First and Last

486 15 12
                                    

Hula.
.
.
.
.
.
.
Naniniwala kaba sa manghuhula?
.
.
.
pwes basahin niyo to at para matutunan niyo ang leksyon.
.
.
.
naniniwala kaba sa hula?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"hay naku, alas otso na pala.nakakainis naman, dapat di nalang ako sumali sa cheer dance ehh. wala panaman masyadong dumadaan na jeep ng gantong oras.at kung meron man, palagi naman puno". Ang sabi ni Lexie habang naghihintay ng jeep sa waiting shed. kasi naman bawat jeep na dadaan eh puro naman puno. may exam pa sila bukas kaya kailangan mag-aral siya.nangalay siya sa kakatayo kaya umupo muna siya sa bench.

Maya-maya may isang matandang babae na naglalakad papalapit sa kanya. maputi at gulo-gulong buhok ang isang matanda.wala pang tsinelas."Ineng, pwede ba pahingi ng kaunting barya pang kain manlang"aniya ng matanda.

"naku nay, nakakagulat naman kayo."sagot ni Lexie habang dumudukot ng barya sa kanyang bulsa.

"maraming salamat ineng"ang wika ng matanda.

"walang anuman ho lola"wika ni Lexie.Napansin naman ni Lexie na Hindi parin umaalis ang matanda sa kinatatayuan niya.

"lola, ano po ba ang kailangan niyo?"ang wika ni Lexie.

"gusto mo ba magpahula?"ang wika ng matanda.

"wala na nga po akong barya lola"inis na sabi ni Lexie.

"libre lang, magaling akong manghuhula"ang wika ng matanda.Hindi na nagdalawang isip si lexie at binigay ang kanyang palad sa matanda.

"hindi naman siguro masama kung magpahula ako habang naghihintay ng jeep noh"ang wika ni Lexie.

"Ano po sabi ng kapalaran ko?yayaman po ba ako?, Magiging maganda po ba ang buhay ko?, makakapasa po ba ako sa exam bukas?"Ang sunod-sunod na tanong ni Lexie sa Matanda.Biglang nalaki ang mga mata ng matand at unti-unting tumungin kay Lexie.

"m-may problema h-ho ba?"nanginginig na tanong ni Lexie.

"may masamang mangyayari sayosa saktong kaarawan mo." Ang wika ng matanda. mas lalo namang natakot si Lexie dahil ang sinasabing kaarawan ng matanda ay mangyayari bukas.mayroong dumating na jeep at agad-agad na sumakay si Lexie doon. ngunit bago pa siya makasakay mayroong sinabi ang matanda sa kanya

"wag na wag kang humawak ng kutsilyo kahit anong mangyari." Aniya ng matanda.gusto pa sanang tanungin ni Lexie kung bakit pero hindi na siya nakasagot. hanggang nakarating siya sa kanyang bahay,hindi parin mawala sa isip niya ang sinabi sa kanya ng matanda.hanggang sa nakatulog na si Lexie.
.
.
.
"wag mo akong saksakin, maawa ka!"biglang napabangon si Lexie sa kanya hinihigaan.

"panaginip lang pala"habang pinupunasan ang bawat butil ng pawis sa kanyang mukha. bumaba siya para kumuha ng tubig at maya-maya ay nakarinig siya ng nahulog na bagay galing sa kanyang kwarto.nasa kalagitnaan siya nang may narinig nanaman siya na bamagsak na bagay galing sa kanyang kwarto. hindi na siya nagdalawang isip na kumuha ng armas sa kusina at ang kinuha ay kutsilyo kahit na pinagbawalan siya ng matanda.dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita ang vase na basag at ang isang itim na pusa.

"pusa lang pala.akala ko kung pinasok na ako ng magnanakaw"wika niya.bumaba ulit siya para ibalik ang kutsilyo ngunit bago pa niya mailagay ay may nakita siyang matandang duguan na bumababa. nabitawan niya ang kutsilyo at natatakot.

"sinuway mo ang utos ko! ngayon pagsisisihan mo to!."

"Ikaw ang matandang nanghula sakin kanina diba?.ii-ikaw ba a-ang papatay s-saakin?"ániya niya.

"Oo!"Sigaw ng matanda at tumatawa na parang demonyo.tumakbo paitaas si Lexie at ni lock ang pinto. kinuha niya ng kanyang cellphone para tawagan si Ashley.

"tulungan mo ako Ashley"

"hindi pa ako tapos dito sa ginagawa namin,teka anoba ang problema?" Tanong nang kaibigan niya na si Ashley.

"yung manghuhula! P-papatayin n-niya a-----"hindi namalayan ni Lexie na nasa likod na pala niya ang matanda at tinakpan ang bibig ni Lexie sabay saksak sa puso ni Lexie.

"hello Lexie andiyan ka pa ba?" Ang wika ni ashley.bago pa maputol ang linya ay may narinig siyang boses ng Matanda at sabing.
.
.
.
.
.
.
.
.

GUSTO MO BANG MAGPAHULA?


---------------------------
Hiii! Inedit ko na to kasi nakakalito hahahaha panp 2014 ko pa yan ginawa 10 or 11 yrs old palang ako! Ayun so vote niyo comment na din mga pipol hahahahaha!!! Byeeee lovelots XOXO
.
.
.
.
.
.
.
.
.
P.S.base on a true story.

Lagim ng Manghuhula ( ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon