Pinakamaraming kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw. May mga doktok at nurses ang nagpositive din. Isang ospital sa lungsod ng Maynila ay nagtala ng pinakamadaming nahawang frontliners na pasyenteng may COVID, sampu dito ay mga doktor, limang nurse at tatlong utility workers. Bagaman patuloy na dumadami ang nagkakasakit, madami din naman ang gumaling na patuloy na lumalaban. Samantala, isang van na may sakay na mga frontliners ang na-ambush ng mga bandido. Ang nasabing van ay papunta sana sa isang barangay upang mag test sa mga posibleng nahawa ng virus. Lahat ng mga sakay ng van ay di na nabigyan ng tsansang mabuhay. Pinaimbestigan na ng presidente ang insidente at nangakong pagyayarin ang may sala. Ang mga nasawi sa insidente ay tinuturing na mga bagong bayani...
UnluckyGuy: Hey! Still offline? Ganyan ka ba talaga? Mahilig ka ba mambitin?
UnluckyGuy: Uy... I haven't told you my good news!
UnluckyGuy: Still no respond, eh? I'm starting to remember all the hospital staff na nag-in charge sakin.. are you one of them? You're all beautiful, pero there is one nurse na tingin ko ay ikaw.. yung boses kasi
UnluckyGuy: Ikaw nga siguro yun no? Pero di na ikaw ang nag-aassist sa akin. So I think alam mo na ang good news ko no?
UnluckyGuy: Uy I miss you na
UnluckyGuy: I'll miss you, madidischarge na ako bukas. I'm virus-free, healthy and very much single. Please visit me mamaya? Di ako aalis dito hanggat di ka nagpapakita sakin sige ka.. I haven't know your real name yet..
UnluckyGuy: Hey.. napanood ko yung news.. I wished hindi ka kasali sa alin mang masamang balita dun..
UnluckyGuy: One of your nurse friend gave me a letter from you.. sabi niya iopen ko daw once I'm home.. pero di pa rin niya sinabi ang real name mo.. grabe ka talaga mambitin..
UnluckyGuy: Your nurse friend told me something bad happened to you. I always include you in my prayers pero ngayon ikaw lang halos ang laman ng mga dasal ko. I got home and ngayon ko pa lang babasahin ang letter mo..
UnluckyGuy: "Rona, bakit? Bakit ikaw pa? You became my strenght to fight this disease. In such small time malaki ang naging impact mo sakin. Hindi mo alam kung ano ang naitulong mo sakin. Bakit? I even thought you're the one. And maybe you are. Thats why it hurts so much. You helped me heal, literally. But you also wounded me. Please help me again.. please. I will treasure you for the rest of my life. I'll try to live para sayo.."
Dear Patient no. 22,
I remember the first time I saw you. You're very weak, almost lifeless. I was the first nurse who attended you. Ako yung naka-assign sayo when you're in the critical stage. Honestly, nagwapuhan ako sayo. Hahahaha. Di pa gaanong madami ang patients when you came, but weeks later dumadami na kayo. To the point na stressed and windang ako. To ease my anxiety I downloaded an app. Nakalagay kasi dun I can post anything I want, kailangan ko kasing mailabas ang lahat ng nararamdaman ko. And to my surprise, ikaw ang taong nakilala ko dun. Patola ka kasi kaya nagkachat tayo. Didn't know na isa ka pala sa mga patient ko until I heard your voice. Slowly ay nag-improve ang health mo. Di na ako ang nurse na assign sayo nun kasi you're almost in the recovery stage. When I heard you singing I was very moved. Hindi lang ako, pati ang ibang patients naiinspire sayo. Your voice somehow helped them.. your soothing voice. We get to know each other dahil sa app pero I didn't have the kapal ng mukha sayo para magpakilala. Sorry hehehe. Many nurses, patients and even a doctor has a crush on you! And they are very pretty! I wrote you this letter kahapon. Kasi nahihiya akong sabihin sayo sa personal and I have this weird feeling. Don't worry ipapasanitize ko naman ito. Hehehehe. Di na kasi kita malalapitan pa lalo na magaling ka na. I really just want to say 'thank you'. Di mo alam pero you touched my soul. I don't know pero napakagaan ng loob ko sayo. Yun bang parang ang tagal na natin na magkakilala at kaya kong sabihin sayo ang lahat.. even before na hindi kita kilala. I also want to say na please live more and enjoy your life more. I know pagaling ka na or magaling ka na, find your reason to live and wag mong sayangin ang time na ibinigay sayo. You're one tough man! You can do it! I wish na personal kong masabi sayo yan pero I think.. anyways, I like you. Yeah, you read it right. I like you. Date tayo kapag maayos na ang lahat. Pipilitin ko na makasulyap sayo bago ka madischarge. I just have some things to do.
Sincerely,
Nurse Rona, TheBraverGirl
no more