“Aaallllliiiyyyyaaaahhhh Paaaattttrrriiiiccceeee Riveeeeeerrrraaaa Caasssstttttiiillllllooooo!!!! Gumising ka na diyan at malelate ka naaa!!! Andiyan na service niyo nakahilata ka pa diyan!!! Anak ng tokwa ka talagang bata ka oo!!!” sigaw ng nanay ko. Ang aga aga para nanaman siyang busina ng tren dito sa bahay. Kainis naman oh. Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh. . . huhu. Nahanap ko na raw ang Prince Charming ng buhay ko, kaso ang labo ng mukha niya kasi sumigaw na ang nanay ko. -____-
“Opo Inang Mader andyan na! babangon na po!!!” sinisigaw ko ng nakapikit at nakahiga, pinipilit ko pang ibalik panaginip ko pero di na talaga bumalik. Kainis naman oh! Wala bang continuation ang panaginip???
Nagdasal na ako, bumangon at nagstretch stretch. Sumayaw sayaw pa ko ng talk dirty sa salamin. Ganyan ako magstretch sa umaga, pakialam niyo ba. Haha!
“Hi Aphrodite!!!! Ang ganda ganda mo talaga! Kelan mo kaya makikita yung mukha ng prince charming mo noh?”
Pag silip ko sa salamin, nakita ko yung mukha ng nanay ko galit na galit na. napangiti ako sabay sabing,
“Hi ma! Ang ganda mo naman kahit nakasimangot ka! Kaya manang mana ako sayo eh! Hehe! Sige ma maghihilamos lang po at bababa na rin ako bago kumain. Love you ma!”
Tumakbo na agad ako sa banyo at naghilamos. Di pa ako maliligo kasi kakain pa ko. Ganun ang routine ko araw araw na ginawa ng Diyos.
Pagbaba ko andun na nga sila. Full pack na. yung dalawa kong kapatid kumakain na at ganadong Ganado kasi first day of school. Mukhang alam niyo nanaman ang pangalan ko kasi isinigaw na ng nanay ko yun kanina, pero uulitin ko ulit. Hehe.
Ako nga pala si Aaliyah Patrice Rivera Castillo, matalino, athletic, Christian, at responsable, pero PANGET kasi mataba. Sabi ng nanay ko maganda raw ako, oo nga! Nanay ko siya eh! Haha! Grade 6 palang ako at panganay ako sa magkakapatid.
Pagkatapos kumain, umakyat na ako para magtoothbrush at maligo. Iniisip ko palang mga mangyayari sa school ngayon natatakot na kong mabully ulit, since ang taba taba ko at ang itim itim ko, may mailalait pa ba sila sa akin?
*SCHOOL
Pag pasok ko palang sa school, kitang kita ko na yung mga studyanteng nakapila sa hall, ang ingay. . . -__-
“Welcome to Blessed Christian University students! Please be informed that your classroom’s lists are posted on the bulletin boards located in the hall! God bless and enjoy your first day of class!” nag salita na yung Student Council President through the school radio. Ang astig talaga ng school namin dahil may sariling radio station room.
Tinignan ko sa bulletin kung saan yung classroom ko, at guess what, third floor at sa pinakadulo pa! bigti na! sa taba kong toh baka pagdating ko dun wala na yung fats ko.
Pagkatapos kong tignan yung bulletin, nakita ko kaibigan ko na tumatakbo para dambahin ako.
