STORY 1: Chapter 2

7 0 0
                                    

Mabait naman pala siya. . . naging close kami sa isa’t Isa, di ko napansin na magiisang taon na rin mula nung una kaming magkakilala. Di man ganun kaganda yung simula namin dahil nilait lait pa niya ako noon. Naging magaan ang loob ko sakanya at naging magkaibigan hanggang sa di inaasahang pangyayari. . . naging super close kami at super sweet siya sakin to the point na, nagkakagusto na yata ako sakanya. . .

*SCHOOL

“Paaaaatttt!!!!” sigaw niya habang tumatakbo.

Napalingon kaming dalawa ni Aubrey sakanya at saka ako nagsalita, “Bakit tumatakbo at nagsisisigaw ka diyan? Baliw ka na ba?”

Nakangiti lang siya. Baliw na nga tong taong toh. . . Malala na ang sapak neto. -__-

 “Uh. . . Eh. . . Kasi. . . may gusto kasi akong sabihin sayo kaso nahihiya ako eh. . .” pautal utal niyang sinabi.

(Ene be yen Patrice!!! Paalisin mo na si Aubrey at ng malaman mo na yung sasabihin niya. . . di ba gusto mo na siya?

Manahimik ka nga diyan! Baka naman di tungkol dun sasabihin niya. Wag kang assumera!

Anu ba yan! Bakit ba kayo nagtatalo diyan? Friends lang kami okay???)

Sinabi ko kay Aubrey na mauna na muna siya sa classroom para masabi na ni Warren yung dapat niyang sabihin. Pumunta kami sa isang bench sa school grounds at saka umupo.

“Anu ba yung importante mong sasabihin Warren?” tanong ko.

“Uhm. . . kasi. . . Pat, pwedeng magpatulong manligaw kay Bless? Matagal ko na kasi siyang gusto kaso wala akong lakas ng loob na ligawan siya. . .” sabi niya.

Napatahimik ako at ngumiti pero deep inside alam ko, nasaktan ako. Akala ko ako na eh. Hehe. Sabi ko naman kasi sayo wag kang assumera Pat. . . ang panget panget mo at hindi ka niya magugustuhan. Si Bless pwede pa; mayaman, magaling kumanta, maganda, sexy at sikat pa.

“Sure! =)” ngumiti ako para di niya mahalata na di ako nasasaktan.

“Yes!!!! Thank you Pat! Thank you talaga!!! I owe you bigtime! Yes!!!” nagtatatalon siya sa tuwa atsaka niya ko niyakap.

*HOUSE

Pagdating ko sa bahay, umakyat agad ako sa taas at humiga sa kama. Habang nakatingin ako sa ceiling, nagflashback yung mga nangyari kanina. Naluluha luha pa ako, traydor kang luha ka! Balik! Balik! Nakakainis naman oh!!! Ang bata bata ko pa ang landi landi ko na! di ako pwedeng magkagusto sa taong yun! Hindi pwedeeee!!!!

Napatingin ako sa pinto nakatayo si Katniss at naka poker face sakin.

“BAKIT?” tanong ko na gulat na gulat at bakit nandun siya.

“Bakit? Ah baka kasi ang lakas ng pagpapractice mo sa drama club ate? May pa hindi pwede hindi pwedeeee ka pa diyan. -__-“

 

Nasobrahan yata sa pageemote ang lola niyo. Haha! “Ah. . . eh. . . malakas ba? Hehe. Sorry na. oo nagppractice ako sa drama club. Ayos ba? Hehe. ^__^V

 

Bumalik na ulit siya sa kwarto niya at ginawa na ang dapat gawin. Haha!

Kinuha ko si diary na lagi ko namang nakakausap sa mga pesteng nararamdaman na toh. . .

Dear diary,

                Nakakapagod yung araw na toh. Normal day lang naman ito pero ewan ko ba parang ang bigat bigat ng nararamdaman ko. . . siguro nga inlove na ko kay Warren. Alam mo ba diary, umamin sakin si Warren na may gusto raw siya kay Bless; nagpapatulong pa nga siya na manligaw sakin eh. Dahil kaibigan ko rin naman siya at ok naman kami, sinabi ko na oo, tutulungan ko siya. . . mali ba yung ginawa ko diary? L

Nakatulugan ko na yung pagsusulat sa diary ko. . . 6am na pala! Kailangan ko ng bumangon! Naghilamos na ako at bumaba. Kumain at naligo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Fate Play its GameWhere stories live. Discover now