sa iba na crush ko si Shed kahit kay Lucy pa man. Dahil sino naman ako hindi kami ka-level ni Shed. Hindi ako maganda, hindi sa pagmamayabang pero talino lang ang meron ako.
Lumingon si Shed, sa direksyon namin ni Lucy at ngumiti sa akin. Hindi ako makapaniwala kung bakit s'ya ngumiti sa akin o baka guni-guni ko lang.
Makalipas ang ilang araw. Hindi ko inaasam na mangyari ito. Gustong makipag-kaibigan ni Shed sa akin. Gusto n'ya daw akong makilala ng lubusan at sino naman ako para tumanggi. Hinahangad at hinahangaan ko si Shed. So, si Shed nalang yong palagi kong kasama at napatiwara ko na yung pagkakaibigan namin ni Lucy.
___
Nag-confess sa akin si Shed na gusto nya daw ako. Hindi ako naniwala.
"Gusto mo ako Shed? Paano? Marami namang iba jan na maganda at bakit ako pa? Hindi ako maganda Shed" Naguguluhang tanong at sabi ko.
"Wala sa panlabas na anyo ang ganda Alena nasa loob ito. Kaya 'wag mong i-down ang sarili mo. Maganda ka!" Sabi n'ya.
"Pero----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla n'ya akong halikan sa labi and that was my first. "I LOVE YOU, ALENA" Sabi n'ya. Kaya wala na akong magawa at sinagot ko 'yong halik n'ya.
Naging kami ni Shed. Love at inspired as always. Nakalimutan ko na ang pag-aaral dahil nakatutok at busy ako kay Shed. Because finally naging akin yung lalaking hinahangaan ko.
Nandito ako ngayon sa hinihigaan ko. Kinakausap ko 'yong litrato ni Nanay at Tatay. "Nay, Tay, noon hindi ako naniwala sa fairytales pero ngayon naniwala na ako dahil mahal din ako ng lalaking gusto ko."
Hindi ko na pinansin na, si Shed na 'yong palaging una sa ranking na kahit ako naman talaga 'yon at pangalawa lang s'ya. Pero masaya ako, dahil yung taong mahal ko ang una.
____
Dumating na yung panahon na malapit na kaming grumaduate at nalaman ko na Valedictorian si Shed at ako ay pangalawa lamang. Masaya ako para sa kanya.
Nandito na ako sa paaralan at hinahanap ko s'ya upang i-congrats. Nagtanong pa ako sa ibang kaklase ko na nasaan si Shed. Tapos sabi nila na nasa canteen. So dali-dali akong pumunta doon at nadatnan ko s'ya kasama 'yong ibang barkada n'ya na nagtatawanan.
"Congrats bro, nakuha mo na din yung gusto mong mangyari" Sabi ng isang barkada n'ya.
"Oo nga congrats bro, paano na ngayon? Hihiwalayan mo na yung si Alena?" Saad ng isa na katabi n'ya.
"Ofcourse kung alam niyo lang na sobrang nandidiri ako everytime na kasama ko 'yon" Narinig kong sambit ni Shed. "Nagpapaka-tanga yung si Alena, feeling n'ya na gusto ko s'ya. Ginawa ko lang naman 'yon para hindi s'ya makapag-focus sa pag-aaral. Kaya ngayon ako ang nagwagi, edi ibibigay na ni Dad yung latest na motorcycle na gusto ko. Stupid Lucy!" Habol pa ni Shed.
Hindi ko mapigilang mapaiyak at masaktan sa mga sinasabi ni Shed. So all of this are shit. Ginagamit n'ya lang ako? Upang hindi ko na mabigyang pansin ang pag-aaral.
Ngunit akala ko 'yon lang ang masakit na ginawa n'ya. May kasama pala silang isang babae na agad umupo si Shed sa katabi nitong upoan at inakbayan ito.
Palipasin ko nalang sana yung ginawa ni Shed sa akin. Kaya lang ito hindi kaya eh. Mga salbahe sila. Lumapit ako sa kanila habang umiiyak.
"Bakit Lucy? Bakit mo nagawa ito? Bakit ka mang-agaw ng boyfriend ng iba? Alam kong may kasalanan din ako sa'yo dahil nakalimutan na kita. Pero hindi naman dapat ito." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.
"Wait Alena, my dearest friend. Hindi ako nang-agaw okay? Ikaw yung nang-agaw. Sa lahat-lahat si Shed pa talaga? Masyadong mataas yong standard mo. Kawawang Alena." Sabi sakin ni Lucy tapos nagtatawanan silang lahat.
"Walang hiya kayo! Wala kayong awa. Ma-karma sana kayo sa ginawa niyo sa akin. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ito." Sabi ko sabay pahid ng luha ko at umalis sa harapan nila.
Akala ko meron ng mga taong matatanggap ako kung sino ako. Kaya lang wala pala. Ayoko ng magmahal sobrang sakit pala.
Stay tuned! For the next chapter.
©Inspired from true story
BINABASA MO ANG
Rainbow After The Rain
Short StoryAlena Suarez, is a pitiful woman who could encountered a lot of circumstances in life. After someone dumped her by using her body just to gave satisfied himself. She have been experiencing more heartaches and pained. But life must go on. Did our pro...