Josh
(Third Person)
Lumipas ang buong maghapon at natapos na din ang fieldtrip ng mga estudyante at ngayon ay pauwi na sila sakay pa din ng bus.Tiningnan ni Josh ang kanyang relo,
7:45 pm na. Bagsak na bagsak ang katawan niya dahil nga sa maghapon silang pagala-gala sa Manila Ocean Park."Pre tingnan mo, ang pogi ko dito oh!"
Pagyayabang ni Audi habang Nakatapat sa mukha ni Josh ang cellphone niya kung saan naroroon ang kanyang selfie at nasa likod niya ang aquarium na may lamang iba't-ibang uri ng mga isda.
"Mukha kang syokoy!"
Sabat ni Lance na nasa kanilang likuran bilang pangangasar kay Audi.
"Gago, hiyang-hiya ako sa'yo 'di hamak na mas pogi ako sa'yo 'di ba Pre?"
Sagot naman ni Audi kay Lance at tanong kay Josh, ayaw niya magpatalo sa pagyayabang.
Napatawa naman ng tipid si Josh.
Nakakawala talaga ng pagod kapag may mga kaibigang gago."Hanga din ako sa inyo, may energy pa talaga kayo sa mga ganyang bagay? Hindi ba kayo napapagod?"
Tanong ni Josh sa kanyang mga kaibigan.
"Siyempre pagod din kami, pini-flex ko lang naman ang pogi kong mukha kaso mukhang di matanggap nitong si Lance na mas pogi ako sa kanya!"
Mayabang na paliwanag ng kanyang bestfriend sa kanya na naging dahilan kung bakit muling tumawa si Josh.
Kinuha niya ang cloud9 sa kanyang bag at kinagat matapos punitin ang plastik na lagayan nito.
Kumuha pa siya ng tatlo at binigyan tagiisa sina Audi, Lance at Jack.
Umaasa siya na kahit papaano ay babalik ang lakas niya dahil sa cloud9.
Drain na drain kasi siya ngayon.
Nang maubos ni Josh ang kanyang kinakain ay kaagad siyang uminom ng tubig.
Mukhang effective ang cloud9 dahil kahit papaano ay naibsan ang kanyang matinding pagod.
Sumulyap siya sa TV, "I am Number Four" ang palabas ngayon.
Hindi siya mahilig sa science fiction at bihira lang din siya manood ng movie maliban na lang kung horror kaya nakaramdam ng antok si Josh habang nakatutok ang mga mata sa screen hanggang sa tuluyan na siyang naka-idlip.
____________________________________________________________________________
Damon
(Third Person)
Hinimas-himas ni Damon ang buhok ng kanyang girlfriend. Mahimbing ang tulog ni Sam habang nakapatong ang kanyang ulo sa balikat ng binata.May boyfriend na siya, may unan pa.
Naamoy ni Damon ang halimuyak ng conditioner na gamit ng kanyang kasintahan.Mahal na mahal niya si Sam at gagawin niya ang lahat para dito.
Marahan niyang hinalikan ang babae upang hindi ito maisturbo sa pagtulog.Tahimik na ang loob ng bus ngayon.
Tulog na ang kanilang tour guide maging ang kanilang adviser.
BINABASA MO ANG
Hell Ushers (ongoing)
RandomNaaksidente ang bus na sinasakyan nina Josh at ng kanyang mga kaklase habang nasa field trip sila. 11 students was declared dead. Nang magkamalay sila ay nadiskubre nilang mga multo na lang sila pero lalo silang nagimbal dahil may mga misteryosong n...