Tips kung paano maka takas sa pagiging broken hearted.

322 2 0
                                    

Lahat ng nagmamahal nasasaktan. Pero sino ba namang gustong masaktan? WALA.

Pero alam niyo ako?.. Naranasan ko na yan.... in many times na. Masakit pero kinaya ko. Kinaya ko siya kasi alam kong wala akong mapapala kung tutungalngal ako at iiyak ng iiyak, diba?. Laslas? Bigti? Lason? Di yan tamang solusyon. 

*Nalaman mo bang di ka niya gusto?, Nalaman mo bang di ka na niya mahal?, nalaman mo bang may iba na siya o pinagpalit ka na niya?..

Well, Wag kang magpakatanga, Oo mahal mo siya pero, yung pagmamahal mo bang binigay sakanya iningatan niya? diba hindi? para ka lang Nagtratrabaho ng walang sweldo. Napapagod ka pero wala kang nakukuha sa paghihirap mo.

1. Iiyak mo siya sa isang taong alam mong makakatanggal ng stress mo. Wag ka magoopen up sa taong. "oo" lang ng "oo" pero hindi ka naman pala pinakikinggan. Dahil masa gagaan ang pakiramdam mo kung may taong talagang nakikinig sayo. At siyempre isang beses ka lang umiyak.

2. Pakita mo na.. di ka naapektuhan sa ginawa niya. More na pinapakita mong nasasaktan ka. more na ipaparamdam niya sayo yung sakit. 

3. Smile. Yan ang pinaka magandang armor ng isang broken hearted. Kung alam niyo lang yung power na nagagawa ng pagngiti ;) Makita ka lang ng ex mo na masaya, maiinis yun kasi gusto niyang siya lang ang masya.

4.Mag ayos ka. Try to transform yourself. Magpagupit ka, mag aayos aayos konti, or what so ever. Para marealize niya na isa siyang malaking tanga at pinakawalan ka pa.

5.Magfocus sa isang nakakaaliw na bagay. yung tipong sobrang saya nung bagay na yun makakalimutan mo problema mo. Tulad ko Sudoku :) Makakalimutan mo siya.

6. Magpaset ka ng party na ang theme "BULSH*T SI EX, KALIMUTAN NA SIYA" 

Para iwas sa pagiging broken hearted, sana makuntento kayong couple sa isa't isa dahil ang salitang "Couple" ay para sa dalawang tao lang hindi sa 3 o higit pa. Kung ayaw na rin sayo wag ka ng umasa pa. MALI ANG UMASA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tips kung paano maka takas sa pagiging broken hearted.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon