Chapter Two

83.5K 1.3K 14
                                    

Chapter Two


Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria noong biglang may sumigaw.

"Kiella Fifth!"

Kulang nalang mapatakip ako sa tenga ko ng marinig ko ang matinis na boses na iyon. Dinamba pa niya ako at dahil hindi ako biniyayaan ng height at natumba kami.

"Ugh! Ano ba iyan Gail! Kainis ka naman!" sabi ko sabay pagpag ng lupang dumikit sa balat at damit ko.

"Parang di mo ko na-miss! Baka nakakalimutan mo na ako lang ang best friend mo!" sabi nito at inirapan pa ako sabay cross arms pa! Aba ang bakla ginaganiyan ako!

"Tusukin ko kaya iyang mata mo? Gusto mo tsk!" sabi ko lang at nagpatiuna na.

"Bakla nasaan ang mga yummy bodyguard slash brother mo? Parang wala ka atang kasunod ngayon? Sayang nag-retats pa naman ako!" again, inikot ko lang muli ang mga mata ko. Kung kakakilala lang namin baka isipin kong ginagamit niya rin ako para sa mga kapatid ko pero buong buhay ko na ata siyang kasama at guess what? Noong lalaki pa siya kasa-kasama pa siya nila Kuya pero tignan mo nga naman ang pagbabago. Lumilingon lingon pa talaga siya sa likod ko.

"Wala nag-work lahat! Gaga ka wag mo nga baguhin ang usapan! Nasan ka kanina? Unang klase absent ka na naman!" sabay batok ko sa kaniya. Napakatamad niya talaga. Mabuti nga ay mababait ang ibang professors dito at pinapasa pa siya.

"Hindi kasi ako ginising ni Mother. Alam mo naman ako madalas mag-overtime sa beauty rest" sinamahan pa nito ng tawang nakakainis.

Babatukan ko pa sana siya ng biglang may bumangga sa amin dahilan upang malaglag ang hawak kong gamit.

"Sorry!" agad nitong sabi at yumuko upang pulutin ang mga gamit ko. Yumukod din ako maging si Gail pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ko ang mukha ng lalaking bumangga sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko. Halos manigas ako sa kinatatayuan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na feeling ko ay anumang oras maririnig na nila dahil na rin sa magkakalapit lang kami. Nanginginig din ang mga kamay ko habang pinipulot ang mga papel. Gusto ko na Lang lamunin ng lupa.

"I'm really sorry..." sabi pa nito ng iabot sa akin ang papel. Nakayukong inabot ko ang mga papel.

D*mn!

"Nagkakilala na ba tayo?" kinagat ko ang labi ko ago umatras ng humakbang pa siya palapit sa akin. Nanlalamig ang mga kamay ko.

"N-no! Hindi kita k-kilala! A-actually n-ngayon lang kita n-nakita!" halos mapapikit ako dahil sa pagkakautal ko. Lumapit sa akin si Gail at bahagya akong siniko.

"Oo nga, no! Transferee ka?" ani ni Gail. Naramdaman Kong halos kumulot ang boses ng bakla.

"Yep! Baka nagkamali lang ako. You kinda look familiar, but I'm not sure. Gotta' go. I'm really sorry" tango na lang ang naging sagot ko at nagpasalamat sa lahat ng santo noong umalis na siya sa harap ko.

Huminga ako ng malalim dahil parang hindi ako nakahinga ng maayos. Para akong naninigas sa kinatatayuan ko. Of all places? Dito pa talaga sa University?

"I can't believe this sister! Of all people na pwedeng bumangga sa iyo ang lalaking naka-mfnfjriekdb" kulang nalang isampal ko ang hawak ko sa mukha niya!

Sukat ba namang sabihin ang nangyari! Minsan talaga nagsisisi ako kung bakit wala akong maitago sa kaniya.

"Dito pa talaga kayo nagkita no? Baka may part two?" sinamaan ko siya ng tingin ng magawa niya pa talagang ibulong iyon sa akin.

Halos manginig na ako sa takot pero heto siya at inaasar pa ako.

"Bakit nandito iyon!?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Gail! Bakit nandito siya? Tingin mo nakilala niya ako? OMG! Anong gagawin ko?"

"Etshuserang babae to? Alam ko maganda ka at hindi madaling kalimutan pero si Dustine Zavier Fajardo ang pinaguusapan natin dito, Sis! Malamang sa malamang ay pagkatapos ng gabing iyon may iba na namang babaeng naikama iyon! Ayoko namang sabihin na madali kang kalimutan pero sa lalaking kagaya niya? Isang bachelor at may mukhang hahabul-habulin hindi lang ninyong anak ni Eva kundi pati kaming kalahating Adan at kalahating Eva. H'wag ka ng matakot hindi ka na makikilala non and besides nagtatago ka sa malalaki mong glasses ngayon hindi katulad ng Kiella Fifth na seductive at sexy noong gabing iyon" medyo harsh ang pananalita niya pero tama naman si Gail.

Isa nga namang bachelor ang lalaking iyon at tama din siyang baka nakalimutan na niya ako. Huminga ako ng malalim at hindi na muling inisip iyon dahil mamomroblema lang ako panigurado. Nang gabing mangyari iyon at noong umagang umalis ako sa tabi niya, tapos na iyon at kahit anong mangyari ang isang malaking pagkakamaling iyon ay naibaon na sa limot... sana nga dahil ayokong malaman iyon ng mga kapatid ko.

Hindi ko alam kung anong pwede nilang gawin sa akin. Bumuntong-hininga ako. Minsan, nakakapagod din pala ang magkaroon ng apat na lalaking kapatid. Though alarm ko naman na ako ang may nagawang mali. Ako ang may kasalanan.

Masyado akong nasaktan sa ginawa ni Chad na nakagawa ako ng mas malalang kasalanan. Pumikit ako ng mariin at pili iyong inaalis sa isipan ko. Tama si Gail. Hindi simpleng lalaki lang si Dustine. Baka nga noong natapos kami ay may iba pa siyang pinuntahan. Sino ba naman ako, di'ba?

Hindi niya ako kilala. I am nothing to him.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta sa mga susunod pa naming klase.

Pilit ko mang inaalis ang nangyaring iyon sa isipan ko ay hindi ko magawa lalo na dahil magka-klase kami sa lahat ng subject ko. Para akong pinaglalaruan ng tadhana. 

Dela Marcel I: Kiella FifthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon