"Ate Pa-picture!"

19 9 7
                                    


Kiana's POV

CLUB WEEK nanaman! Juice colored! Mapapagod nanaman ako kakakuha ng litrato mamaya sa photo booth namin. Member lang naman ako sa club namin, pero ako kasi ang naatasang umasikaso sa photo booth ng club namin.

Binuksan na ang club at dumagsa ang mga estudyante dito sa amin. Kakabukas palang, pero madami na agad akong nakuhanan ng litrato.

Abala ako ngayon sa pag-kuha ng litrato ng isang grupo ng mga lalaki. Puro basketball player yata ang mga ito! Leche ang hirap nila picture-ran! Pati 'yung mga humahawak sa frame, nahihirapan na rin.

Chineck ko 'yung mga litrato nila, at mukhang ayos naman. "Next–"
Naputol ang sasabihin ko, ng biglang magsalita 'yung isang higante–este basketball player.

"Ate–mukhang pagod ka na dyan ah! H-hoy Josh! Picture-ran mo nga kami ni Ate"

⊙_⊙

P-picture? Ako? Sakanya?

Akala ko ba tiga-picture lang ako? Leche!  Hindi naman ako makatanggi kasi madaming tao ang nakatingin sa amin.

"One two three, smile!" sambit nung lalaking tinawag niyang Josh. "Oh hug naman!"

"H-hindi ba wacky 'yun? Bakit hug?" ani ko. Aba kahit wala akong hinaharap, dalagang pilipina parin dapat ako.

"Nako ate—hindi na uso 'yan, hug na ang uso ngayon. O dali! Hug na" ani Josh at tinutok ang camera sa amin.

Tumingin ako sa lalaking katabi ko, at walang pag-aalinlangang niyakap ako.

~_~

Sege ne nge peyekep den eke.

....

Sa wakas! Natapos na ang duty ko bilang camera girl. Makakapag-recess na ako.

Naglakad ako papunta sa canteen, and guess what happened?

"Ate-ate! Pa-picture!" ani lalaking niyakap ako kanina.

Leche! Dapat pala nag-suot ako ng camouflage na shirt, para hindi niya ako mapansin. Lol

Tinutok niya sa amin ang phone niya, at nag-selfie kami. Ang weird. Bakit siya nagpapa-picture? Hay nako, kakaiba talaga ang kamandag ko.

...

Kinabukasan, ganon din ang nangyari. Nagpapicture siya habang naglalakad ako sa hallway.

"Uy, ate! Pa-picture!"

Pati nung may hinatid akong project sa faculty.

"Wow ano 'yan? Bakit dinala mo na 'yung bahay niyo sa school? Picture-ran nga kita"

Ganoon din nangyari noong papalabas ako ng exit.

"Uy, pauwi na si Ate. Wait–picture muna!"

Ilang linggo na siyang ganyan ang ginagawa. Tuwing makikita niya ako, bigla niya akong lalapitan, at tatanungin ako kung pwede ba na magpa-picture sa akin.

I got used to it. And kapag uma-absent siya or weekends. Hinahanap-hanap ko 'yung boses niyang bigla akong tatanungin.

"Ate, pwedeng magpa-picture?"

...

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong bigla siyang naglaho na parang bula. Chineck ko lahat ng mga canteens and mga hallways, pero wala talaga siya. Pumunta na rin ako sa classroom nila, pero wala talaga siya doon. Nahihiya naman akong magtanong sa mga kaibigan niya, ano niya ba ako 'di ba? Hindi niya naman ako jowa.

"Pa-picture"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon