38 : The Memories

105K 2.8K 288
                                    


Moira pasok - Iza

-----

Iza

ANG BILIS ng mga pangyayari. Matapos kong pakinggan lahat ng sinabi ng aking mga kaibigan ay agad na nagflashback sa akin ang mga pangyayaring hindi naman pamilyar sa akin. Hanggang sa nakita ko ang aking sariling nakakulong sa mga ala ala ko. Si Isagani. Ang pamilya ko. Si Liana. Si Sabina. Si Kim. Si Grasha. Si Shannon. Si Miguel. Si Kyle. Si Kiefer at si Gigs. Lahat sila naaalala ko na.

Parang kusang nanumbalik ang lahat ng aking nakaraan at naalala ko ang lahat.

" Babe okay ka lang ba? Narinig kong wika sa akin ni Gigs pero nahihilo na talaga ako dahil sa dami ng naaalala ko. Lahat nakikita ko. Pati iyung nangyari sa akin nung sumabog iyung barko.

" Gigs nahihilo ako" Wika ko bago ako nawalan ng malay.

HINDI KO ALAM kung ilang oras akong nawalan ng malay. Ang tanging alam ko lang ay nakahiga ako at boses ni Greggy boy ang naririnig ko.

" Babe, babe" Nakapikit parin ako. Tuwang tuwa ako dahil nakakaalala na ako. Naaalala ko na sila.

Unti unti kong minulat ang aking mga mata at agad na nagtama ang mga mata namin ni Gigs.

" Babe kamusta? May masakit ba sa 'yo? Masakit ba iyung ulo mo?" Sunod sunod niyang wika sa akin.

" Hi Babe. Pakiss nga" Tipid kong ngiti na wika sa kaniya. Medyo masakit parin ang ulo ko pero kaya naman.

Gulat ang nakita ko sa kaniyang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.

" Tutulo na laway mo Greggy boy! Uy ano na, Babe! Pakiss nga" Ulit ko pa. Hindi na ako nagulat ng marubdob niya akong halikan. Alam kong alam na niyang naaalala ko siya. He is already crying! Wala man siyang sinasabi ngayon. Hindi man siya napapamura hindi kagaya ng ineexpect ko pero umiiyak siya sa harapan ko ngayon.

" Umiiyak ka na naman Gigs. Sabi ko nababaklaan ako sa umiiyak eh. Tahan na Greggy boy" Wika ko sa kaniya. Hinalikan pa ulit niya ako habang umiiyak parin siya at walang sinasabi manlang.

I ended the kiss and looked at him in the eyes. Nilagay ko rin iyung mga palad ko sa pisngi niya.

" Naaalala na kita Gigs. The moment we met until now that I am looking into your eyes. I remember every details of our friendship and love. Gigs I'm sorry dahil ang tagal kitang nalimutan. Sorry dahil nasaktan kita ng ilang taon. I'm so sorry for the pain I've caused you for not remembering you but thank you for staying. Thank you for loving me through the years and thank you for not giving up on us Gigs." Naiiyak kong wika sa kaniya.

" Babe, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Babe kahit pa ilang taon akong maghihintay hanggang sa bumalik ang ala ala mo gagawin ko. Melissa I love you so much. You and our child have made me live life through the years. Mahal ma mahal ko kayo ng anak natin" We hugged and found home in each other's arms.

Ngayon ko lang din napagtanto na meron din pala sina Sab at Grasha sa loob ng kuwarto pero naiiyak lang din sa likod ni Gigs at para bang hindi makalapit.

" Hi Sab, Grasha. Kamusta na kayo? Dami niyo ng ikukuwento sa akin. Utang niyo iyon. Si Kim asan?" Tanong ko sa kanila. Naluluha silang lumapit sa akin at niayakap ako. Gigs gave us space as I let them hug me.

" Oh my ghad! Nakakaalala ka na nga talaga bakla! Si Kim umalis saglit bumili ng pagkain" Grasha answered.

" Lakas niyo kase makathrowback thursday eh" I joked. Sabina smiled.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon