Chapter 2: Final Destination

1 1 0
                                    

Liv
(Third Person)

Nakatingin si Olivia Lee kina Damon at Samantha.

Nasa bandang kaliwa kasi siya ng bus nakaupo at nasa kanan naman sina Damon, Sam, Audi, Josh, Lance at Jack.

Tahimik lang siyang babae sa section nila. Ang priority niya lang kasi ay mag-aral.

Kaya hindi siya masyadong nakikipag-barkada. Pero approachable pa din siya at hindi masungit, handang tumulong sa mga nangangailangan.

Kilala si Olivia or Liv for short bilang mabait at simpleng estudyante.
But deep inside ay lihim siyang naiinis kay Samantha at Damon.

Mahilig siyang mag observe ng mga kaklase niya at based on her observation ay nasaktan ni Samantha ng husto si Josh. Ramdam din niyang may feelings pa din si Josh sa ex-girlfriend nito.

Kitang-kita niya sa mga mata ni Josh kapag tumitingin ito kay Sam.

"Hays!"

Sambit ni Sam na nakatikom ang mga kamao kaya halata ang gigil sa kanyang kilos.

"Oh anong problema mo?"

Tanong sa kanya ni April Magbati na katabi niya ngayon ng upuan.

"Ah wala!"

Tipid na sagot ni Liv.

"Baka naman nasusuka ka, mabuti pa mag-candy ka muna!"

Sabi ng katabi niya sabay abot ng color blue na fres candy sa kanya.
Tiningnan niya ang nakasulat sa likod ng balat ng matamis;

"Never Give Up"


"Thanks April."

Nakangiti niyang wika sa kaklase.

"Welcome, no big deal!"

Tugon ni April na nginitian din siya.
Si April ang pinakamagandang babae sa seniors.

Aminado si Liv na hanggang tuhod lang siya kung ikukumpara ang ganda niya sa ganda ni April.

Maputi, kissable red lips kahit hindi na mag lipstick. Straight ang mahahaba at madudulas na buhok.

Pear shape at perfect ang katawan nito kaya di nakakapagtaka kung bakit laging kinukuhang muse at nilalaban sa mga beauty pageant ang dalaga.

Medyo tagilid nga lang sa Q&A, nobody's perfect.

Kaya naman sa mga brainy gaya ni Liv laging dumidikit si April sa kadahilanang umaasa siyang mahawaan siya ng talino ng mga 'to.

Nakatingin ngayon si Liv sa puwesto nina Damon at Sam habang sinisipsip ang candy na binigay sa kanya ni April.

Biglang tumingin si Sam kay Liv kaya nahuli siya nitong pinagmamasdan silang magjowa.

Kinabahan si Liv sa puwedeng maging reaction ni Sam pero ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti din si Liv bilang ganti sabay iniwas niya na ang kanyang mga mata sa kaklase matapos makaramdam ng awkwardness.

'Plastik' Sabi ni Liv sa kanyang isip.

Hindi nagtagal ay umandar na ang bus nila matapos makumpirma na nakasakay na ang lahat ng mga estudyante. Nakasakay na din ang kanilang adviser pati ang tour guide sa fieldtrip.

"Okay students, we have to pray para maging safe ang field trip natin!"

Paalala ng babaing tour guide sa mga bata. Nasa thirty na ang age ng guide sa unahan na may hawak-hawak na microphone ngayon.

"Who will going to lead the prayer?"

Tanong ng tour guide sa kanila. Lahat ay napatingin at napalingon sa bandang likod ng sasakyan.

"Ako po!"

Sagot ni Book Legazpi na siyang pinagtitinginan ngayon ng mga kaklase niya.

Wala siyang nagawa kung 'di ang mag lead ng prayer dahil kilala siya bilang isang taong simbahan.

Pastor kasi ang ama niya kaya lagi silang nasa church at mahilig din siya mag share ng word of God.

Napansin ni Liv na napayuko si April nang tumayo si Book mula sa upuan nito at pumuntang unahan para magdasal.

"Anong problema, nasusuka ka ba?"

Tanong ni Liv sa kaibigan pero umiling ito.

"No, I'm fine. Let's pray."

Sabi nito. Matapos nilang magdasal ay bumalik na si Book sa kanyang upuan.

Binuksan ng tour guide ang flat screen TV sa unahan at nagsalang ng movie na nakalagay sa flashdrive nang sa gayon ay may paglilibangan ang mga estudyante kontra boredom sa mahabang biyahe.

"Napanood mo na ba yan?"

Tanong ni Liv kay April habang nakatutok ang hintuturo nito sa unahan kung saan naruroon ang TV.

"I Know What You Did Last Summer."

Binasa ni April ang nakalagay na title sa screen.

"Hindi pa, haba naman ng title."

Sagot ni April sabay reklamo.

"About s'an ba yan?"

"About sa magkakaibigan na naka hit and run tapos after a year binalikan sila ng na hit and run nila para maghiganti!"

Sagot ni Liv.

"Ang cliché naman!"

Reklamo ulit ni April.

"Eh kasi 1997 pa yang movie. Pero at that time bentang-benta yang movie na yan. May part 2 pa nga yan ang title ay 'I Still Know What You Did Last Summer' at ang part 3 naman ay 'I Always Know What You Did Last Summer'."

Paliwanag na mabuti ni Liv sa kaibigan. Medyo napahanga sa pagkakataong ito sa April.

"Wow umabot ng part 3, ibig sabihin maganda!"

Sabi nito. Tumango naman si Liv habang nakangiti.

Ilang beses niya nang napanood ang movie kaya alam niyang mabo-bored lang siya.

Binuksan niya ang kanyang backpack at kinapa mula dito ang salamin niya.

Tiningnan niya ang kanyang sarili kahit alam niyang imposibleng ma-haggard siya sa loob ng bus dahil sa naka-aircon naman sila.

Gusto niya lang makasigurado dahil alam niyang maganda ang katabi niya.

Nakakababa ng confidence kapag katabi ang isang magandang babae na katulad ni April.

Pakiramdam ni Liv ay nagmumukha siyang katulong.

Napansin niya sa reflection ng kanyang salamin si Justin Gracia. Busy ito na nanunuod sa kanyang phone ng kung ano mang video. 
Katabi niya si Bruno Alviar na nakikinood din at share sila sa earphone.

Bakas sa kanilang mga mukha ang pagkawala sa sarili kaya alam na ni Liv kung ano ang pinapanood ng mga 'to.

Mga lalaki talaga, kaagad niyang ibinaba ang kanyang salamin.

Halos ilang oras ang lumipas ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon.

Hell Ushers (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon