Kabanata 2

2 0 0
                                    

  Ilang buwan na rin, inaasahan ko na ang OJT namin, sa wakas malapit lapit na ako sa finish line pero paano ko kaya pagsasabay-sabayin? Haaaaay. Papunta ako ngayon sa tejero para magdeliver nitong mga order sa akin ng online buyers ko pasalamat parin ako kasi medyo malakas lakas ang kita ko ngayon. Tinawagan ko si Joyce para sana magkita kami sa Robinson, may kailangan kasi akong hiramin na notes sa kanya para sa isa naming project.
"Hello Joyce"
"Oo papunta na ako. Asan kana ba?" Sagot nya.
"May imi-meet pa akong isang buyer ko tas diretso na ako dyan"
"Okay sige, tawagan ulit kita pag nandun na ako, bilisan mo ha. Ingat ka"
"Sige, ikaw rin"
Binaba ko na ang cellphone ko at bumaba sa isa kong meeting place para sa buyer ko. Hindi rin nagtagal at nakita ko na yung buyer ko.
"150 'to no suki?" Sabay kuha sa pitaka nya. Nasa edad 40 na rin siguro sya.
"Opo miss" Inabot ko na sa kanya yung order nya. "Salamat po, sa uulitin"
"O sige neng, salamat rin." Sabay alis nya.

Haay. Ilan pa kayang pa order bago ko mabuo yung amount na kailangan ko. Naku, Jessy kayang kaya mo 'to! Ikaw pa ba? Nasa ganong pag iisip ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Jessy andito na ako saan kana?" si Joyce lang pala.
"Sige naglalakad na ako papasok"

"Hay naku! Wala ka ba talagang balak na sumali roon? Sayang din yun jess! Malaki rin mapapanalunan eh." Sabi ni Joyce sa akin tungkol sa gaganaping singing contest sa school.
"Joyce? Wala akong ganong kalakas ng loob no. Di ko keri." Sagot ko. Totoo naman kasi.
"Sige ikaw ang bahala, ikaw rin. Ang akin lang naman, maganda naman kasi ang boses mo, may talent ka talaga maganda pa. Kaya bagay na bagay ma doon. Sayang pinalista pa naman kita. Sabihin mo nalang bukas doon sa mga mag iikot sa room na hindi ka pala sasali." Sabi nya. Hay naiintindihan ko naman ang punto ni Joyce gusto lang din nya akong tulungan kasi sya talaga ang higit na nakakakilala sa akin.
"Sige Joyce, pag iisipan ko 'wag kang mag alala" sagot ko.
"Sana magbago pa isip mo Jess, o sya pano uuwi na rin ako kasi hahanapin agad ako ni mama marami pa kaming ibe-bake, mauna na ako sayo. Ingat ka." Paalam ni Joyce, meron kasi silang pinapatakbong bakeshop sa lugar nila.
"Sige may imi-meet pa 'kong isang buyer ko tapos uuwi na rin ako. Ingat ka rin. Kita nalang tayo sa school." Paalam ko sa kanya. Nag stay pa ako doon ng ilang saglit para intayin yung isa ko pang buyer. Maya maya dumating na rin sya.
"Eto po oh, 250 po ma'am" sabay abot ko sa kanya nung supot na may lamang order nya.
"Heto bayad ko oh, salamat. Pasensya na sa paghihintay."
"Opo wala po yun, sa uulitin po." Sabay ngiti ko sa kanya bago ito umalis. Binilang ko ang perang kinita ko ngayon, kung tutuusin maliit lang naman talaga yung tinutubo ko rito, pero atleast kahit papaano meron pa din. Nasa ganong kalagayan ako ng may nakita akong pumasok sa cafe kung san ako naroon, parang natatandaan ko yung itsura ng lalaking ito. Ayy!! Alam ko na! Sya pala yung masungit na lalaki! Oo nasa kanya pa pala yung I.D ko at kailangan kong makuha yun! Agad kong nilapitan yung lalaki ngunit nakatalikod ito, tatapikin ko sana sya para paharapin sakin pero pagkaharap nya bumangga sya sakin at natapon yung dala dala nyang frappe. Hay nako! Buti nalang hindi kape ang inorder nya, kundi nalapnos na siguro ako ngayon. Pero bago ko pa maiangat ang tingin ko, nakita ko na syang nagpipigil sumigaw.
"What the ffffuckk" ipit at gigil ang boses nya.
"Ah eh, pasensya na hindi ko sinasadya talaga. Gusto ko lang naman sanang kunin yung I.D ko na naiwan ko sayo. Pasensya na talaga"
Paghingi ko ng despensa. Pero mukhang hindi tumalab.
"Wala akong pakealam sa I.D mo! Nung unang beses kitang makita, iresponsable ka sa oras, ngayon naman, sobrang clumsy mo! What are you exactly? Right! A troublemaker! Will you get out if my sight?!" Masugit at pagalit na sabi nya. Agad na uminit ang ulo ko, hindi ko mapigilang magalit pero dumadami na rin ang nakatingin at nakikiusyoso.
"Humihingi na nga ng despensa yung tao diba? Tignan mo nga sa akin naman tumapon lahat ng kape mo ah? Kulay puti pa itong suot ko! Hindi ko alam kung paano lilinisin ito at nakakahiya, wala ka ba talagang konsiderasyon?" May halong pagpapakumbaba na yung boses ko. Makasigaw naman kasi 'tong lalaking 'to akala mo binili na nya itong buong cafe!
"Every time I bumped into you it causes troublesome. What kind of woman are you." Masungit paring sagot nito pero medyo kalmado na. Bigla itong umalis sa harapan ko at nag martsa palabas ng cafe. Teka san yun pupunta? Yung ID ko!

"Huy! Saan ka pupunta? Yung ID ko! Pakibalik na please?" Buti sana kung hindi masyadong mahigpit yung gwardya sa school namin eh. Nahuli na nga ako nun isang beses dahil nahalatang wala akong ID. Sinundan ko yung lalaki hanggang sa parking lot ng mall.
"Teka lang naman uy! Ibigay mo na kasi, sige na alam ko namang mabait ka eh." Pagpapakumbaba ko pa.

"You want this?" Sabay pakita sakin ng ID ko pagkatapos nyang kunin sa loob ng kotse nya. "Then take it." Sabay hagis nya sa malayo at pinapulot pa talaga sa akin. Tumakbo ako at kinuha yun. Bakit ba may mga ganong klaseng tao, ubod ng sama ng ugali! Jusko Lord! Naglalakad na 'ko palapit sa lalaking yun papasok na sana sya ng kotse nya pero biglang may isang lalaking tumatakbo papalapit sa kanya, may dalang kutsilyo. Teka?! Sasaksakin ba sya? Ang bilis ng pangyayari hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako papalapit sa likod nung masungit na lalaki at naisangga ko ang kanang braso ko sa sumaksak.

"ARAAAAAAY!" Sigaw ko 'nung maramdaman ko yung sakit ng saksak sa akin. Ang bilis ng pangyayari nakatakbo agad yung lalaking sumugod dito sa lalaking masungit pero unti-unti akong nawawalan ng malay.

"Huy! Huy! Wag kang pipikit! Dadalhin kita sa pinakamalapit na ospital! 'Wag kang matutulog okay?" Naririnig ko pa rin naman sya, sadyang nabigla lang talaga ako sa mga pangyayari kaya para akong nanghihina. Naramdaman kong isinakay nya ako sa passenger seat nya at tinalian nya rin yung parteng braso ko na may saksak. Yun lang yung naalala ko bago ako nawalan ng malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ToublemakerWhere stories live. Discover now