Chapter 2:
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay naming mga Tropang Kalog. Naka-abang pa rin kami sa tambayan nung araw na sinabi nyang ibibigay nya yung number nya,tapos nung dumating sya takbo kami. Nakakainis nga pahabol naman sya lumakad sya ng lumakad hanggang makarating kami sa building naming, bago umakyat ng hagdan para kaming mga tangang nagtanong habang humihingal “nasan na yung number mo” tapos ngumuti sya iaabot nya na sa nakalahad kong palad ng biglang kinuha ni Laika. Sobrang nabadtrip ako nun nagalit ako kay Laika pati ang Tropang Kalog dahil inagaw nya ang moment ko. Nagsorry sya at syempre nagka-ayos din kami . . . nakuha na nga namin ang mahiwagang number nya pero kamalas malasan hindi pa ganun kauso ang cellphone noon sa’kin at hindi rin ako mahilig magtext. Hindi ko rin maalala kung may cellphone na ko nun,alam ko ginagamit ko pa yung sa mama ko para maki-insert ng sim hahahaha. . .
BINABASA MO ANG
Si Crush-"Best Thing I Never Had"
Teen FictionItong story na tungkol sa high school experience ko at I admit hindi ako maka get over sa sobrang heaven ng feeling . . . pero sana nakilala nya pa ko