14 : The Foreigner

144K 3.6K 467
                                    


Ba't siya nagagalit? - Iza

-----

Iza

UUWI MUNA sana ako sa boarding house ko mag-isa para makaligo at makapagpalit ng damit ngunit nagpumilit si Gigs na samahan ako. Ayun tuloy, pinatuloy ko siya sa boarding house ko. Mukhang nasasanay na siya na gawin na lang ang gusto niya. Napapansin ko rin na panay na ang pgsama niya sa akin. Panay na din ang pagsundo niya. Ako na ang natatakot sa sitwasyon namin. Everything seems to be good to be true. Parang hindi na 'to normal. Parang lahat ay pansamantala lamang.

" Hintayin mo ako dito. Huwag mong pakialaman ang mga gamit ko" Sinigurado kong nagkaintindihan kami sa bagay na iyon dahil pansin ko agad iyung mga mata niyang kung saan saan nanaman napapadako.

" Sure. Puwede bang ako din maligo. Sabay na tayo, Babe" Alam kong nagbibiro lang siya pero ayaw ko nung joke niya. Binalewala ko lang iyon dahil ayoko ng maspahabaan pa ang diskusyon namin. Ngayon ko lang din napagtanto ganito pala 'to manlambing. Akala ko'y nang-iinis lang pero parte pala ng panlalambing niya. Ayokong masanay dahil wala namang permanente sa kung ano mang meron kami ngayon. I will never disregard the fact that I am living a life of lies. I am using the identity of a dead person. At sa pagkakataong malaman ng iba bukod sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ang aking totoong pagkatao ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin nito.

" Hehe. Nandiyan sa couch iyung remote. Hanapin mo nalang" Iyun lang ang sabi ko at pumasok na sa loob ng kuwarto ko para dun maligo. May CR kase sa loob kaya maspinili kong dito nalang maligo. May CR din naman sa labas ng kuwarto ko kaya lang ayoko dun maligo sa pagkakataong ito. Mahirap na baka kung ano na namang gawin ni Gigs.

Binilisan kong maligo. Kadalasan tatlompung minuto ang ligo ko kasama na ang pagtotoothbrush pero ewan ko ba at naging sampung minuto na lang ito, sobrang bilis kong naligo kahit na nireregla pa ako. Tatlong araw hanggang apat lang naman ako reglahin. Iyun nga lang at marami talaga.

Nang matapos akong makapagligo ay nagsuot ako ng simpleng dilaw na tshirt at itim na shorts. Mahirap na baka matagusan na naman ako nito tapos makita na naman ng kung sino.

Napabaling agad siya sa direksyon ko ng marinig niya akong lumabas galing sa kuwarto ko. Pinatay niya iyung TV at mabilis na tumayo.

" Tara na, mag-aalas otso na. Magsasara paman din iyung grocery store ng alas nueve" Normal ang pagkakabigkas ko don at kinuha iyung purse ko na nakalagay sa bag kong nakalapag sa may mesa.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya ng makita niya ang suot ko.

" Oh, ba't di ka nagpajama? Kitang kita iyang legs mo. Magpalit ka" What?

" Hindi na. Mainit eh. At saka nakaitim naman ako kaya di kita kapag tinagusan ako" Maayos naman akong sumagot kaso bakit parang galit pa siya?

" Ayokong pagpiyestahan ng mga lalaki iyang legs mo, Babe. Palit na kase. Magjogging pants ka nalang please." He looks so frustrated as he looked at my legs.

" Kita lang naman. Walang hawak. Sige na tara na. Mainit" Mainit naman kase. Sobrang init.

He sighed in frustration.

" Kung manuntok ako dun huwag mo akong pagalitan" May halong pagbabanta na ang boses niya. Hindi na ako nagsalita. Hindi naman kase ako sanay sa ganitong Gigs. Naninibago ako. Hindi ako madalas magshorts sa labas, ngayon lang ulit. Sa beach at swimming pool lang naman kase ako nagshoshorts noon.

Pagkalock ko ng pintuan ay nagulat ako ng maramdaman ko ang braso niyang pumulupot sa bewang ko. Parang nakiliti pa ako.

" Ba't iyung kamay mo, naligaw ng landas" Wika ko. Tinignan niya ako at ngumuso.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon