Chapter 3- Declaration of War

73 3 1
                                    

SILESIA'S P.O.V

 Lumilipad ang mga iba't ibang gamit sa loob ng kwarto ko because of my constant lunging and kicking—mga unan, stuff toys at kahit damit ay nakakalat. Whatever is the reason of my brunt of anger, hindi ako sure, pero isang bagay lang ang sigurado ako, I will certainly bring it to school the next day.

 It was tense—incredibly tense kahit sa labas ng school council office. May isang masamang aura ang lumalabas sa kwartong yun at walang tao, kahit ang mga ibang members ng student council ang sumubok na pumasok sa loob.

 There's no other reason for this but me—Silesia Cojuangco, Alderford Academy's School Council President na ngayon ay nagmumukmok at nagdadabog sa loob dahil lamang sa isang simpleng bagay.

 That is…a person named Terrence Sy is entering my life once again at hindi ako masaya dun. Siya ang taong kinamumuhian ko sa buang buhay ko as well as the person whom I once fell for.

 "Ano ba yan! Ang spoiled naman ng President natin! Nakakabanas!" Narinig kong sinigaw ng Student Council Treasurer na si Ralph Mendez at napatigil ako sa kakaisip. Ang lakas ng loob niyang pasukin ako dito sa loob.

 As expected, binuksan ni Ralph ang pintuan ng office at kasama niya ang best friend ko na si Karen Martinez na member din ng student council. Meanwhile, umuupo naman ako sa isang swivel chair malapit sa bintana habang naglalabas ng isang mass of dark vibes sa paligid ko.

  "Uh…Bes! Kailangan na…natin paghandaan ang inauguration ni Terrence bilang Vice-President…" Pahina ng pahina ang boses ni Karen.

 Binigyan ko siya ng isang malamig at galit na tingin at sinigawan siya, "THERE'S NO NEED FOR AN INAUGURATION AT WAG MONG SASABIHIN ULIT ANG PANGALAN NG TAONG YUN SA HARAP KO O KAHIT WITHIN MY HEARING RANGE OR ELSE, SISIGURADUHIN KO NA HINDI KA NA MAKAAPAK SA MUNDONG ITO ULIT!!"

 Napadapa ang secretary at ang treasurer sa sahig kaagad habang nanginginig sa takot. I never felt o fuming hot with anger before, pero sa loob ng puso ko, may nararamdaman akong confusion at helplessness. Terrence Sy is causing trouble for me again and I feel horrible with all of this, pero may ilang bahagi ang puso ko na nakaramdam ng saya at minsan nga makikita ko na lang sarili ko na iniisip pa rin siya. Nothing could  better describe what I am feeling right now than the words—total and utter chaos.

 ASTOR'S P.O.V

 "Ano nanaman to ngayon?" Nagreklamo ako habang naglalakad sa hallway papunta sa student council office.

 Sabi ng Guidance Office, puntahan ko daw yung President. It seems that Silesia Cojuangco's unruly attitude kept going on and on and gets worse as time passes and it causes quite a stirring to the whole campus, kaya nangialam na ang Guidance Office. Actually, sinabihan na ang student council eh, pero mukhang wala pa rin silang nagagawa.

 "Mukhang magdadalawang oras na to ah…!" I said to myself and checked my watch. Nung nakarating na ako malapit sa student council office, narinig ko ang ibang members ng student council na nagmemeeting sa labas. Sa isang malaking bilog, nag-uusap sina Karen Martinez(Secretary), Ralph Mendez(Treasurer), ang Business Manager, at ang Auditor.

 "Kailangan ng president natin ng kausap!" biglang sinabi ng Treasurer na si Ralph at tumingin ang lahat ng mga kasama niya sa kanyang direksyon.

 "Tama si Ralph! Diba pinalaki siya ng tatlong niyang mga kuya?" tanong naman ng secretary na si Karen Martinez sa business manager na tumingin naman sa kanya and nodded.

 "Pwede nating papuntahin dito ang mga kapatid niya—"

 "Tanga, wag! Hindi mo ba alam na busy silang lahat? Yung una, may-ari ng mga mamahaling malls, tapos yung isa, hospital naman at medical institutes tas yung panghuli, isang kilalang chef at nagmamay-ari ng mga popular restuarants dito sa Pinas!" pinagalitan ng treasurer ang secretary sa mga sinabi niya. "Akala ko pa naman bestfriend mo siya!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Liar's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon