Chapter 10

174 37 16
                                    

Third Person POV

May isang batang tumatakbo nanggaling ito sa loob ng simbahan hinahabol siya ng isa ding batang lalaki. Masaya silang naghahabulan nang tawagin sila ng isang madre. Ang mga bata ay nakatira sa bahay-ampunan. Araw-araw ay sila lagi ang magkasama.

Ang batang lalaki ang nagtatanggol sa batang babae tuwing siya ay inaapi ng kapwa bata dahil sa kapangitan daw nito. Pinangako ng batang lalaki na proprotektahan niya lagi ang batang babae na hindi naman siya pumalyang tuparin.

Hanggang sa medyo lumalaki na ang mga ito ay sila parin ang laging magkasama.

"Ria, gusto mo bang umalis na sa lugar na to?" Tanong ng 10 years old na lalaki.

"Hmmm" Napaisip naman ang batang babae.

" Darating ang araw, lilisanin natin ang lugar na ito at mamuhay sa labas nito ng masaya gaya ng ibang bata."

"Ian, hindi ko gustong umalis sa lugar na to sila ang kumupkup at nagmahal sa ating sa panahong iniwan na tayo ng ating mga magulang."

"Pero alam kong higit tayong magiging masaya kung lalabas tayo dito."

"Ian, No matter what, Angel's Orphanage is our home."

"Ian.... Ria..... Angel's Orphanage" Ito ang mga salitang sinasambit ni Agape habang siya ay natutulog dala ng matagal na pag-iisip-isip ay nakatulog ito ng mahimbing.

Samantala habang binibigkas niya ang mga ito ay biglang kumuyom ay kamao ng pigurang nakatayo sa tabi ng kama nito habang pinagmamasdan siya.

Mas lumapit ito kay Agape at hinahaplos-haplos ang pisngi nito. Hinalikan nito ang labi ng dalaga at saka ito umalis nang nakangisi. Bago ito umalis ay may ibinulong muna ito sa tainga ng dalaga...

"I can't believe you are right beside me. I'm sorry for hurting you. I love you Ria and this is for you."

Lumabas siya at isa-isang tiningnan ang lahat ng kuwarto.

"Hinding hindi kayo magtatagumpay. Sa huli, ako parin ang mananalo. Ginagagawa ko lang ang tama. Pinaparusahan ang mga makasalanan. Alam kong natutuwa ng Diyos sa ginagawa ko, nararapat lang ito sa mga tulad niyong demonyo. Ang mabuti din ang mananalo sa huli. Memento Mori." at saka ito malademonyong tumawa na para bang may balak na masama.

Sa nakakatakot, madilim at walang kabuhay-buhay na lugar ay tawa nito ang tanging nagbibigay-buhay lamang sa lugar. Sa lugar kung saan nababagay ang taong---  hindi, demonyong katulad niya.

Pumunta ito sa kanyang kuwarto at inilabas ang litrato ng dalawang bata sa kanyang wallet. Nakangiti ang mga itong nakatayo sa Angel's Orphanage.

"Ria, malapit na akong magtagumpay. Pagkatapos nito ay babalik tayo sa ating lugar"

AGAPE and The New Section [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon