Chapter One
God! What did I do?I slapped my cheeks a lot of times thinking everything was just a nightmare pero naramdaman ko na ang hapdi at lahat pero wala paring nangyayari. Halos mapunit na ang labi ko sa kakakagat ko lalo na ng maalala ko ang nangyari kagabi sa kotse niya, sa elevator hanggang sa marating namin ang lugar na ito. Ni hindi ko lubos maisip na kaya kong gawin ang mga bagay na iyon.
Bakit ko ba kasi naisipang uminom? I know clearly what drunkness does to women. Ganun ko ba talaga gustong makalimot na hindi ko na talaga naisip ang sarili ko?
I almost jumped when an arm snaked around my waist. Nanlalamig ang katawan ko at halos hindi na ako huminga, takot na baka magising siya. I tried to move when he was done moving and sleeping loudly, but the pain in the middle of my thigh was unexplainable. Parang may napunit sa sobrang sakit.
Congratulations, Kiella Fifth Dela Marcel. You're not a virgin anymore and that's because of your stupid actions.
I wanted to cry at that thought lalo na ng maisip kong sinuko ko ito sa taong hindi ko naman ganun kakilala. Ni hindi ko nga alam angand pangalan niya! Paano kung may sakit siya? Paano kung mabuntis ako? Ano nalang ang sasabihin ng mga kapatid ko, ng parents ko? Hihilain ko sila sa putikan once na nangyari nga ang mga kinatatakutan ko.
All I want is to forget everything. Kahit isang gabi lang makalimutan ko ang sakit. Kahit minsan lang makalimutan ko na nakabuntis ang boyfriend ko. Nakalimutan ko nga pero mas nadagdagan naman ang problema ko.
I don't know what to do. Malaking kahihiyan kung mabubuntis ako. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame habang pinapakiramdaman ang sarili ko. We're in a bachelor type of room. At least hindi niya ako dinala sa kung saan saan.
Nilingon ko siya bago ingat na ingat na tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. Paunti unti ang naging galaw ko dahil sa bawat paggalaw ko ay nararamdaman ko ang hapdi ng pagkababae ko. Agad kong nilibot ang mga mata ko sa paligid upang hanapin ang mga gamit ko. Tumayo ako at pinulot isa isa ang mga damit ko na nagkalat sa sahig bago sinuot. Kinuha ko ang bag ko at isusuot pa lamang ang sapatos ko ng makarinig ako ng ungol mula sa kaniya.
Humarap ako sa direksiyon niya, "Where are you going?" I suddenly froze.
I didn't answer him. Bahagya akong naestatwa hanggang sa kusutin niya ang mga mata niya at umupo. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hanggang sa tumayo siya. He's all naked in front of me!
Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko na sinuot pa ang sapatos ko dahil kusang gumalaw ang mga paa ko palabas. Nararamdaman ko ang hapdi sa gitna ng mga hita ko habang naglalakad ngunit hindi iyon naging dahilan para huminto ako.
Nakahinga lamang ako ng mabuti ng makapasok ako sa elevator ng walang nakasunod sa akin. Agad kong hinanap sa bag ang cellphone ko. I scanned through my contacts until I found my best friend's number.
Obviously, hindi ko pwedeng tawagan ang mga kapatid ko. Masyado silang mahigpit at ang kaalamang hindi ako nakauwi kagabi ay paniguradong magagalit na sila paano pa kaya kung malaman nila ang totoong nangyari?
"What's your problem, Fifth? Alam mo ba kung anong oras na?" paos ang boses niya, halatang kakagaling niya pa lamang sa pagtulog. Sumandal ako sa elevator upang kumuha ng lakas.
"I—I need your help, Gail," I sounded helpless. Well, I really am. This is a matter of life and death to me. "I need you to fetch me. Ikaw lang ang makakatulong sa akin,"
"What's wrong? Nasaan ka ba?" nahihimigan ko ang pagaalala sa boses niya. Sakto namang tumunog ang elevator, hudyat na nasa ground floor na ako.
"I don't know—"
"Anong I don't know? Na-kidnap ka ba?" umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. Tinakbo po ang ditansiya ng elevator palabas. Damang dama ko ang lamig ng sahig dahil sa kawalan ng sapin sa paa.
Lumingin ako sa paligid hanggang sa may makita akong signage. Sinabi ko sa kaniya kung nasaan ako. Palingon lingon ako sa likuran ko, takot na baka nasundan na niya ako pero wala parin.
"What are you doing here, Kiella Fifth? Bakit wala kang suot na sapatos? Ano bang pinaggagagawa mo?!" galit na bungad sa akin ni Gail, my gay best friend who doesn't look like one.
"Ipapaliwanag ko mamaya. Umalis na tayo rito," sabi ko bago pumasok sa sasakyan niya. Umikot naman siya at tuluyan na naming nilisan ang building na 'yon.
Pumikit ako ng makaramdam ng pagod. Namamanhid ang katawan ko sa sakit.Ngayon lang ako nakaramdam ng ganung kaba at takot. Hindi naman nagtanong si Gail. Tahimik lang itong nagmaneho hanggang sa makarating kami sa unit niya.
Pagod ako pero hindi ako matatahimik hangga't wala akong napagsasabihan. Sa ngayon, si Gail lang ang taong iyon. Alam ko at may tiwala ako sa kaniya. I found myself telling her the whole story.
"Ang gaga mo! Ano bang iniisip mo at nagawa mo ang mga 'yon! Did you even think about your family, Kiella Fifth? You know how much they value you! Ang mga kuya mo! Naku!" naghuhuramentado niyang sambit habang paikot ikot sa harapan ko.
Wala naman akong ginawa kung hindi umiyak. Wala na kasi akong magagawa pa. Tapos na. Nagawa ko na. Nawala na ang nawala.
Totoo nga na nasa huli ang pagsisisi ngunit kahit anong gawin ko wala ng magagawa pa ang pagsisisi ko. I need to accept the fact that I am not a virgin anymore and pray not to be impregnated by that stranger.
Weeks passed by without me noticing it. Wala namang nangyayaring kakaiba sa akin. Ni hindi rin ako tinanong nila Kuya tungkol sa gabing iyon. Nagpapasalamat ako dahil doon. Hind ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko once na magtanong sila.
Nagkampo ako sa kwarto ko. Lumalabas lang ako tuwing kailangan at hinihila ako palabas ng mga kapatid ko. Natatakot akong lumabas. Natatakot akong makasalubong ang lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
Dela Marcel I: Kiella Fifth
Ficción GeneralDela Marcel I : Kiella Fifth Dela Marcel Story by: Diyosangwriter Cover by: CookieMallows