Prologue

841 7 0
                                    

"Baby are you sure about this?" naiiyak na tanong ng Mom ko.

"Yes mom! Don't worry, as soon as okay na ako babalik naman ako eh. It's just that I need some space yung makakapag isip ako. Masyado akong nasaktan Mom" pinigilan kung hindi umiyak sa harapan ni Mommy.

"If that's your decision, then I'll support you but promise me you'll take good care of yourself.

"Yes Mom I will. I have to go. Bye" hinug at kiniss ko si Mommy bago lumabas ng pintuan bitbit ang aking maleta.

"Mag-iingat ka baby" Sabi ni Mom at kiniss din ako sa cheeks.

Dali dali kong pinaandar ang aking sasakyan at binilisan ko ang aking pagmamaneho. I turn on my GPS para malaman ko ang tamang daan papunta sa Isla Del Fuego. Gamit ang aking isa pang kamay, I dialed Anastasia's number kasi sasabihin ko sa kanya ang naging desisyon kong pagbabakasyon sa Isla Del Fuego. Isang isla kung saan payapa at malayong malayo kay Jed.

"Hi megs. What's up?" sambit ni Ana sa kabilang linya

"Hello megs. I'm on my way to Isla" sagot ko.

"You mean Isla Del Fuego?"

"Yup! I decided to have a vacation para makapag relax yung utak ko" buntong hininga kung sagot.

"Yung utak nga ba? O yung puso?" pang uusisa niyang tanong.

"Both!" garalgal na sagot ko kasi naiiyak na naman ako

"Hey don't cry baka manlabo mata mo nagdadrive ka pa naman" nag aalalang sagot ni Ana sa kabilang linya

"Yeah I know! Thank you megs. I'll call you later"

"Sure. Take care megs" and I ended the call

Hininto ko muna ang aking sasakyan kasi nanlalabo na mga mata ko kaya pinunasan ko muna mga mata ko. Mahirap na baka madisgrasya ako. Kahit naman broken hearted ako, kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang magpakamatay. Pagkatapos kong punasan ang aking mga luha, pinaandar ko na ulit ang aking sasakyan.

It took me 7 hours drive before I get here. Pagkababa ko ng kotse dumiretso ako ng hotel para mag check in. Pagkatapos pumunta na ako sa kwarto ko at humiga muna dahil sobrang napapagod ako kakadrive. Hindi ko namamalayan nakatulog na pala ako.

Nagising ako bandang alas 5 ng hapon. Nagbihis muna ako dahil balak kung maglakad lakad sa labas. Nandito na ako ngayon sa dalampasigan. Habang naglalakad, hindi ko mapigilang mamangha sa Isla. Ang linaw ng dagat, ang presko ng hangin at ang puti ng dalampasigan. Sobrang nakakarelax lalo na't tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw. In'enjoy ko muna ang magandang tanawin at nagmuni muni.

Flashback • • •

Sobrang excited akong sumakay ng elevator papunta sa unit ng boyfriend ko. Kakauwi ko pa lang galing sa business trip ko sa Australia. Balak kong sorpresahin si Jed pero sa hindi inaasahang pagkabukas ko ng pinto sa kanyang unit, ako ang nasorpresa. I saw Jed fucking another girl. Hindi ako nakapagsalita. Parang may malaking tinik sa aking lalamunan. Hindi ko akalaing magagawa ni Jed to sakin kaya napaupo ako sa sahig dahilan para lumingon si Jed.

"I-irina? B-babe" nauutal niyang sambit

Tumayo ako at dali-daling lumabas sa kanyang unit at sumakay sa elevator. Ngunit sinundan niya ako.

"Babe wait!" isang malakas na sampal ang ginawad ko kay Jed.

"Ano? Magpapaliwanag ka? Wag na Jed. Kitang kita ng dalawang mata ko. Balak pa naman sana kitang sorpresahin pero fuck, ako ang nasorpresa" wala akong pakialam kung may makarinig sa lakas ng sigaw ko.

Isla Del Fuego (Island of Fire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon