SAUCE #1

3.7K 14 3
                                    

Title: CAMPUS BROMANCE
Author: TheGoodBoySide
Reads: 1.05 Million
Votes: 30.4K
Book Parts: 50 Chapters
Status: Completed

CREDITS TO THE AUTHOR! FLEX KO LANG PO STORY NIYO! 😘

This is the first BL story I've ever read in my entire life. Dahil dito, namulat ang mga natutulog kong fujoshi cells sa katawan na siyang nag-push na sa'kin na magbasa na ng Boy's love stories o manga/manhwa at manuod narin ng mga yaoi animes. At first akala ko lang kasi about friendship lang storya na 'to(hindi ko kasi nabasa ang genre) kaso ibang 'bromance' pala ang ibig-sabihin. Nauto ako ng barbie na'to mga tol!

Pero buti nalang talaga at nabasa ko 'to. Hindi ko naman siya pinagsisihan eh, infact sobrang natuwa pa ako to the point na nagswitch bigla ang taste ko pagdating sa binabasang libro. Pero wag kayo ah, nagbabasa din naman ako ng ibang genre like action, horror and fantasy but when it comes to romance nagswitch na'ko sa BL for atleast 90%(nagbabasa parin kasi ako ng mga pang straight na love stories pero bihira nalang).

Maganda ang kwento niya kasi lightloaded lang ang story plot tsaka bagay talaga ito na basahin ng mga nagsisimula palang magbasa sa ganitong genre bago pa sila lumusong sa mga next level types na mga nobela. Pero just like any other stories, may jugjugan scene din ito kaso sa huling bahagi na ng story. As what I've said earlier, lightloaded lang kasi ang story plot bale may pagka pabebe itong libro na'to-in a positive and most conservative way.

Characters? They're great. I love the progression of their love story from friends to more than friends. May mga pagsubok as usual but they'll manage to cope up with that. Isa na dun ay ang pagmamahal nila sa isa't-isa knowing that both of them have the same gender. Sa dami-rami na ng BL na nabasa ko, commonly ganun naman talaga ang kadalasan isa sa mga problema nila eh. Syempre sa mapanglait ba namang mundo na ito, hindi natin maikakaila na magiging hadlang nga ang sekswalidad nila sa nararamdaman nila. Kaya nga mas lalo akong ginaganahang magbasa ng BL eh kasi mas challenging yung haharapin nilang pagsubok kesa sa mga normal na romance novels. Di pa kasi fully accepted ang mga LGBTQ+ sa society natin. Yung iba pa nga tingin lang sa kanila mga salot sa lipunan eh hindi naman nila kasalanan kung bakit sila naging ganyan eh.

But this is not the right time or place to talk about that matter. For now, enjoyin nyo nalang muna ang pagbabasa nito and also share your opinion in the comments section about this recommendation! To read, here's the link down below! Maganda 'to kaya basahin niyo!

LINK 👇

https://my.w.tt/PExtLwCHc6

WATTPAD FILIPINO BL STORIES RECOMMENDATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon