PAUNANG BATI! ⚠️ WARNING DO NOT SKIP THIS PAGE ⚠️

3.3K 20 3
                                    

Wazzup y'all! In this book I will be discussing to you some of the (In my opinion) best filipino bl or "boy's love" books in wattpad as of now. If you are not aware of this genre, then lend me your ears as I explain it to you further.

BOY'S LOVE, or sometimes known as yaoi in japanese, is a romance sub-genre that is all about the journey of love between two (freakishly gorgeous) guys, either one is straight at start or both are homosexual males. In short, parang gay version lang ng mga aktuwal na love stories ng mga "straight" people, but just because it is gay romance doesn't mean it only caters homosexual audience/readers. Infact, BL nowadays has become extremely popular to all people especially teenage heterosexual females—that includes yours truly of course. And yes, I am a full-fledged girl pero isa ako sa mga obsessive na mga nilalang when it comes to BL. Sa katunayan pa nga, mostly na ng binabasa ko ngayon ay puro na about Boy's Love, BoyxBoy, M2M, MPREG at Yaoi. Naisip kasi ng diwa ko na nakakasawa na ang mga romance stories for straight dudes kaya nag-explore ako sa ibang genre at luckily hindi ako binigo. Haha! But don't get me wrong ha, straight na babae parin ako—but isa na ako sa mga matatawag ng mundo na ito as FUJOSHI OR ROTTEN GIRL na adik sa mga ganitong klase ng kwento.

So yun nga, BL is about male-to-male relationship and the likes. Other people may see this as dirty or weird kasi DAW it's a "taboo" para sa iba ang magkaroon ng pag-iibigan between 2 guys pero wala naman akong pakealam doon. Although kakaunti lang ang mga nagbabasa sa ganitong genre but still, I wanted to share this to my fellow fujoshis and to the fujodans out there na sikretong nagbabasa ng BL para atleast man lang diba hindi na sila mahirapan pang maghanap ng mga kwentong maganda basahin sa ganitong field.

Yes mga besh! Magrerecommend nga ako ng mga BL stories na dapat talagang mabasa ng lahat bago pa gumunaw itong universe sa lalong madaling panahon. Dagdag mo pa ngayon na nasa lockdown ang buong earth tiyak na mayron na diyan sa inyo ang nabobored na kanilang bahay dahil walang matino na mabasa. Pwes, magsaya na kayo mga baks! Dahil narito na ang dyosa na tutupad sa mga mumunti ninyong mga pangarap. Charot.

Seryosong usapan, gusto ko lang din i-share ang mga BL stories na nabasa ko na especially yung mga magaganda. I-fi-flex ko lang kasi feeling ko hindi pa sapat yung mga readers na nakabasa na sa kwento nila eh. I can guarantee you na lahat ng irerecommend ko dito ay tiyak na magugustuhan din ninyo lalo pa't pihikan ako pagdating sa libro. Hindi ako basta-basta nagbabasa ng mga kung anu-ano lalo na kung cliche ang kwento, jeje ang pagkakasulat, parang elementary ang maykatha, bland ang mga story scenarios, nasobrahan sa kacornihan tapos punung-puno pa ng mga grammatical errors na siya namang nakakabawas points sa mga expectation ko kapag nagbabasa. Arte no? Aside kasi na isa akong School Journalist editor since my 8th grade, isa rin po akong book critic mga besh—since the very first time I started reading books, although nila-lie low ko nalang yung pagkamaarte ko kasi minsan kapag nagkakalkal ako ng mga mukhang patapon na libro(sorry for the strong word) eh nakakakita ako ng somehow GOLDS and DIAMONDS sa nilalaman later as I dig deeper on its juicy content so right now I won't mind small defects and errors. Kaya nga sa siguro sa sobrang pagka-Perfectionist ng lola niyo ay hanggang ngayon NBSB parin ang gaga.

Pero oks lang yun. Matagal na akong namulat sa quote na "Si Adan ay para lang din kay Adan" lalo na kung hawt tsaka fafable. Tatanggapin ko ang pagiging single forever magkatuluyan lang ang mga crush kong lalaki sa isa't-isa. Haha!

Minsan pa nga, kapag naiinggit na talaga ako sa mga binabasa kong BL stories, sarap sigawan si mama ng "Ma! Bakit mo ako ginawang babae? Gusto kong maging bakla! Gusto ko ring tirahin sa pwet at mapasigaw ng choke my daddeh! Char" pero wala na dahil ito na talaga ang binigay na kasarian sa akin ni Lord. Lul.

Mabalik ulit tayo sa topic. Since naipaliwanag ko na nang masinsinan ang purpose ko, I just wanna give you some reminders in case you're new in this type of genre. Don't be close-minded and try to open your wide imaginations to this all possibilities. Kung iniisip mong panget at marumi ang pagbabasa ng BL pwes Cassie nagkakamali ka. Walang mali sa pagmamahal sa pareho mo ng kasarian. I'm not a promoter of LGBTQ+ here but I don't really mind about their existence as long as they're harmless at wala silang tinatapakang ibang tao. Tsaka love isn't about being a girl or a boy. Regardless of gender, age, affiliation, nationality, status or even other people's opinion, LOVE still conquers all. Kaya sa mga homophobes jan ah, try niyo namang buksan ang diwa nyo't palawakin pa ang understanding ninyo tungkol sa isyu na'to. Walang masama basta nagmamahal ka ng totoo.

Another reminder(last na ito pramis), since BL genre is sometimes associated with erotic scenes and sexcapades, wag na kayong magtataka kung may marerecommend ako ditong story na puro kamunduhan and other stuffs ang laman. Like duhh, boring din naman kasi kung puro pabebe lang ang BL gaya ng mga usual love stories, knowing na nature na sa lalaki ang pagiging malibog. Syempre kala niyo babae at lalaki lang ang may magandang sex scenes sa mga libro? HAH! *taas noo* wag niyo yatang maliitin ang mga BL bes. Dito yata ako namulat sa lahat ng dapat kong malaman lalo na sa pakikipagtalik ng dalawang lalaki. Expert na ako mga bes! *making proud face*

I guess hanggang dito na lang ang mensahe ko, napo-prolong na kasi yata ang usapan natin eh. Alam kong atat na atat na kayong magbasa ng mga kwentong irerecommend ko kaya eto na! Go na sa next page and enjoy! 😁😁😁


Queen of all Fujoshis,
Loveereina (charot!)

WATTPAD FILIPINO BL STORIES RECOMMENDATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon