"Class dismissed." sabi ng prof namin. Agad kong niligpit ang mga gamit ko para hindi ako maabutan ni Taehyun. Ilang beses na niya akong sinusubukan na kausapin this past few days pero dahil sa nangyari, di ko siya pinapansin.
Pinipilit nya akong kausapin ko siya pero di ko talaga siya pinapansin. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sakin habang nag tuturo ang aming prof. Pag lunch naman sinusubukan niya din akong kausapin pero dedma pa din ako. Actually halos buong araw niya nga akong kinukulit eh. Pero dahil ayoko ay hindi ko siya kinakausap
PAG TAPOS kong mag ayos ng mga gamit ay lumabas agad ako sa room at mabilis ang lakad papauwi. Ayokong habulin ako ni Taehyun dahil baka mairita lang ako.
Kaso huli na ang lahat, ramdam kong may sumusunod sakin at alam kong si Taehyun agad un kaya patuloy ang pag bilis ng lakad ko. Naramdaman kong malapit na siya sakin kaya mas lalo ko pang binilisan. Hanggang sa may naramdaman akong kamay sa balikat ako, dahilan para mapa talikod ako.
"Allison." napa tingin ako ng masama sa kaniyang mukha. Kada nakikita ko siya ay agad akong nakakaramdam ng inis at galit. Tumigil ako at hinintay ang susunod na sasabihin niya.
"Look, alam kong galit ka. Tanggap ko yun pero pwede bang bigyan mo ko ng chance na mag-usap, please?" Ani Taehyun. Naka tingin lang ako sa kaniya ng walang ekspresyon. Hawak niya ang kamay ko pero binitawan ko agad un. Hindi pa rin natatanggal ang sama ng tingin ko sa kaniya. Sobrang naiinis ako!!
Akmang mag sasalita ako ng biglang umulan ng malakas. Agad namin kaming nabasa kaya hindi na ako nag dalawang isip na hilain siya at papunta sa malapit na cafe dito sa school.
Kasalukuyang naka upo kami ngayon sa loob ng cafe. Nasa harapan ko si Taehyun. Buti na lang ay hindi kami basang basa mula sa ulan, dahil wala din naman kaming pampalit.
Walang nag sasalita. Walang umiimik. Naka tingin lang ako sa bintana habang siya naman ay naka titig sakin. Medyo awkward pero di ko na lamang pinansin yon. Hinihintay ko lang naman siya mag salita.
"A-ayos ka lang ba?" Panimula niya. Napa tingin ako sa kaniya pero agad ding umiwas. Tumango lang akong bilang sagot
"S-sorry nga pala. Di ko alam na uulan eh." Dagdag niya. Di ako sumagot at patuloy na tinititigan ang agos ng ulan sa bintana.
Narinig kong napa buntong hininga siya. Kinilabutan ako don pero hinayaan ko lang. "Gusto ko lang naman sabihin na wala akong girlfriend habang nililigawan kita." Wika niya.
Gigil kong kinagat ang ngipin ko ng marinig ko yon. Lalo akong nakakaramdam ng inis. Sinusubukan kong kumalma para hindi mahalata.
"Nag chat sakin si Omi dahil naka uwi na daw siya. Akala niya ay kami pa din pero hindi niya alam ay nahuli ko siyang may iba nung umalis siya. Hindi ko sinabi sa kaniya iyon hanggang sa naka move on ako." Ani Taehyun
"Oo may relasyon kami pero dati yon." Dagdag niya. Napa higpit ang hawak ko sa kamay ko ng marinig ko iyon.
"Nakipag break ako sa kaniya noon. Pero hindi niya tinanggap at patuloy na umasa. Samantalang ako ay hinayaan ko na lang siya, knowing na break na kami kahit hindi niya tanggap." Sabi niya.
"Nahirapan ako non. Simula nung mangyari yon pinabayaan ko ang sarili ko. Syempre heart broken." sinubukan niyang mag biro kahit seryoso siya.
"Tagal ko din sinubukan na kalimutan si Omi non. Hirap na hirap ako... Hanggang sa nakilala kita." Sabi niya na napa tingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Charot。강태현
Fanfiction【COMPLETED】 ⇒ ❝ ABCD, After Banat Charot Dapat ❞ ✎Written in Taglish ✎Kang Taehyun 강태현 epistolary ✎ Not yet edited ✎All rights reserved 2019 ☞Start: 12/23/19 ☞End: 05/04/20 ©jigoobam