No portion of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without written permission from the original copyright holders. This book is a work of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
DELA MARCEL I: Kiella Fifth
SINYORAKATE
"Kiella, I'm sorry..."
"Why are you saying sorry? It's not like you did something wrong," sabi ko kay Chad, ang dalawang taon kong boyfriend.
Umiwas siya ng tingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya pero hindi ako nagsalita.
Nitong mga nakaraang araw ay ramdam ko ang panlalamig niya. Hindi ko alam kung ano ang pagkukulang ko pero pilit ko siyang iniintindi dahil mahal ko siya at baka nagkakamali lang ako. Baka masyado lang siyang busy.
"Hindi ko naman sinadya... Kiella hindi ko ginusto," lalong kumunot ang noo ko sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan.
Hindi niya sinadya ang alin? Hindi niya ginusto ang ano? Naguguluhan ako ngunit tahimik ko lang siyang tinignan dahil wala akong masabi. Isama mo pang wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Yumuko siya at maya maya ay umalon na ang likod niya.
"Chad, what's wrong?"
"Hindi ko sinadya, Kiella. Hindi ko alam kung paano nangyari... D*mn it!" naihilamos niya ang mga kamay sa kaniyang mukha. Mas lalong yumugyog ang mga balikat niya.
Hinawakan ko ang balikat niya at marahang hinimas upang bigyan siya ng comfort. Nilingon niya ako habang may luha ang kaniyang mga mata. Hinuli niya ang aking kamay at tinignan habang nagsusumamo.
"Nakabuntis ako..."
"I'm sorry, K. I'm sorry... I didn't mean to..." nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang mga katagang iyon na lumabas sa bibig niya.
Ilang beses kong kinastigo ang sarili ko na baka nagkakamali lang ako ng pagkakarinig... hindi totoo ito pero ang pagyugyog ng balikat ni Chad at ang paulit ulit niyang paghingi ng tawad ang nagsilbing pintuan sa katotohanan.
Wtf!
Tumulo ang luha ko. Pilit akong ngumiti na parang biro lang ito pero sa sobrang sakit, hindi ko napigilan ang paghagulhol ko. Lumapit siya sa akin, paulit ulit na humihingi ng tawad pero itinulak ko siyang palayo sa akin.
Napaupo siya sa sahig habang paulit ulit ang paghingi parin ng tawad. Sinubukan siyang aluin ako pero hindi ako nagpatinag doon.
"Talk to me, K... Sa'y something," umiling ako.
"Get off me! D*mn you! Anong gusto mong sabihin ko? Congratulations?" galit kong turan habang patuloy parin sa pag-iyak.
Pilit parin niya akong niyakap hanggang sa nanghina ako dahil sa sobrang sakit. Wala akong lakas itulak siya. Ang naging depensa ko lang ay ang paulit ulit siyang murahin.
Hindi ko inaasahan ang pagdating nito. Hindi ko inaasahang mangyayari ang mga bagay na ito. Taon ang tinagal namin at buong akala ko kami na talaga. Umasa ako. Naniwala.
Ang sakit lang isipin na pagkatapos ng ilang taong pinagsamahan niyo, mauuwi lang kayo sa hiwalayan. Mauuwi sa lahat ang relasyong binuo niyo.
"Ilang buwan..." tanong ko ng makalma ako.
BINABASA MO ANG
Dela Marcel I: Kiella Fifth
General FictionDela Marcel I : Kiella Fifth Dela Marcel Story by: Diyosangwriter Cover by: CookieMallows