Chapter 27

174 22 8
                                    

Third Person POV

Habang mahimbing na natutulog si Agape sa loob ng isang kotse ay nanaginip ito ng napakahaba.

May isang batang tumatakbo nanggaling ito sa loob ng simbahan hinahabol siya ng isa ding batang lalaki, magsaya silang naghahabulan nang tinawag sila ng isang madre. Ang mga bata ay nakatira sa bahay-ampunan. Araw-araw ay sila lagi ang magkasama.

Ang batang lalaki ang nagtatanggol sa batang babae tuwing siya ay inaapi ng kapwa bata dahil sa kapangitan daw nito. Pinangako ng batang lalaki na proprotektahan niya lagi ang batang babae na hindi naman siya pumalyang tuparin.

Hanggang sa medyo lumalaki na ang mga ito ay sila parin ang laging magkasama.

"Ria, gusto mo bang umalis na sa lugar na to?" tanong ng 10 years old na lalaki

"Hmmm" napaisip naman ang batang babae

" Darating ang araw, lilisanin natin ang lugar na ito at mamuhay sa labas nito ng masaya gaya ng ibang bata"

"Ian, hindi ko gustong umalis sa lugar na to sila ang kumupkup at nagmahal sa ating sa panahong iniwan na tayo ng ating mga magulang"

"Pero alam kong higit tayong magiging masaya kung lalabas tayo dito."

"Ian, No matter what, Angel's Orphanage is our home"

May dalawang dalagang naglalakad pauwi. Malapit na sila sa gate ng kanilang school ng maalala ng isa na nakalimutan niya ang kanyang laptop . Kailangan niya pa man din yun dahil tatapusin niya pa yung brochure na project nila.
“besh, mauna ka na, balikan ko lang yung laptop ko” di na niya hinintay pa yung sagot ng kasama niya at agad tumakbo pabalik dahil ilang minuto na lang ay ilolock na yung gate.

Pagkakuha niya sa kanyang laptop ay agad na din siyang umalis. Habang naglalakad siya ay napansin niya na wala nang estudyante, pati mga guro, walang katao-tao. Bigla na lang siyang kinabahan sino ba naman ang hindi kakabahan kung nag-iisa ka lang na naglalakad sa napakalaking school.

Mas lalo pa siyang kinabahan ng makarinig siya ng hikbi. Nanlamig siya bigla, akala niya ba ay nag-iisa lang siya dun? Mas lalo pang lumakas ang iyak at ngayon ay humihingi na ito ng tulong.

“huwagg! Parang awa niyo na! tulong! Tulungan niyo ako!” parang lalabas na ang puso niya sa sobrang pagtibok nito… lalo pa at palakas ng palakas ang kanyang naririnig. Madiin ang pagkahawak niya sa kanyang gamit at pilit pinapakalma ang kanyang sarili. Pilit nananalangin na sana ay hindi ito totoo. Bigla namang nawala ang boses. Nakahinga siya ng maluwag, sabi na eh,, guni-guni niya lang… pero mali pala siya dahil nang nasa tapat na siya ng library ay nakita niyang nakabukas ito.

Ang nararamdaman niya kaninang kaba ay biglang bumalik at dumoble pa ito sapagkat sa loob ng madilim na library na naliliwanagan lamang dahil liwanag na mula sa labas ay nakikita niya ang isang babae na nakahiga at umiiyak at kaya pala natigil ang kanyang  pagsigaw ay dahil sa nakatape ang kanyang bibig. Hindi niya ito makita ng husto dahil medyo madilim pero napag-alaman niya na hindi siya taga East Side Academy (ESA) dahil sa uniporme niya.

Napapalibutan siya ng apat na lalaki na may parehong uniform dun sa babae, hindi niya din sila namukhaan. … Paano sila nakapasok dito?

Nagtatalo ang isip niya kung hayaan niya ba siya o tutulungan. Sa kabila ng takot na nararamdaman niya ay nangibabaw ang pagnanais niyang tulungan ang dalaga.

Pinilit niyang maging matapang at humingi ng tulong at gabay sa panginoon. Nagsimula nang tanggaling ng isang lalaki ang palda ng babae habang ang dalawa naman ay hinihimas ang hinaharap ng babae ang isa din ay hinahaplos ang binti nito. Nandidiri siya sa kanila. Mga hayop sila sana hinahatulan ng kamatayan ang tulad nila. Wala ng magawa ang babae kundi ang umiyak na lamang ng umiyak pagod na pagod na ang katawan nito para magpumiglas. Awang-awa na ang dalaga sa babae… gusto niya man na lumabas agad  ay kailangan niya munang makakuha ng ebidensya.
Nang makuha niya na ang ebidensyang kailangan niya ay agad siyang naghanap ng puwedeng ipanlaban sa kanila.

AGAPE and The New Section [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon