Chapter 3

251 6 0
                                    

A/N: Hello guys sorry sa matagal na update :) Please vote po para maganahan naman akong ituloy ang storyang 'to. Thank you for reading and God bless! 🙏❤

Maaga akong nagising dahil maghahanda pa kami ni Mommy ng mga kakailanganin namin rekados sa lulutuing mga pagkain para sa pagdating nina Harry.

Alas 10 pa lang natapos na kami sa pagluluto at umakyat na ko para makaligo at makapag ayos. Sobrang kinakabahan na ako. Isang peach dress ang aking napiling suotin na pinaresan ko ng peach rin na flat sandal. Inilugay ko lang ang aking mahaba at straight na buhok tsaka naglagay ng konting liptint. Katatapos ko lang mag ayos ng may kumatok saking pinto

"Mam Irina pinapababa na po kayo ng Mommy mo dahil dumating na yung bisita" tawag sakin ni Manang Yolly

"Okay manang susunod na po"

Pagbaba ko pa lang ng hagdan, halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Buong buhay ko ngayon lang talaga ako kinabahan ng husto. Pagkadating ko sa kusina agad akong pinakilala ni Mommy sa parents ni Harry. Siguro habang wala ako ay nagpapakilala na sila sa isa't-isa.

"By the way Elizabeth, this is Irina my daughter" ani Mommy sabay tingin sakin

"H-hi po g-good afternoon" nauutal kong bati. Sobrang nanlalamig na ang aking kamay.

"Hello iha, good afternoon din sayo" bati rin sakin ng Mommy ni Harry at ngumisi sakin pagkatapos umismid.

Kahit di niya sabihin sakin alam kung hindi niya ako gusto dahil ramdam ko sa mga titig niya. Isinantabi ko muna ang aking naiisip at nagsimula ng kumain. Habang kumakain kami napag usapan ang tungkol samin ni Harry.

"So kailan natin ipapakasal ang mga bata?" tanong ng Daddy ni Harry

"Anong magpapakasal David? No, hindi muna sila magpapakasal. Bata pa si Harry at ganon din naman si Irina" ani Mommy ni Harry na medyo iritado

"Mom okay lang naman sakin. Pwedi ko naman pagsabayin ang buhay may asawa habang nagmamanage sa negosyo natin" ani Harry sa mommy niya

"No Harry masyado pa kayong bata at hindi pa kayo ready" medyo pagalit na ngayong turan ng Mommy ni Harry

"So anong gusto mo Elizabeth?" ang Daddy naman ngayon ni Harry ang nagtanong sa kanyang asawa

"Gusto ko na magsusustento lang muna si Harry sa magiging anak nila" sabi ng Mommy ni Harry na ngayon ay medyo kalmado na

"Ahh Elizabeth if you don't mind, bakit ayaw mong ipakasal ang mga bata gayong magiging parents na sila soon?" si Mommy na ngayon ang nagtatanong.

"Dahil ayokong matali ang anak ko sa isang relasyong alam kong kahit katiting na pagmamahal ay wala. Kung magpapakasal lang sila dahil lang magkakaanak na sila, hindi naman pwedi yun sakin. And besides, I want someone else for my son" walang kakurap kurap na sabi ng Mommy ni Harry

Sa sinabi ng Mommy niya, parang kinikirot ang puso ko. Ewan ko ba, hindi ko naman mahal si Harry pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Tama naman siya, anong kahihinatnan ng pagpapakasal namin kung ni katiting na pagmamahal wala kaming nararamdaman sa isa't isa?

"Pero Elizabeth-

"Tito okay lang. Tama naman si Tita eh, masyado pa kaming bata para magpakasal. Tsaka kaya naman namin alagaan ng Mommy ko yung magiging baby namin" putol ko sa kung anong sasabihin ng Daddy ni Harry

Yun ang naging desisyon. Malinaw na ayaw ng mommy ni Harry sakin kahit na sabihin niyang masyado pa kaming bata at hindi pa ready. Alam kong rason niya lang iyon. Napagkasundoan na kapag nanganak na 'ko, magsusustento lang si Harry. Hindi kami pwedi magsama sa isang bubong dahil yun ang gusto ni Tita Elizabeth. Kahit hindi sang ayon sina Mommy wala na rin silang nagawa dahil mismo ako, yun din ang gusto ko. Hindi naman kasi pweding magpakasal nalang kami dahil magkakaanak na. At isa pa, may gustong iba ang Mommy ni Harry para sa kanya, ayoko ko namang maging hadlang sa kung anong gusto nila. Ayokong maging selfish.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isla Del Fuego (Island of Fire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon