SAUCE #2

3.1K 10 3
                                    

Title: ROMANCING JOSH (ALLUSTREA MEN SERIES 1)
Author: PrudencianMund
Reads: I53K
Votes: 8.96K
Book Parts: 45 Chapters, excluding special chapters
Status: Completed

CREDITS TO THE AUTHOR! FLEX KO LANG PO STORY NIYO! 😘

This is probably the funniest and most hilarious BL story I've ever read as of now. I like how humorous the casts were especially the main character at sa paraan kung paano bini-blend ng Author ang comedy sa kwento. Mostly kasi kapag ganitong mga genre nababasa ko kadalasan mga drama, lagi nalang nakakaiyak, kala mo nakakain ng isang daang ampalaya ang manunulat sa super bitter, minsan hindi pa nagkakatuluyan sa huli—pero ito iba. Kumbaga sa kape tamang timpla lang siya. Not too strong, not too creamy. Just right. Chos!

Katulad ng first recommendation ko, this one also has a lightloaded story plot. When I say "lightloaded", it doesn't mean na mababaw lang at bland ang kwento but hindi ito yung tipo ng libro na magbibigay sayo ng sama ng loob at paiiyakin ka or something. Swear matatawa ka talaga sa kaadikan ng storya at sa mga characters nito.

And speaking of, I must say that when it comes to the characters I am entirely impressed especially on the MC's boldness and straightforwardness in every situation. I don't know kung matatawag ba siyang marupok talaga pero hindi siya yung tipo ng tao na tinatalikuran ang mainit na kape sa harapan niya, inshort tinatanggap niya ka'gad ang mga opportunity instead na magpadala siya sa pride niya—which really resembles me kasi ayoko rin naman yung nagpapakipot pa. Kung gusto ko or mahal ko parin ang tao syempre susunggaban ko talaga agad, wala nang say-say pa jan. Kung go na, di bira na! Aarte pa ba ako? Minsan yan pa kasi ang mga nagiging mali ng kadalasan sa mga bida sa kwento eh, yung inuuna nila ang pride nila kesa sa nararamdaman nila kung pwede namang ipaglaban talaga eh. Kesyo raw "hindi lahat ng bagay ipinaglalaban" eh ang totoo naman talaga ay lahat ng bagay nagagawan yan ng paraan. Hindi pa nga sumusulong sa gyera susuko na. Like ano ba yan guuurl? Kaya kayo nasasaktan kasi padalos-dalos kayo sa desisyon kung saan kayo masasaktan! Sabi nga nila diba, don't make decisions whenever you're too happy, or too sad and too mad. Char. Anyare sayo Lovely Raine? Malahugot wagas? XD

Osiya kidding aside, i-search niyo nalang ang link na nasa baba bago pa ako tuluyang mabadtrip. Wag na kayong mag-dalawang isip at basahin niyo talaga 'to ah! Babatukan ko talaga pag hinde. Share niyo na din opinion niyo sa baba about sa recommendation na'to. Tulungan niyong umunlad ang Pilipinas nang umasenso ang buhay ng bawat pilipino. Jowk!

Also, if you like, you can also check out to the other Allustrea Men series of PrudencianMund. Magaganda rin yon mga besh!

LINK 👇

https://my.w.tt/N9zF6LXHc6

P.S. Parang awa niyo na basahin niyo 'to. Walang mintis talaga kayong papatawanin nitong storya na'to. Pati ba naman kasi sa jugjugan time kwela padin yung bida. Nakakaloka!

WATTPAD FILIPINO BL STORIES RECOMMENDATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon